Friday, August 31, 2012

Pahirap sa Sarili!



1. Mahilig akong manood ng horror movies.

Nagbabayad ako para takutin ang sarili ko. Mataas ang standard ko sa mga katatakutan na movies. Pag hindi pasado, parang hindi kumpleto ang panonood ko ng sine. Hindi ako satisfied na wala man lang tumayong buhok sa kahit anong parte ng aking katawan (dahil sa takot).

2. Roller Coaster Ride ang trip kong sakyan sa mga amusement parks.

Nagbabayad ako para lang hiluhin ang sarili ko. Malula sa taas at bilis ng andar ng mga makinang ito. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil makakatulong ito sa parte ng trabaho ko. (ano nga bang trabaho ko? Wala lang, taga sakay sa roller coaster at ibang rides at nag bibigay ng thrill/excitement rating sa mga rides na ito - joke lang po... dream job ko lang po yan)

3. Gusto ko rin ang Zipline.
Nagbabayad ako para ibitin ang sarili ko sa taas at ihulog pababa, na di ko alam kung may sasalo ba sa kin sa kabilang dulo. So far, safe naman and the longer, the higher the zipline is, the best!

4. Training/Workout sa FF.

Nagbabayad ako para sa facilities at Personal Training program. Para ano? Saktan ang sarili ko. Pahirapan sa mga pagbubuhat ng bakal at metal na plato (plato, platito, palanggana, bandehado... yan ang tawag ng trainor ko sa mga metal plate na yan) at pagurin ang sarili sa mga routines at gutumin ang sarili sa mga masasarap na pagkain na sabi ni trainor ay hindi healthy. And I will go home with body aches, swollen muscles and hungry to death.

Para saan nga ba ang lahat ng ito? Bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng pahirap at pasakit na nabanggit? Pwede ko namang i-divert lahat ng mga activities na yan sa mga bagay na hindi mahirap gawin. The truth is, ayoko rin naman kaya lang, sayang yong Challenge! Challenge my friend! At least para sa sarili mo. Na masasabi mong, I done this, done that, been there.
" Time is Precious.... don't spend it in just one place, one activities! " 

33 comments:

  1. Hanggang ngayon wala pa ata akong movie na napanuod sa sine na natakot ako, kasi hindi ako nanunuod ng horror sa sine haha.

    Hindi kumpeto ang bisita sa amusement park hanggat hindi nakakasakay ng dalawang beses sa roller coster, paborito ko kapag paikot na haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try mo manood ng horror Inong haha... Actually kakatapos ko lang panoorin yong The Possession ... Not bad! I heard a lot of screaming inside the movie house, mas nagugulat pa ko sa sigaw at tili ng mga manonood

      Delete
    2. natawa naman ako sa comment ni Inong. haha!

      Delete
    3. At bakit naman natawa ka? Lagot ka kay Inong hahaha

      Delete
  2. Ayoko dati sa horror films pero medyo nahihilig na rin ko sa pagtakot ng sarili ko, pero dun lang muna sa mild, kailangan pa ng practice kasi duwag talaga ako, haha..

    Ikaw pala dapat kasama ko sa Star City nun Friday, yun mga kasama ko kasi takot lahat, kaya ending hindi ko nasakyan yun mga exciting rides, hay.. Tara, sa EK na lang tayo mag-kape? :)

    ReplyDelete
  3. love ko din horror movies lalo na yung mga japanese keme .. grabeeeeee!

    hindi ako mahilig sa mga rides takot me tlga...

    gusto ko yung huling line mo :) pag kaya ko na gagawin ko tlga .. lalo na yang zipline na yan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try mo mag Zipline, magugustuhan mo yong experience

      Delete
  4. di ko talaga kaya ang mga horror movies mas lalo na yung mga morbid pero nasubikan ko naman ng manuod ng horror sa sine. napilitan lang ako ng mga panahong yun hehehe

    di ko pa nasubukang magzipline pero im proud na sinubukan ko na ang space shuttle ng EK kahit nakapikit ako naenjoy ko naman hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana dumilat ka hahaha It's not that scary pag nakadilat ka... next time ok?

      Delete
  5. Ako, hindi lang basta horror. Pag napangitan ako sa pelikula, naasar talaga ako. Ang mahal na kaya ng ticket ngayon. Kaya madalas, kapag napangitan ako sa trailer, hinihintay ko na lang sa cable. Gusto ko subukan magzipline! kung hindi man, skydiving. Andaming gusto. hehe.

    ReplyDelete
  6. Okay na ako sa ferris wheel at yung sa viking ship ba yun? Ma-try nga yang zipline pag-uwi, so far reef walking/helmet diving, canoeing at yung isa pang boat activity na inaanod kayo ng artificial waves palang na-try ko. Dream ko mag go cart tsaka atv/bug car ride someday. Dami ko pa gustong gawin.. Adventure seeker lang siguro ako. Anyway haba na nito, this is a good idea to make a blog post na hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sama naman sa mga gusto mo gawin! dami eh hahaha

      Delete
    2. mukhang ikaw nga mahahatak ko someday pagnagkataon, perpekto malakas ang loob at mahilig sa challenge! ah may alam akong longest zipline yung sa agas-agas bridge sa leyte narinig mo naba yun? kaso natry mo na zipline e, ano paba gusto mong gawin aside sa mga challenges na yan?

      Delete
  7. Wow that was strange. I just wrote an incredibly long comment but after I clicked submit my comment didn't show up. Grrrr... well I'm not writing
    all that over again. Anyways, just wanted to say wonderful
    blog!

    Feel free to visit my site; workouts to increase vertical leap

    ReplyDelete
  8. You really make it seem so easy with your presentation but I find this topic to be really something
    that I think I would never understand. It seems too complicated and extremely broad for me.
    I'm looking forward for your next post, I will try to get the hang of it!

    Review my website - Marriott Vacation club reviews

    ReplyDelete
  9. Hi, I do think this is an excellent website. I stumbledupon it ;) I'm going to return yet again since i have book-marked it. Money and freedom is the best way to change, may you be rich and continue to guide other people.

    Feel free to visit my site; Hsbc Business

    ReplyDelete
  10. Hello, i think that i saw you visited my website so i got
    here to return the want?.I'm attempting to to find things to enhance my site!I assume its ok to make use of a few of your ideas!!

    My weblog :: jump high to dunk

    ReplyDelete
  11. Kahit kailan hindi pa ko natakot sa mga horror movies! NEVER! Hahaha!

    Ang corny nila!

    Mas gusto ko kasi ang mga patayan, yung namimilipit ako! Yung mga massacre. Horror bayon? hindi naman diba? Basta ayun! Mas gusto ko yun!

    Hmmm... Kumusta? Nag bunga naman ba ang pinag hirapan sa FF? I upload nga kung fit sa longsleeves? haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Weh? Kaya pala anglakas nang sigaw mo! Abot hanggang Sharjah hahaha

      Heh! Longsleeves ka dyan! Yes, fit na fit hahaha

      Delete
  12. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...