Saturday, August 4, 2012

Backpack Series: Trip to Baguio

Marami na kaming pinagdaanang byahe ng aking backpack... kung saan-saan lang, trying to find something different or trying to experience an adventure of a lifetime... ALONE!   

Strangers no more!
Madalas akong bumiyahe... ang tanging kasangga ko ay ang aking backpack. Malayong lugar man, mapa-movie, food trip at pag-inom ng kape sa Bo's ay ako lang mag-isa... boring ba? Hindi naman... sanayan lang siguro. Kung iniwan ka ng taong pinahahalagahan mo, dumarating sa punto na masasanay ka na mag-isa (drama). 

Sa totoo lang, hindi na nga ako sanay na may kasama... kung may sumama man, ok lang din. Mas gusto ko yong wala akong inaalala na inaantok na ang kausap ko dahil wala akong kwentang kausap, o may inaalala akong maiiwanan sa paglalakad dahil sa pagmamadali.


At Burnham Park with SOB & Bino
Pero ang trip na ito ay kakaiba... an out of the box experience, outside my comfort zone. This is not my first time sa Baguio. Maraming beses na akong nakaakyat dito. Di ko na nga matandaan kung ilang beses na. But this is my first time na may kasama akong anim na estranghero. (Si Bino at Theo ay na-meet ko na personally, twice, pero ang makasama sila for 3 days and 2 nights is a different story)

July 26 ang trip pero June palang, buo na ang planong ito. Salamat kay Bino for organizing this trip. Pero habang tumatagal, dumarami din yong hesitations ko, at ilang beses ko na ring inisip na huwag nalang sumama. Una sa lahat, baka di ko makasundo sila at ma-OP lang ako. Isama na ang isang blogger na pangalan pa lang kabahan ka na... Supladong Office Boy!

White Lotus

Kung hindi ako sumama, yon na marahil ang pinaka malaking pagkakamali ko ngayong taon. Buti na lang, I decided to go... and the rest is history.

Lessons learned: 
No 1: Respect the differences - kahit magkakaiba tayo ng pinanggalingan, ugali, pananaw sa buhay, faith at channel sa TV na gustong panoorin, hindi ito naging hadlang para hindi natin ma-enjoy ang trip na ito (#xfactor) (#bullying) in short, majority wins (lol) sorry DB. And thank you Bino, sa itinerary pa lang, pinakita mo na yong respeto sa bawat isa, when you ask kung ok lang puntahan yong mga churches kasi alam mong hindi tayo lahat katoliko.

No 2:  There are no strangers, only friends you haven't met yet - at least in this trip, yes! I agree, kasi sa huli, the 6 strangers turned out to be my goodfriends.

Baguio Cathedral
No 3:  Love and enjoy the similarities - what do we have in common? Aside from the fact na lahat kami ay blogero, ang pinaka common sa aming lahat ay ang hilig sa photography. Kumuha ng photos, gamit ang cellphone, ipad, SLR at digicam. Mag pa kodak sa lahat ng sulok na aming mapuntahan, feeling modelo lang at sinong may sabing jump shot is a cliche'? Kahit saan yata kami mapapunta, kahit sa bangin at maputik na daan, Leo will say, jump shot? And take note, expert si Leo sa jump shot, laging sya ang may pinakamagandang poise, o ha!(lol) At salamat kay Nimmy sa magagandang shots! Paturo naman sa pag-gamit ng SLR... (abusado)
Morning Date

Yellloooow!
Hungry???  at Good Taste!
No 4: Eat, Love, Pray... “Your treasure – your perfection – is within you already. But to claim it, you must leave the busy commotion of the mind and abandon the desires of the ego and enter into the silence of the heart.” - Lahat kami ay halos iniwan pansamantala ang trabaho (VL mode). For a change, wala munang deadlines, bulk of emails to attend to, business calls to answer, reports at iba pang work related activities na stressful. Instead, we focus on the trip, enjoy every moment of it. Tumawa ng malakas na parang wala ng bukas, mabasa ng ulan habang umaakyat sa bundok ng Tam-awan, kumain ng taho, maaliw sa mga nag e-ehersisyo sa kalye sa Burnharm. Ice Cream at Spaghetti at Cheese na may Kick at Good Taste na sulit sa halaga at lasa at ang stipe uniform, panalo sa pagka Boy band! Mga simpleng buhay sa Baguio na minsan lang maranasan ay nakapagwala ng bigat ng responsibilidad, sa trabaho man o sa personal na buhay ng bawat isa. For a moment there... I wish I can stay long enough sa lugar na ito. And I thank God for the gift of Friendship! Not only 1 but 6. I am blessed.


No. 5: Parting time is just the beginning. Spell Victory! Hindi dahil yan ang sinakyan naming bus, kundi para sa aming lahat tagumpay ang trip na ito. Nang maghiwa-hiwalay kami sa Victory Bus station, alam ko na eto palang ang simula ng mas marami pang adventures na kasama sila. 


Ngayon, nag-iba ang aking pananaw sa solong lakad... hahanap-hanapin ko ang ganitong saya, bonding, kulitan at asaran. At sa inyong anim... salamat sa company... Salamat sa friendship! 


Hanggang sa muling paglalakbay ng aking backpack... 

God Bless us all!



Suplado at Tahimik... 


Proverbs 17:17 

A friend loves at all times, and a brother is born for adversity.




Creepy Tree... hanggang baguio ay pumo-44th Floor
End of  path walk... may struggles! 
Buying the stripe uniform!


