Ang sarap na ng upo ko sa bus, dala ang dalawang bag, isa ang aking backpack at isang travelling bag na naglalaman ng mga gamit ko sa trabaho, laptop at camera. Pangdalawahan ang upuan na inokupa ko para sa sa mga dala kong mga gamit. Hindi naman siguro masama na ibayad ko ng pang isahang upuan ang mga bag ko... tutal may kabigatan at sensitibo ang mga laman. Idagdag pa na mapapabilis ang pagpuno at nang makaalis na kami dito sa terminal.
Isa na lang ang bakante, salamat naman at sa wakas ay aalis na rin ang bus na ito. Napagpasyahan ko na maidlip muna habang hinihintay na may maupo sa nag-iisang bakanteng upuan, na katapat ko lamang sa kabilang aisle. 3:00am na at wala pa kong tulog! Mula sa opisina deretso dito sa terminal. At unti-unting nilamon ng antok ang aking katawang lupa.
First Stop!
Ilang minuto pa lang pumipikit ang aking mata or tamang sabihin na ilang segundo pa lamang nagsasara ang talukap ng aking mga mata ng gulantangin ako ng walang habas na pagyugyog sa aking balikat. At sa aking pagmulat ay salubungin ako ng dakdak ng babaeng ito na di ko alam kung saan galing! Nananaginip ba ako? Malamang hindi dahil natatalsikan ako ng laway nya. Kaya naman pala sya nanggagalaiti eh dahil sa gusto nyang maupo sa upuan na kinauupuan ng mga bag ko. At dahil sa mapagbigay akong tao at ayokong pumatol sa babaeng nagwawala, eh di sige pagbigyan. At kahit naudlot ang namimintong byahe ko sa dreamland dahil sa babaeng ito, inisip ko na lang na at least di na ko magbabayad ng extra para sa mga bagahe ko.
Second Stop!
Unti-unti ng nagsasara ang pintuan ng bus at sa dahan-dahang pag-usad nito palabas ng terminal, naisip ko na sa wakas makakauwi na rin. Nang di kaginsa-ginsay biglang preno si Manong driver, kasabay ng may kalakasang kalabog. Maya-maya pa ay may nagmumura na sa unahan ng bus. Walastik, unahan pa lang nakakalabas ng terminal, nakabunggo na ng taxi ang bus na sinasakyan namin. O! Ano pa hinihintay nyo? Pasko? At lahat ay nagtayuan na para lumipat ng bus! Dahil kung hindi, aabutin ng syam-syam ang aregluhan ng taxi at bus at syempre, aantayin pa si Manong Pulis para sa incident report. O ha! Professional...
Third Stop!
After na makalipat sa susunod na bus... salamat naman at hindi ko katabi ang babaeng nambulabog ng tulog ko, naging maayos na ang byahe namin... At naglakbay ang bus sa EDSA... nakarating ng SLEX... umexit sa Turbina... nilagpasan ang Sto. Tomas... na traffic ng bahagya sa Alaminos... huminto sa may San Pablo dahil may bababang pasahero... pumasok sa bayan ng Tiaong... at muling huminto sa bayan ng Candelaria... Nagising ako sa amoy ng bagong lutong tinapay na kung tawagin ay "pinagong" ni manong tindero na umakyat sa bus para magtinda. Time check. Mag-aalas sais pa lang... sumisilip na si haring araw sa kalangitan... nakareceived ako ng text message galing sa ate ko, kung asan na daw ako dahil ready na ang almusal. Wow... naiimagine ko na ang fried rice at tuyo at kape... mainit na pandesal at sumang malagkit. Medyo masarap sa pakiramdam kahit antok pa ko dahil alam kong konting hinga na lang nasa Lucena na ko. At bago dumating ang bus sa bayan ng Sariaya, muntik na kong mapasigaw ng PARA! dahil sa tanawing gusto kong kodakan... Dahil hindi naman ako pwedeng magpahinto sa driver at sabihin kay manong na jijingle lang ako sandali pero picture-picture lang pala gagawin ko... nakakahiya naman yata yon... Wondering what's the view na gusto kong kodakan?Isa na lang ang bakante, salamat naman at sa wakas ay aalis na rin ang bus na ito. Napagpasyahan ko na maidlip muna habang hinihintay na may maupo sa nag-iisang bakanteng upuan, na katapat ko lamang sa kabilang aisle. 3:00am na at wala pa kong tulog! Mula sa opisina deretso dito sa terminal. At unti-unting nilamon ng antok ang aking katawang lupa.
