Wednesday, July 4, 2012

Sukob Na...

Photo credit here 

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento ng buhay. May Masaya, may malungkot, may tragic at meron din naman ng pananagumpay. Pero ang kwento na madalas na gustong-gustong marinig ng marami ay kwento tungkol sa pag-ibig. Yup, you read it right… LOVE! Yong merong “once upon a time” and “they live happily ever after…” Yan ang mga tipong basahin ng karamihan ngayon, bata man o matanda. And I have my own version of that… at ang kwentong ibabahagi ko ay meron ding "Once upon a time…" and basahin mo na lang kung meron ngang “and they live happily ever after…” 

Wala mang magical moments or magic carpet ride, tulad ng sa mga Fairy Tales, para sa kin ito na ang pina-ka Enchanting moments na nangyari sa buhay ko…

Ako nga pala si Mark, you can call me Mar without the “K” if you want, at ito ang kwento ko…

Once upon a time…

Ang lakas ng ulan!!! May kasama pang kulog at kidlat… napabuntung hininga ako, hindi dahil sa wala akong payong at stranded na naman ako at di makalabas sa establisyementong aking kinalalagyan, kundi sa pamilyar na damdaming nagpapaalala ng nakaraan. Napapikit ako at humiling na sana ay hindi muna tumila ang ulan…

********
Ganitong panahon rin yon, I still remember how we met. Since di talaga ako nagdadala ng payong eversince, its either mabasa ako ng ulan o madalas na ma-stranded kung saan-saan. Maghihintay hanggang sa tumila na ang ulan.

711! Dito kita unang nakita, or should I say, don mo ko unang nakita at napansin? Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko kung pano ka maasar kapag sinasabihan kita na you do the first move. Ang cute mo kasi kapag naaasar.  Natulala nga ako noon ng una kitang makita… dala mo ang payong mong pink… di ko talaga maalis tingin ko sa'yo that time… I know it’s not polite to stare but I can’t help it. Ang ganda mo kasi… At nang paalis ka na, wala ako sa sariling sumunod sayo. Di alintana ang lakas ng ulan… para akong tanga na nagpakabasa masundan ka lang… Pero masasabi ko na that was the best thing that I’ve ever done, kasi naman, lumingon ka, habang nakatayo lang ako sa gitna ng ulan… and you know what, tinakbuhan mo ko! Tama ba yon?

After that, lagi na kitang inaabangan hanggang makilala kita… Nakakatawa diba? Kala mo stalker ako na sasaktan ka… but in the end… ako pala masasaktan…

Umuulan din noon nang maging tayo… ang saya-saya ko kung alam mo lang! Tawang tawa ka sa akin ng maglulundag ako sa tuwa sa gitna ng ulan nong sagutin mo ko… pero the best part is, nagpakabasa ka rin sa ulan para samahan ako… at dalawa na tayong pinagtitinginan ng mga tao… ganon pala pag inlove ka, you don’t care what other people will say, pag kasama kita, I feel invincible… Salamat kahit sandali lang, naranasan kong maging masaya…

Inspired, ganyan kung pano dumaan ang mga araw ko, lalong lalo na pag umuulan. Paborito ko na nga yata ang rainy season. I never failed to called you pag di tayo magkasama para lang ipaalam na umuulan… At kung magkasama naman tayo, hindi natin palalampasin na hindi mag-celebrate, kahit simpleng food trip lang ok na tayo… ang saya nga, kasi ang trip natin kainin ay Ice Cream… sabi ng mga kaibigan natin weird tayo, at tatawanan lang natin kasi alam natin ang topak ng bawat isa at tama sila weird nga tayo dahil kakaiba ang mga gusto natin… Pasensya ka na kung sadyang makulit ako… pasensya ka na kung paulit-ulit kong sinasabi sayo kung gaano kita kamahal (unli lang)… pasensya ka na kung minsan (o madalas) akong magselos… Pero diba? Hindi naman basehan yon para iwan mo ko…

Sa gitna din ng ulan ng mag-proposed ako sayo… You never knew it was coming do you? Pano ba naman, every girl’s dream yata ang romantic proposal from a guy… pero iba ako eh… habang magkasukob tayo sa payong mo, sinadya kong lumabas at mag-pakabasa, magagalit ka na sana dahil we’re about to celebrate our anniversary in a fancy resto pero heto ako ngayon, basa ang puting long sleeves na suot ko… at nagulat ka ng ilabas ko sa bulsa ko ang engagement ring at iaabot sayo… naalala mo ba kung anong sumunod na nangyari? Dumulas sa kamay ko ang singsing at nahulog sa kalsada… natatawa talaga ako pag naaalala ko to… pareho na tayong basa kakahanap sa singsing, and when I finally found it, sa gitna ng ulan, I ask you to marry me… You just stood there, kinakabahan ako kung tatanggapin mo o hindi, pero when you finally answered yes, I was the happiest man on the planet. Ngayon ko lang aaminin, umiyak ako non, hindi mo lang halata dahil pareho tayong basa ng ulan… akala ko dina ko iiyak muli after that night… pero mali ako…

