Thursday, November 1, 2012

TAGPUS!

TAGPUS

Finally!!!! 

Alam nyo na kung bakit "finally" ang opening word ng entry na to. Maraming ibig sabihin 'yan para sa 'kin. Isang salita na naging bahagi ng halos dalawang buwan na pagkawala ng kapangyarihan ni Super Mario. Hindi ko man maibabahagi lahat ang dahilan kung bakit ang salitang ito ay mahalaga, hayaan nyo na ibahagi ko ang isa sa aking natutunan kamakailan lang.

Ika-sampung buwan ng taon... ito ang buwan na lagi akong napapatapon sa ibang bansa. Hindi ko alam kung nagkakataon lang o sinasadya ng pagkakataon. And this year is no exemption to that. Nasa Pinas na sana ako before September Ends, pero di nangyari. At muli, sa pagtapak nang unang araw ng ika-sampung buwan, wala na naman ako sa Pinas. Alam ko, sa "takdang panahon" mararanasan ko muli ang manatili sa bansa nang buong tatlumpu't isang araw sa buwan na ito. 

Magkaganon man, marami naman akong blessings na natanggap. Mula sa mga taong hindi ko inaasahan na magbibigay at sana ay patuloy at walang sawang magbigay (lolz). 

Una sa mga natanggap ko ay isang napakagandang watch, na umugma sa kulay na gusto ko. Tuwang tuwa ako nang buksan ko ang box na kulay puti na may logo ng buwaya. Regardless of the brand, nasa tao daw yan kung paano mo dadalhin ano man ang suot mo sa katawan. How much more kung branded? May dagdag kayang kakisigan ang hatid nito sa magsusuot? Nakakadagdag o nakakabawas nga ba ng identity ang anumang suot natin? Laging sinasabi ng boss ko na dapat naka formal attire kami pag nasa ibang bansa. Para pumantay ka kahit papano sa ibang lahi kahit man lang sa suot. Ibig sabihin, packaging counts and first impressions last. Secondary na lang ba talaga ang angking galing ng isang tao. Yan ay isang opinion lamang sa paningin nila. 

Pangalawa na aking natanggap ay isang napakasarap na cake! Bumagay sa paborito kong brewed coffee na aming pinagsaluhan sa SB, kasama ang ibang kapwa ko blogero. That was a perfect combination... hot coffee, cake that taste so good and the company of good people. Sarap ng kwentuhan, one moment, one hot coffee and the cute cake (kasi maliit, next time malaki naman Theo lolz). Marami na rin akong nakakasalamuha na mga bloggers at ang masasabi ko lang, mas totoong tao pa sila compare sa ibang tao na matagal ko nang kilala. Nakaka amazed na dati, kilala ko lang sila sa identity ng kanilang mga blog, pero ngayon, kasama ko silang nagkakape. (Malay natin, baka ikaw na ang kasunod na kasama kong nagkakape)

Panghuli na aking natanggap ay isang dog tag (cat tag daw yan sabi nang nagbigay, kaya pinangalanan ko syang tagpus). Isa ito sa mga regalo na masasabi kong rare. At nakapagpamulat sa akin na may hindi pa ko alam sa sarili ko. Ano nga ba ang Blood Type ko? Di ko alam at aaminin ko, I'm not paying attention sa mga medical exams na aking pinagdaanan na. And this sort of info ay hindi madalas lumabas sa mga forms na ating pini fill-up an. Kaya ngayon pa lang, uumpisahan ko nang hanapin ang kasagutan sa tanong na yan. #insearchofbloodtype.  

Kagaya ng dog tag na ito... our society kahit noon pa man ay mahilig na sa paglalagay ng labels sa mga kakilalang tao base sa prominenteng katangian ng bawat isa, pangit man o maganda. Halimbawa, si Boy Bakal, Tiagong tabak, Ben Tumbling, Juan Tamad, Sisang Tsismosa at marami pang iba. And people are in desperate pursuit of their own identities. Ang makilala! At sa sobrang pagka desperado mo na, hindi na ikaw bagkus ibang karakter na ang nabubuo sa iyong katauhan. Nakaw na katangian? Hiram na identity? Sinong niloko mo? Sarili mo! 

Hindi masama ang pagbabago, wag lang kalilimutan na panatilihin ang pagiging ikaw. Masarap ma- recognized sa sarili mong gawa na iyong pinaghirapan. Alam mo ba na the moment na mareceived ko itong dog tag na ito, napaisip ako at nagtanong kung Sino nga ba ako sa mata ng ibang tao? Sa family ko? Sa mga kaibigan? Sa mga katrabaho? Kung lahat tayo ay may suot na dog tag... Ano ang tatak mo? 
  

14 comments:

  1. ok na yan na ala ka dito sa Pinas,
    dami ka namang blessings eh,
    dami pang gala. :)
    at di mo pala alam blood type mo,
    alamin mo na yan, dapat nasa ID mo yan,
    in case of emergency.
    at ang sagot sa tanong mo ay...
    si super mario: ang galanteng blogero! ;P

    ReplyDelete
    Replies
    1. di naman hahaha

      sige magpapa blood type test na ko, meron ba non? haha

      Delete
  2. finally nagblog! at marami pang mabubuting bloggers ang makikilala mo. tiwala lang lol

    ReplyDelete
  3. Hindi ko rin alam blood type ko, i mean hindi pa ko nakapagpatest, pero inassume ko na O kasi naman parehong parents ko e O, alangan namang maging AB ako bigla, haha!

    Di ba ako next na isasama mo sa kape?Haha.. Sana bigyan din ako ni Theo ng cake, chos!

    Sosyal naman pala ang October mo.. laging out of the country!

    Welcome back Super Mario!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, nag meet pala kayo nina Theo di man lang nag-aya hahaha... Sige next time tayo naman... Kailan?

      Delete
  4. finally nag-update!
    err... sino ka na nga? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sino nga ba ako? hahaha... nawawala sa sarili!!! Finally yes an update!

      Delete
  5. Nung bata pa'ko, kapag tinatanong ako kung anong blood type ko, lagi ko sinasabi e AB. para kunwari RARE. para sikat. lately ko lang din nalaman na type O lang pala ko. pangkaraniwan. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti ka pa, alam mo na blood type mo haha... baka O din ako, pangkaraniwan... royal blood kaya anong type? haha

      Delete
  6. Ako sinusunod ko lang sa blood type ni Ate ko ang blood type ko haha, para iwas "injection" na rin kung sakaling kailangan nga ang blood type haha.

    Kung lahat ng tao magkakaroon ng dog tag (kaiba yung sayo kasi cat tag yan haha) kikita ang pagawaan ng dog tag at para sa ikakaunlad ng Pilipinas dito sa bansa manggagaling ang supply ng dog tag na ipapasuot sa lahat ng tao sa mundo. Hindi pero seryoso, kung magkaganoon siguro may karapatan ba tayong hindi ito isuot? (para sa mga panahon na ayaw mong makilala ng iba)

    Hanggad namin ang patuloy na pagpost dito sa Unplog Supermarion!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... cat tag talaga...

      Makakaasa ka na patuloy ang pag-ikot ng mundo ng Unplog.

      Delete
  7. Finally! Umangat ang site mo sa blogroll ko at finally nakadalaw na naman akong muli dito sa lungga mo at isa pang finally ika'y muling nagbloghop Super Mar Yo! Idol wag kana ulit magpapamiss ha? Makurot ka namin sa ABS!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... itong mga comments mong ganito ang na miss ko ng sobra!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...