First Stop!
Ilang minuto pa lang pumipikit ang aking mata or tamang sabihin na ilang segundo pa lamang nagsasara ang talukap ng aking mga mata ng gulantangin ako ng walang habas na pagyugyog sa aking balikat. At sa aking pagmulat ay salubungin ako ng dakdak ng babaeng ito na di ko alam kung saan galing! Nananaginip ba ako? Malamang hindi dahil natatalsikan ako ng laway nya. Kaya naman pala sya nanggagalaiti eh dahil sa gusto nyang maupo sa upuan na kinauupuan ng mga bag ko. At dahil sa mapagbigay akong tao at ayokong pumatol sa babaeng nagwawala, eh di sige pagbigyan. At kahit naudlot ang namimintong byahe ko sa dreamland dahil sa babaeng ito, inisip ko na lang na at least di na ko magbabayad ng extra para sa mga bagahe ko.
Second Stop!
Unti-unti ng nagsasara ang pintuan ng bus at sa dahan-dahang pag-usad nito palabas ng terminal, naisip ko na sa wakas makakauwi na rin. Nang di kaginsa-ginsay biglang preno si Manong driver, kasabay ng may kalakasang kalabog. Maya-maya pa ay may nagmumura na sa unahan ng bus. Walastik, unahan pa lang nakakalabas ng terminal, nakabunggo na ng taxi ang bus na sinasakyan namin. O! Ano pa hinihintay nyo? Pasko? At lahat ay nagtayuan na para lumipat ng bus! Dahil kung hindi, aabutin ng syam-syam ang aregluhan ng taxi at bus at syempre, aantayin pa si Manong Pulis para sa incident report. O ha! Professional...
Third Stop!
Ito po yon...
Dahil hindi ko nakunan ang view na ito... at hindi sya mawala sa utak ko, inilabas ko ipad ko at nagsimulang mag sketch... Ang tanawin ay isang bukang liwayway at ang kalangitan ay nagsasabog ng ibang kulay na pinaghalong ginto, dilaw at orange (ano bang tagalog sa orange? Kahel ba?). Ito ang nagsisilbing background sa mga bahayan at isang pabrika na may mataas na chimney na naglalabas ng usok. Lahat sila ay in silhouette form. At ito ang nakapukaw sa aking malikot na imahinasyon.
Fourth Stop!
Muli kong ibinalik ang aking ipad sa loob ng aking backpack... mahirap na at baka makalimutan ko pa eh goodbye gadget ang mangyari. Pagkalagpas ng bayan ng Sariaya... isang deretso at isang kanan at isang kaliwa, binabagtas na namin ang diversion road ng Lucena. Nilagpasan namin ang Brgy. Domoit hanggang makarating sa Crossing (hindi lang sa Edsa may Crossing). Ito ang sangang daan, pag dumiretso ka, Pagbilao, pag kanan, Town Proper ng Lucena, Pag Kaliwa, Tayabas naman ang mapupuntahan mo. At dito ako bababa! Yehey!!! Pagtayo ko palang, nakita ko ang babaeng nagwawala kanina na ang sarap ng tulog! Gisingin ko kaya ng makabawi? (sa isip ko lang yan, hindi ko gagawin yon hehe...evil grin) Pagbaba, saktong may tricycle na agad, sakay at habang tinatahak namin ang daan patungong Campo Subd., nagku-kwento si manong tricycle driver na feeling close... kesyo matumal daw byahe nya... wala daw pasahero magdamag. Sabi ko bakit naman? Eh mas gusto pa daw ng tao ngayon ay maglakad... Owwws?? Di nga... Ilang saglit pa at nasa tapat na ko ng bahay ng ate ko... 40 pesos bayad sa tricycle! And presto... I'm here at last!
Fifth Stop!
