Thursday, November 22, 2012

L for Luisita

Continuation of my Tarlac Trip... Last day...

At sumapit ang gabi... sa Grand L... payapa na ang paligid... mangilan-ngilan na lang ang mga taong nakikita kong naglalakad sa kalsada katapat ng bintana ng kwarto ko... Ganito talaga sa probinsya ano? Kahit hindi pa kalaliman ng gabi ay hindi mo kakitaan ng mga taong gala ng gala sa dis-oras ng gabi... ewan ko lang sa ibang area. 

Hinarap ko na ang aking laptop at nagsimula na akong magtrabaho. Maya-maya, nakareceived ako ng tweet kay Inong... yon na! Hindi na ko nakapag-trabaho uli dahil tuloy na naman ang kwentuhan namin sa twitter. Hanggang sa magkatakutan, mapagkwentuhan ang National Artist category in Photowalk award goes to (insert name here) at kung ano-ano pa. Walang kasawa-sawang kulitan. 

Hindi ko alam kung namamahay ako (o nahohotel?) dahil hindi ako dalawin ni antok. Since wala akong nakikitang tao sa labas, subukan ko kayang lumabas para magkatao naman sa kalsada? Wag na lang baka makidnap ako lol! Para pampalipas ng oras, bumaba na lang ako sa lobby para makipag huntahan sa front desk. Naabutan ko ang magandang binibini sa front desk na may makinang na ngiti dahil sa braces nya... Upo sa lobby, nood ng palabas sa TV kwentuhan sa dalawang crew na wala rin magawa, hanggang sa magutom ako... Midnight snack na.  Tawag si front desk girl sa McDo at nagpa-deliver kami ng apat na Fillet O'Fish meal Large! At sa akin lang lahat yon! Syempre hindi, tig-iisa kami don... natuwa ang mga crew sa libreng food kaya naman ang bait nila sa kin. Nakuha sa suhol (lol)... 

a. lounge

Kinabukasan 9am na ko nagising sa hang-over ng Monster Float... Buti na lang, sakto pa sa agahan. Kasi 10am matatapos ang serving ng free breakfast nila. Kaya dali-daling nagshower at baka maubusan ng almusal... Maganda ang view sa taas... kita ang mga punong kahoy sa likurang bahagi ng hotel kung nasaan ang "a" lounge...

Below are snapshots of the area:

The Logo

The Flower

The Sampaguita?

Blurry

The View...

The Lanai

After ng almusal, konting check ng emails, update sa FB at notifications sa Twitter at Unplog kung may dumalaw at nagsimula na kong magimpake ng mga gamit ko. Saktong 12 nn, nasa lobby na uli ako.

Luisita...

After checking sa front desk kung may babayaran pa ko (buti na lang wala) I'm on the road again... destination Luisita park. 10 minutes from the hotel at andon na ko. Una kong hinanap ay kung saan ako mag la- lunch. Since busog pa ko sa ginisang sardinas na almusal sa hotel (bakit? Masarap naman, sosyal pagkakaluto, may dahon-dahon) ayokong mag heavy. Kaya Pancake House na nga lang. Wala eh. I ordered Fiesta Taco Salad... crispy and House blend Iced tea. Solb! Habang naghihintay ng aking inorder, naisipan kong mag net.


                               Me: Ah excuse me Miss... may wifi ba kayo?
                               Crew:  Ay sir, wala eh
                               Me: Ako meron!

Mali yata ang sagot ko, kasi medyo sumama ang itsura ni Miss Crew. Since wala silang wifi, si sun wifi broadband ang gagamitin ko. Portable na internet access para sa tulad kong byahero. Binili ng company yan (para nako-kontak ako 24/7... wais!) After kung kumain, inilabas ko na si Anon... (nickname ni anonymous) at nagsimula na kaming magtrabaho...

Max's Entry Point (One of those)


The House that Fried Chicken Built

Jollibee? Parang Mansyon lang ng mga Cojuanco's

Kakaiba sa lahat ng puno sa Luisita...Ito ay Taglagas


Jabee!!!!

Dahon -dahon 

House Blend Iced Tea


The Locomotive

On track

Ayon ang Starbucks! Sticker!

Side View

Front View

Lumang Tren... Totoo pala ito... Ginamit daw ito sa Sugar Cane Plantation
ng mga Cojuangcos... Isa na itong attraction dito sa Luisita... Ano na kaya
ginagamit ngayon sa Plantation ng mga Cojuangco kung andito na to...
hmmmm...MRT?

The Ambiance...