Sadya nga yatang sa relasyon natin eh hindi kumpleto pag walang ulan… Who would have thought na uulan sa araw ng ating kasal? Garden Wedding ang gusto natin kaya ano pa ba kundi ituloy ang nasimulan… And for the record, that was the perfect wedding for us, aminin mo! Every time na nakikita ko wedding photos natin, lahat nakapayong, iba’t-ibang kulay ng payong… nakakatuwa kasi the effect was so romantic… and we exchange our vows in the midst of this expectacular scene… at ng ihagis mo na bouquet mo, wow! Talaga naman, ang mga bridesmaid mo hindi nagpa-awat sa ulan… the best talaga yon, memorable talaga, kakaiba, but you know why it’s so special? Dahil kasama kita and we did it again, under the rain.

Pero di ko inaasahan na di tayo magtatagal..  Ang daya mo naman… sabi mo walang iwanan, bakit ka bumitaw? You promised you will never let go, pero anong ginawa mo? You let go of my hands… pano naman ako lalaban ng patas kung ikaw mismo na ang umayaw? Saan naman ako lulugar kung mismong ikaw ayaw na sa mundong ating binuo… ang sakit lang… kala mo ba? Pano na ang pangarap natin na pamilya  kung mag-isa na lang ako? Hindi ako sanay ng wala ka… at hindi ko alam kung kaya kong harapin ang bawat tag-ulan na hindi ka kasama…

Minsan naiisip ko kung bakit… bakit kailangang matapos? Naiisip ko tuloy, para nga yata tayong ulan… may katapusan… gaano man kalakas ang buhos, may hangganan din naman. Titila rin at matatapos… Ayaw kong isipin na ganon ang pagmamahalan natin, dahil ako, rain or shine, I will still love you. Kahit iniwan mo ko, kahit gaano kasakit, andito ka pa rin at di mawawala… Kahit sinabi mo sa kin na ibukas ko ang puso ko sa iba pag alis mo, di ko yata kayang gawin… You made me promised to do that, but I lied, para mapagaan lang ang damdamin mo… ayaw ko rin naman na naghihirap ang kalooban mo pag naghiwalay tayo…

Alam mo ba nong umalis ka? Umuulan pa rin… sabi ko sayo, kakambal ng relasyon natin ang ulan… ang lakas, sobrang lakas ng ulan! Nakikiiyak ang langit sa sakit na nararamdaman ko that time… I was holding you so close to me that I won’t let go… I hug you tight at pau-ulit ulit na ibinulong sa’yo kung gano kita kamahal… ayaw mong makita akong umiiyak pag-alis mo pero pasensya ka na, I’m not good at keeping promises… hayaan mo, huli na ito… pagbigyan mo na akong umiyak kahit ngayon lang! Hindi ko talaga mapipigilan… hayaan mong ibuhos ko kasabay ng ulan ang luhang para sayo lamang…

Paalam mahal ko… Hintayin mo ko sa kabilang buhay… Paalam…

***
Tumila na ang ulan… pero nanatili akong nakapikit, at ibinulong sa hangin ang pangalan mo… I miss you, so much that it still hurts!

***
Nga pala, may video akong ginawa para sa kanya... hindi man nya mapanood to, sana kahit dito man lang, maibahagi ko ito... sayo... sa inyo... 

video


Paano? huminto na ang ulan… Mauna na ko sa inyo… Hanggang  sa susunod na tag-ulan… 
***

41 comments:

  1. ang lungkot ng kwento para sa panahon ngayon. Ramdam ko ung bigat ng kalooban. Ang sakit

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na sir! Buti na lang may blog, may napagbubuhusan, nakakagaan rin naman sa oras na walang makausap...

      Delete
  2. ang ganda ng love story nyo, ramdam na ramdam ko yun saya mo dati, ramdam ko kung gano mo kamahal yun wife mo, she was very blessed to have you.. ang lungkot lang nun nangyari, it's really hard to lose someone you love, ang sakit nga.. pray ka lang ha? :(

    ReplyDelete
  3. Real lovestory mo ba to idol Mar? Kakalungko at nakakaiyak.. sana makatagpo kana soon ng isang katulad nya, para makilala na namin sya. Para makita din namin ang ngiting inlove at inspired mula sayo soon. God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. God bless din sayo Gracie and thanks!!!! Sinulat ko to after ng kulitan natin sa tweeter about sa paliligo ko sa ulan...