Pagkatapos ng almusal... kailangan ng gumayak para sa susunod na byahe... ako na ang byahero Super Mario... Lagay ng mga food sa basket, tubig at mga chips, baong damit pamalit, lagay sa likod ng van, upo, andar at nagsimula ng makipagkulitan sa mga pamangkin ko... Lagpas ng Pagbilao, akyat ng Zigzag, stop over sa National Forest Park Station na sakop na ng Bayan ng Atimonan, picture picture at lakbay na uli... baba ng zigzag, nilagpasan ang pamilyar na lugar at inalala ang kabataan... daan sa sementeryo, dalaw sa puntod ni Itay... lipat sa ibang puntod para sa ibang kamag-anak... byahe uli sa Tricycle, daan sa kalsadang hanggang ngayon ay may parte pa ring hindi sementado... baba sa waiting shed... lakad at lakad lakad pa... sa ilalim ng lilim ng mga puno ng niyog... ilang lakad pa at bumulaga na sa amin ang palayan... Narating ang lumang bahay kung saan ako lumaki at nagka-isip... inalala ang batuhan ng putik ng mga kalaro ko noon, baril-barilan sa masukal na talahiban... habulan at tumbling sa pinag gapasan ng palay at sa gabi'y di makatulog sa kati ng katawan, larong taguan sa kabilugan ng buwan at mga kwento ng aking Itay... Maya-maya lang ay handa na ang pananghalian... Ginatang native na manok, Inihaw na sariwang isda, pritong Siwarik (isda rin yan na malapad na napaka linamnam) Langkang gulay na may sahog na malalaking hipon... (used your imagination... sorry walang photos) at hindi mawawala ang buko juice.
Pahinga pagkatapos mabusog, at muling nagtrabaho ang cam na walang pangalan...
Last Stop!
Ilang sandali na lang at pabalik na kami ng Lucena... Binaybay ang bukid at puno ng niyog at muling nakarating sa waiting shed kung saan nakaparada ang Van na aming sasakyan. Nabawasan na ang energy at enthusiasm dahil parehong view na ang nakikita sa daan... akyat muli ng Zigzag road, stop over ulit sa National Forest Park ng Atimonan... picture picture na naman... at muli, rumaratsada na ang van sa kalsada. Nang pababa na sa Zigzag road... literal na akong napasigaw ng PARA! At dahil na naman sa isang breathtaking view... imagine yourself on top of the mountain seeing the sun going to set into the horizon... talaga naman... mapapahinto ka... mapulang kulay ng kalangitan at ang araw na malapit ng humimlay na iyong masisilip sa siwang ng luntiang dahon ng mga puno... Ang masaklap... hindi kami pwedeng huminto... nasa kurba at pababa ang kalsadang ito at delikado... baka ang mangyari ay pulutin kami sa baba ng kalsadang ito na kung tawagin ay "Bitukang Manok." At muli, hindi ako papayag na hindi ko ito maisalarawan... ipad to the rescue at voila!
Ito ang kinalabasan ng mabilisang sketch bago maglaho sa utak ko ang scenario.
Technically... all of these happens in just one day!
Lesson for today:
Sometimes we need to stop doing what we are doing...for us to be able to appreciate others, surroundings and our self. A few seconds or minutes or even an hour will not hurt us. Stop, Look and Listen... sometimes these are all what we need. Enjoy Life!
eh di ikaw na magaling magsketch! at adventure ang isang araw na yan hehehe
ReplyDeletehehe pang grade school na sketch... at nakakapagod na adventure na pinagkasya sa isang araw
Deletepara na din akong nakasama sa biyahe mo nung binabasa ko 'to! Hehe! Adventure!
ReplyDeleteSalamat sa pagbabasa hehe...
Deleteang ganda ng gawa mo may hidden talent ka pala ha.... paturo ako minsan master...
ReplyDeletehidden... itago ko na lang haha, maganda ba yan? parang hindi haha
DeleteDapat ginisng mo rin si Ate na panira ng panaginip yung payugyog na panggising at pagkamulat niya sabay bati ng "Goodbye Ate! Happy Trip" haha.
ReplyDeleteMedyo ilang oras din pala bago makarating sa iyong probinsiya, napabyahe tuloy kami ng hindi oras!