Wright Park

Pusang Baguio

Doglas

May Kick!

30 comments:

  1. hey Mar, buti di mo ko nilaglag sa post mong 'to.

    ambait ko kaya! di ko naman binubully si Desole Boy di ba?! hahahaha.

    it was really nice meeting you.

    at sa ganyang age, di ka na dapat nagtatravel mag-isa. mahirap na! hahaha.

    at sa grupong Ube Jam: "One for all, all for one!"

    miss you guys! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, ewan ko sayo! Kailan recording ng Ube Jam? Sa Friday ba? hahaha

      at bakit naman anonymous ang peg mo ngayon? Hindi naman halatang ikaw yan haha

      Delete
    2. Shit kayo! Napipilitan tuloy ako manood ng XFactor. Tapos I saw them sa corridor sa ABS-CBN waiting for their turn to perform sa Showtime at nakilala ko sila. Waaah. Ayheytchu.

      -Ni Hao Ma Forever

      Delete
    3. Hahaha! So, Ni Hao Ma Forever, nanonood ka na rin ng xfactor! Good, matutuwa si SOB! Haha,

      Delete
    4. So you used "peg" almost a year ago! ALMOST! 1 day nalang exactly 1 year na! hahaha!

      Delete
    5. well, lagpas na! hahaha Aug. 7 na ngayon haha

      Delete
  2. Mala-Dora the explorer pala peg mo dati, joke! 1 version na lang ata ng trip nyo na to ang di ko pa nabasa, naaliw ako sa inyo, cute ng mala-boy band group.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang saya nga ng trip namin, gusto mo sumama next time? Hehe

      Delete
  3. Nimmy was right, this is so heart felt Mar. The best 'yung parting time is just a beginning.
    .
    .
    Thank you for the good times. And more to come!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey, Desole Boy, salamat din sa mga hirit nyo ni leo, sumakit panga ko kakatwa haha,

      Definitely, there's more to come... See you soon!

      Delete
  4. gumaganun! joke! buti naman at di nagbago isip mo na sumama kung hindi lagot ka! hehehe ulitn natin :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun talaga! hehe... oo nga buti na lang sumama ako haha.. Sagada naman?

      Delete
  5. ang drama ng post, tagos sa puso? haha...joke lang! mukhang nag-enjoy ka nga ng sobra, ramdam dito sa post mo eh. ;) ...at wow sa mga payong, very colorful, pang-UBE JAM? ;) hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, pang Ube Jam... Sarap ng Ube sa Good Shepherd hehe

      Delete
  6. Cute ng trip nyong mga nkapayong hehehe, good thing nag enjoy at nagkasundo kayo lahat, more trips together sa inyo at sana mas lumalim pa samahan/pagkakaibigan nyo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank u... Looking forward na ma meet din kita in a not so distant future, hehe

      Delete
    2. Naks, ang bagong eyeball king? Hehe biro lang. Sige pag-iisipan ko yan ng kasinlalim ng balon at pag-iipunan ko yan ng.. maraming self confidence hehehe. Uy chika lang, buhay pa pala yang si Douglas.. may pic din kami nyan :D

      Delete
  7. wow sa adventure katuwa bigla ko tuloy na-miz ang baguio. like na like ko yung payong pic ha ha

    btw, I'm supposed to mention to you to update the link of my running blog coz I changed it into a domain (www.bloggerrunner.com), eh mukang ok na naman yata :) THANKS!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! Sosyal, naka domain na... Ako gusto ko rin magka domain pero di ko magawa... Sige, i will update the link

      Delete
  8. Nice.. Hope to meet you in person din Mar. Yang mga nasa mo sa trip na yan mababait na tao yan. Tested and proven na yan kasi ilang beses ko na sila nakasama. Masaya talaga kasama yang mga yan. Sayang at di ako nakasama sa lakad na toh. Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang nga no, wala ka eh di mas masaya sana... sigurado ka mababait yang anim na yan? hahaha joke... Oo nga, ang daling makasundo nilang lahat... next time sama ka na!

      Delete
    2. hoy Mar Verdan, bakit parang duda ka sa statement ni Alexander?

      baka gusto mong makatikim ng flying kick! ahahahaha. :)

      Delete
    3. Sobrang bait nyo kaya! Wala akong masabi sa kabaitan nyo... lalo na kay SOB wahahaha

      Delete
  9. Тhese ingredіents alsο function colleсtively to suρpοrt lighten the
    skin аnd retаіn the genеral
    lοoκ organiс and сonsіѕtent.


    Hеre is mу ωebρage ... www.logicia.org
    Also see my webpage > club.enthu.in

    ReplyDelete
  10. I believe there is a correlation between this trend and the elevated
    interest in entertainment news.

    Also visit my website flex belt review

    ReplyDelete
  11. Тhiѕ is reаlly fаscinating, You are an
    overly prοfessional bloggег. I've joined your feed and sit up for looking for extra of your magnificent post. Additionally, I have shared your site in my social networks

    my website; diamondlinks review

    ReplyDelete
  12. Kumusta naman ang pusang Baguio? haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano nga sa english ang pusang baguio? hahaha Paki translate naman!

      Delete
  13. Kung iniwan ka ng taong pinahahalagahan mo, dumarating sa punto na masasanay ka na mag-isa (drama). ....

    sabi ni Popoy, kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin, kasi darating yung taong better. haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. better? or Bitter? Bat wala naman dumarating? hahaha Sinungaling yang si Popoy! haha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...