Matapos mamasyal sa paligid, naghanap ako ng ATM, naubusan ng cash. Buti na lang Kumpleto at matatagpuan mo ang mga basic needs dito sa Luisita... from Resto, fast food chain, Mall and bank. Kaya naman, dalaw na sa Tarlac at mamasyal sa Luisita...

At syempre... I will end my trip with a hot brewed coffee at Starbucks!!






See you again Tarlac! 

See you again... L



30 comments:

  1. Wow mganda pala diyan! Ako din ilibre mo ng mcdo hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe... ganon? Mcdo lang pala eh.. sure!!

      Delete
  2. Ang gaganda ng kuha, sarap sa mata. Bumabait ka pala lalo at generous pagnabobored hihi. Salamat nakapagvirtual byahe tuloy ako sa L..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya ayaw kong na bo bored ako eh haha

      Delete
  3. Ang ganda naman sa L. Ingit ako sa mga kuha mo. >.< Galing. lol Ang saya ng paggagala mo. Pag-uwi ko malamang kaladkarin din ako. Epekto ng kape yang di mo pagkantok. Buti sayo tumatalab pa sakin di na yata. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sama kami san ka man mag gagala paguwi mo hehe

      Immune ka na sa kape? Ako tinatamaan pa rin naman ng epekto ng caffein

      Delete
    2. Lilibutin ko buong Pinas. lol Pagnakauwi nako tsaka ko na iisipin. Basta mag gagala ako :)

      Delete
    3. Huwaw! Sarap naman! Enjoy sa paglilibot mo saan man yan...

      Delete
  4. Bongga naman pala sa L, halos kumpleto na! ang bait mo naman, nang libre pa ng food ng taga front desk..sama kami next time sa libre! hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tara sa L, libre kita mcdo haha

      Delete
    2. Yey! Mcdo party package ha? haha :)

      Delete
    3. basta ikaw lang mag-isa uubos sa isang upuan lang... no left over haha

      Delete
  5. astig naman.. ganda ng mga kuha mo.. sana makapunta din ako diyan balang araw ...

    bait mo naman kasi nanlilibre ng crew...

    enjoy enjoy lang...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kayang kaya mo pumunta sa L sir. Lapit lang naman Tarlac from Manila

      Enjoy din dyan... Salamat

      Delete
  6. nakagenerous mo talaga kuya mar. lakas makapanlibre. at ayun meron pala talagang protable wifi. makabili nga at ng magamit sa bahay. ang ganda nung taglagas photo. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, nare reimburse naman eh!

      Yes, merong naka plan at prepaid din... depende sa lakas ng signal ng sun sa inyo, or you can try other networks like smart and globe.

      Oo, kakaiba, sya lang yong nag-iisang puno don na walang dahon hehe

      Delete
  7. Twice pa lang ako nakaka-punta sa L. 1945 pa yata yung 1st time lol. pero yung last time dumaan kami dyan coming from Baguio mga 3 years ago yata. May pics din yata kami sa Max na yan (hanapin ko nga).

    Ang kape mo talaga! Fave ko yung taco ng Pancake House tsaka roast chicken yum).

    pinalitan mo ba ulet etong post background mo? Parang tingin ko nung after ako nag comment black yung nilagay mo? pero bagay pa rin sa mga photos mo... fave ko yung lanai shot sa post na to

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1945? Seryoso? haha

      Oo, makape ako talaga... pero ayaw mo naman akong imeet for a cup of coffee (tampo mode)

      Pinalitan ko, i follow your advise... kaya lang masyadong black na kaya medyo tone down ko ng konti... Salamat!

      Delete
    2. wag na tampo mode... siguro after the holidays pwede na or kelan kaya uwi ni Gracie para sabay na?

      You're welcome! Mas maganda siguro sa gilid yung gray sa gitna yung black? (ayaw talaga tantanan lol). Ang ganda kasi ng dating mga pics mo nung black ang naka background :P

      Delete
    3. Sige, sige! May plano kami ni Gracie na Grand EB natin... alam mo naman si senadora Gracie... kailangang engrande ang pagdating haha

      Ok, sa gilid ang gray coming up! haha

      Delete
  8. Sarap naman ng experience mo dyan:) thanks for sharing your escapades:)

    ReplyDelete
  9. pwede ka ng gawaran ng Dakilang Turista Award ng Tarlac haha, tawagan ko nga si Mayor at grabeng promotion na to haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pakisabi kay Mayor samahan ng cash ang Award hahaha... at salubungin ako ng banda pag balik ko dyan haha daming request!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...