Naalala ko yung "isaw" sa bitukang Manok haha.
hahaha hayaan mo, pag nakasabay ko uli si ate, gigisingin ko, sasabihin ko na pinagigising mo sya haha
DeleteMas maapreciate mo pag ikaw na mismo bumibyahe! Para lang Manila to Tarlac, ay mas malapit yata Tarlac.
Uy! Yong isaw ko... ililibre mo pa ko haha
Naalala ko yung view sa zigzag. haha! Sayang yun oh! Di ko malimutan expression mo nun. Hndi maintindhan kung pano bubuksan yung bag ng cam e. haha!
ReplyDeletehaha... walang laglagan... Pang PUNASI na shots sana yon kung nakunan ko haha
ReplyDeleteAnong apps ang gamit mo sa pang sketch. Galing mo pala. Mabuti naman at maayos kang nakarating sa inyo kahit may mga negative na nangyari sayo. Nanatili ka paring positive :) Kaw na may ipad. lol :P
ReplyDeletePaper at Sketch book... di naman ako magaling, marunong lang ng konti hehe
DeleteMay ipad ka rin no? hhaha
Wala pa sir. Pero gusto ko bumili, hehe
DeleteSige, bili na hehe
Deleteang ganda ng sketch. at tama si inong dapat binawian mo si ate haha sobrang dami mong ginawa in one day hahaha
ReplyDeleteBabawian ko sa susunod hahaha
DeleteSobrang dami nga at naenjoy ko naman lahat kahit yong mga na missed kong shots hehe
okay ang adventure mo kasi nagawa mo yan ... galing naman... buti ka pa may talent diyan hehehe...
ReplyDeleteNatuwa naman ako sa SUN hehehe todo smile kasi hehehe
Salamat sa appreciation
DeleteGanon talaga dapat ang SUN... todo smile hehe
coach outlet
ReplyDeletecoach factory outlet online
abercrombie and fitch outlet
louboutin
michael kors outlet
coach outlet online
polo ralph lauren
coach factory outlet
abercrombie outlet
kobe 8
celine handbags
hollister outlet
michael kors bags
jordan 3 retro
louis vuitton handbags
fitflop outlet
burberry bags
pandora rings
fake watches
true religion jeans
insanity workout
coach outlet
louis vuitton
louis vuitton
hollister kids
louis vuitton handbags
ray-ban sunglasses
coach factory outlet
cheap oakley sunglasses
toms promo code
christian louboutin sale
timberland boots
cheap toms shoes
kate spade
oakley outlet
20150626xiong
nike free flyknit 3.0
ReplyDeletemichael kors outlet
hollister clothing store
kate spade uk
adidas stan smith
birkenstock shoes
dolce and gabbana outlet online
longchamp bag
michael kors outlet
louis vuitton outlet online
adidas nmd
burberry outlet
nike air max uk
nike flyknit racer
michael kors handbags
coach outlet online
air max 90 black
armani jeans
louis vuitton handbags
adidas nmd
lacoste shoes
polo ralph lauren outlet online
longchamp handbags
kate spade outlet online
nike air max 90
wholesale nike shoes
louboutin shoes
fitflop uk
vans outlet
ray ban outlet
michael kors handbags outlet
nmd adidas
2016713yuanyuan
nike huarache
ReplyDeleteair jordan retro
chrome hearts
kobe shoes
ray ban sunglasses outlet
chrome hearts online
christian louboutin outlet
kobe shoes
yeezy boost
air jordans,cheap air jordans,air jordan shoes,air jordan 11,air jordan 13,air jordan 6,air jordan 4
kobe byrant shoes
tiffany and co outlet
michael kors outlet store
oakley sunglasses
nike huarache
yeezy boost 350
http://www.outlettiffanyand.co
michael kors handbags
nike blazer
ReplyDeleteecco
falcons jersey
michael kors uk
michael kors outlet
true religion jeans
nike air huarache
michael kors handbags wholesale
cheap jordan shoes
arizona cardinals jerseys
20170417alice0589
air jordans
ReplyDeletenike air zoom
pandora charms
jordan shoes
adidas yeezy
authentic jordans
adidas superstar shoes
pandora jewelry
nike air force 1
longchamp outlet