      Delete
  4. Sabi ko sa tweet ko kanina, ang dala ng rain Emoters. Mas lalo akong napa-emo. Wala man siya, good memories naman amg iniwan nya.

    Wala na akong masabi di ko ma-organize thoughts ko kasi nai-emo din ako. Gusto ko tuloy tumakbo ng tumakbo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You can run as long as you want... but not becuase you are running away from the past, rather you are running because you have the capacity to move on... like your post about carry on...

      Delete
  5. Totoo 'to? Ang lungkot naman kung totoo, nagsisimula pa lang naputol na kagad ang kwento nyo, sayang! Pero sabi nga ni Gracie, sana soon matagpuan mo na ulit ang magbibigay ng buhay na ngiti sa iyong tag-ulan, kapit lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga makita ko na sya, the one who will give me enough reasons to smile...

      Delete
  6. buti pa sa inyo jan napapaemo kayo sa ulan.. dito naman sa amin.. ang init much grabe.... but sadly still better love story than twilight... :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks parekoy... better than twilight talaga? Sana nga twilight na lang no? At least there is forever...

      Delete
  7. “God didn't promise days without pain, laughter without sorrow, sun without rain, but He did promise strength for the day, comfort for the tears, and light for the way.”

    ... wala akong masabi Mar kaya nag quote na lang ako... pinaiyak mo naman ako. Salamat sa pagsi-share, I'm sorry if I find it as a beautiful story in spite of the sadness. God Bless...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang ganda ng quote miss balut... thanks! Swak na swak!

      Delete
  8. bakit naman ganyan yan... ang bigat sa damdamin nito master m..
    tas medyo maulan pa dito sa opis.. na feel ko lalo ang lungkot ng storya na ito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok lang yan, paminsan-minsan naman eh makaramdam tayo ng pain... then we will realize that we are still human after all...

      Delete
  9. ang bgat ah.
    nsabe lng ni axl at bino na parehas tau ng post pero now ko lng eto nbsa.
    memorable tlga ang ulan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. read your post also... ang bigat din ng bagsak ng mga salitang binuo mo sa tula, parang patak lang ng ulan na tumatama sa tigang na lupa...

      Delete
  10. Replies
    1. ok lang yan... maganda daw sa mata na paminsan-minsan eh umiyak tayo...

      Delete
  11. kung totoo e2 bakit d ko n laman..my kwen2 kapalang gani2 s buhay mo.. true 2 life mo e2..kk touch malihim k ha....kya pala ganyan k..SILENT...minsan nga mag kwe2han tau s life mo...

    ReplyDelete
  12. habang binabasa ito dalang dala ako. at sinabayan pa ng isang kanta. hindi ko alam na sa isang masaying taong tulad mo ay may istoryang nakatago tulad nito. isa itong kwentong ito sa mga hinding-hindi ko makakalimutan at tuwing umuulan alam kong maaalala ko ang kwento ninyo.

    noong bata ako pinangarap kong maging isang direktor at habang lumalaki ako unti-unting nawawala ang pangarap na ito at pagkatapos basahin ito parang may kung anong naramdaman ako na nagpabalik sa panagrap ko. ngayon alam kong hindi ko pa kaya, pero ang gumawa ng isang maikling pelikula tampok ang kwento ninyo ay isang malaking karangalan.

    mabuhay ka Super Mario!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Inong... papanoorin ko yang pelikula mo, sabihan mo lang ako!

      Delete
  13. Ngayon ko lang nabasa eto. Naiyak ako ang puso ko :( Mababaw talaga ako sa mga gantong love story e. Ang bigat sa loob. Hindi ko akalain na may ganto kang kwento. Hanggang ngayon tulala pa rin ako. Sanay makatagpo kana ng muling makakasama mo sa buhos ng ulan. Isa ka sa mga maalala ko twing bubuhos ang ulan. Sir Mar buksan mo na muli ang puso mo :)

    ReplyDelete
  14. nakakalungkot naman mar ang kwento ng iyong pag ibig. sana may mahanap ka ulet na panibago.

    ReplyDelete
  15. hinanap ko talaga to! dahil sa kwento ni arvin nung nasa siargao kami.. grabe lang ang sakit sa puso hhaaaay.. possibleng matagal pa pero alam kong makakahnap ka rin at mararamdaman muli ang "saya sa ulan" :)

    ReplyDelete
  16. watch pinoy tv show replays here CLICK HERE

    or download our android application here Philipine TV Replays android app

    or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

    HOW TO INSTALL PHILIPPINES TV ON IPHONE AND IPOD TOUCH? CLICK HERE

    or visit Android and Apple APPS

    LIKE US : Facebook

    ReplyDelete
  17. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...