Friday, November 9, 2012

Sige Lang!

Huwag magpapatalo sa alon nang buhay... wag susuko, kaya mo Pinoy!


Eto nanaman tayo bagong simula
Huminga ng malalim alisin ang kaba
Tapos na ang kahapon, pwede na yang itapon
Huwag lang ang mga aral dapat yan ay ibaon
Katulong mo sa panibagong hamon
May paparating na bagong alon
Pwede kang lamunin o pwede mong sabayan
Yung aral ng kahapon pwede ka nyang gabayan
Kung ako sayo tumayo ka na dyan
Huwag ka nang magpahuli kami ay sundan
Patungo sa liwanag, abutin ang tala
Pagkatapos pakita sa mundo pusong nagbabaga
Upang lahat ay mamulat, sa aking isusulat
Parinig sa lahat ang aking ulat
Huwag ka nang mabahala ako ang bahala
kasangga natin si Bathala

Walang imposible
Sige lang sige
Abot mo ang mundo
malapit, malayo
Sama sama tayo
Hanggang sa dulo
ano man ang pagsubok
Hindi susuko
Alam kong kaya mo
Sige lang sige
Sige lang sige
Walang imposible

Nagniningning
Ang pangarap ng yong pusong
Humihiling
Na kalimutan ang kahapon
Sanay dinggin
Sigaw ng aking puso
Hindi susuko, hindi susuko

Ilabas ang yong pangarap
Huwag mo yang itatago
Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
Tumayo ka sa yong silya
Ikaw ngayon ang bida
Wala nang pipigil pa eto na eto na

Hanggat ako’y humihinga
Sugod lang laban pa
Pangarap abutin
Kumislap tulad ng mga bituin
Sige lang, di ka nagiisa
Sige lang sige pa




Bakit nga ba nagustuhan ni Super Mario ang Music Video na ito:

1. Pinoy na Pinoy 100%
2. Ang ganda ng mensahe ng kantang ito- Inspiring!
3. Beat and musicality- Panalo!
4. Ang sarap sabayan...
5. The Voice - masarap sa tenga... at kahit hindi ako mahilig sa rap, this one is an exemption.
6. Napaka Orihinal ng pagkakagawa nito... nakakasawa na kasi ang puro revival na maririnig ngayon. 
7. Quest - di ko sya kilala at first time ko syang marinig sa kantang ito pero sa aura na pinapakita nya sa video... napaka positibo. 
8. Tumatatak sa puso ang kantang ito, para sa ating mga pinoy, walang imposible!
9. A great contribution sa OPM!
10. Tangkilikin ang gawang Pinoy- puro na lang Kpop, Justin Bieber at kung sino-sinong banyaga pinakikinggan ngayon... this one is highly recommended! At ang "Pusong Bato" na nabasa ko sa blog ni Xander

Sige Lang!!!!!!

21 comments:

  1. Tama ka very inspiring ang kanta. Yung una kala ko tula yan dahil di ko alam ang kanta kasi di uso dito ang OPM. Papakinggan ko mamaya pag-uwi ko sa haus. Go OPM! Proud to be pinoy :P

    ReplyDelete
  2. Mabuti naman orig ito. At hindi revival. Wala ng ginawa kundi mag revived jusmio. Nakakaawa na ang pinoy music industry e.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang dalang nga na makarinig ka na ng orig na composition...

      Delete
  3. salamat sa share at pag-introduce sakin neto. di ko rin sya kilala. pero at least hindi ako maka-kpop at maka jb susme!

    ReplyDelete
  4. very inspiring talaga ang kantang yan... wag nga susuko... tuloy tuloy lang ang laban...

    ReplyDelete
  5. Gusto ko tong linyang ito: Tapos na ang kahapon, pwede na yang itapon

    Kung ano man ang nangyari sayo kahapon, wala ka nang magagawa nangyari na ‘yon. Kung iisipin mo ng paulit-ulit kung bakit nga ba nangyari iyon ginugulo mo lang ang natural na sikolo ng mundo. Gusto mo man o hindi, mangyayari at mangyayari ang isang bagay.

    Kahapon nag-break kayo.

    Kahapon napahiya ka.

    kahapon nadapa ka.

    Kahapon sobrang minalas ka.

    Kahapon nakalimutan mo ang ID mo at hindi ka nakapasok.

    Kahapon bukas ang zipper mo at nakita ng mundo ang pinakatagotago mo.

    Kahapon nanakawan ka.

    Maraming nangyari kahapon ano? Pero mas mahalaga ang ngayon. Kung ano man ang nagyari kahapon, iwan mo at sumulong ka. Para lang yang isang basura, pero hindi ibigsahin na wala na lang sila….tandaan mo maraming nabubuhay sa basura, kung ano man ang pwedeng pakinabanggan ng iba pinupulot at pinupulot nila ang mga ito. Malay mo ang kahapon (basura) na itinapon mo, isa palang librong magtuturo ng maraming leksyon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Very well said! Pwede na itong gawing post! Akala ko napunta yong kumonoy dito sa unplog haha

      Delete
  6. Inspiring nga. not like other OPM trash na narininig ko nowadays...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! They should produce more songs na katulad nito...

      Delete
  7. inspirational! I agree we should never give up! go lang ng go!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Never Give Up! Everyone will agree on that, kaya tama ka, go lang ng go!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...