Tuesday, June 5, 2012

"Panayam sa Isang Taong Grasa"


Taong Grasa            : (n) ta-ong gra-sa;

Profile:
1.     Grasa ang lotion
2.     Hindi uso ang shampoo
3.     Buhok na dikit-dikit
4.     Sako ang bitbit
5.     Basurahan ang tambayan
6.     Naglalakad kung saan-saan
7.     Nagsasalitang Mag-isa
8.     Masa
9.     TAO!



-Start of Interview-

Unplog: Kumusta ka?

TG: Bago yan ah… madalas walang gustong alamin ang aming lagay. Pero sige, sasagutin kita… hindi ako ok. Obvious ba?

Unplog: Pasensya na… first time ko kasi makapag interview ng katulad mo. Medyo kinakabahan lang…

TG: Wag ka mag-alala… first time ko din na mainterview… Kadalasan, iniiwasan kami,  binabato at itinataboy!

Unplog: Ahm.. Ano nga pala ang itatawag ko sayo? May pangalan ka ba?

TG:  LupePascuawantstoinviteyoutoeaticecream*

Unplog: Ang haba naman… Lupe na lang itatawag ko sayo para shortcut… ok lang ba?

TG: Kahit anong itawag mo sa kin ok lang… sanay na ko sa iba’t-ibang label… baho, gago, tanga, putik, itim, pusali, marumi, baliw! Mamili ka… kahit ano ok lang… basta yong ice cream ko ha, wag mo kakalimutan…

Unplog:  Ha? Ice cream? O sige, pangako… Ok… Simulan na natin? Wag ka mag-alala, walang tama at maling sagot sa mga tanong, Ready?

TG: Shoot!

Unplog: Sa iyong palagay, What makes you different?

TG: Ako? Kami? Wala… wala kaming pinagkaiba sa iba dyan… sa hilatsa ng mukha, suot, ayos ng buhok, at amoy eh wala naman kaming kaibahan… Iisa-isahin ko lang para malinawan ka…

Una: sa mukha? aba naman, natural to… hindi ko binili sa Belo, at hindi ko ikinahihiya… mas masahol pa sa min yong mga iba dyan na gawa sa plastic ang mukha…

Pangalawa: sa suot namin? Walang basagan ng trip! Fashion statement ito… yong iba nga dyan kung magdamit eh di rin nagkakalayo sa suot naming butas-butas…

Pangatlo: Kung buhok lang din pag-uusapan, for the record, kami ang nagpa-uso ng dreadlocks hairstyle… Si Bob Marley? Gaya-gaya lang yan sa min…

Pang-apat: Amoy? Ang masasabi ko lang, Smell is in the nose of the beholder!

Unplog: Whew! Ang bibigat agad ng iyong tinuran… unang katanungan pa lang yan… Next question! Bakit hindi naliligo ang taong grasa? Kayo ba ay takot sa tubig?

TG: What a question! FYI, ang tubig ang takot sa amin… At tandaan mo na kahit kailan, ang tubig at langis o grasa ay di pwedeng maghalo. Kaya kahit buhusan mo man kami ng ilang galong tubig, baliwala rin! Sayang lang ang H2O… kuha mo?

Unplog: Oo nga naman… kasunod na tanong; medyo temang pulitika naman ito… anong masasabi mo sa mga Traditional Politician o mas kilala sa tawag na “TRAPO”?

TG: Trapo ba kamo? Kilala ko yang mga yan… mga basahan sila na ginagamit upang linisin ang dumi na gawa ng iba… parang sponge na kung sipsipin ang tubig na natapon ay ganon na lang… marumi man kaming tingnan… mas maitim naman ang kulay ng mga basahang ito na kahit labhan, mantsa ng nakakapit na di maalis… tama ba ang pagkakila ko sa mga “TRAPO”?

Unplog: hmmm, it make sense… eh kung mabibigyan ng pagkakataon, sangayon ka ba na magkaroon ng representative na kagaya nyo, I mean Taong Grasa, sa Senado?

TG: Walang akong tutol dyan, bakit hindi… Pero sigurado ako na maraming nasa pwesto na ang tututol.

Unplog: Bakit mo naman nasabi yan? Dahil ba sa suot nyo, dahil ba madungis kayo?

TG: Hindi! Mali ka dyan… Pipigilan nila kaming makapasok sa senado, dahil takot silang may magkalkal ng kanilang BASURA!

Unplog: Ahhh yon naman pala… very well said. Temang showbiz naman itong susunod na tanong… Sino naman paborito mong artista?

TG: Marami, pero ang pinakapaborito ko eh si Zita Askal… bago sya nagpagalagala na parang askal sa lansangan ng Maynila, isa sya sa mga hinahangaan noon na magaling na artista. Ang mga naranasan nya sa buhay ay sumasalamin sa kung ano rin ang mga pinagdaanan ng iba sa amin… hindi naman kami ipinanganak na “taong grasa” na agad. Dumaan kami sa proseso… stages kung baga.

Unplog: Di ko yata kilala si Zita Askal… anyway… nabanggit mo ang stages, saang level ka na o stage ng pagiging taong grasa nabibilang ngayon?

TG: Ako? Well as you can see… I’m a full grown Taong Grasa na… and this is the final stage.

Unplog: I can see that… Napansin ko lang na madalas kayong mag-isa at kinakausap ang sarili… May kwento ba sa pagiging loner nyo?

TG: Pass! Hindi pa ko handang pag-usapan ang aking nakaraan… masakit… di pa ko nakaka “move on.”

Unplog: Oppss! Sorry naman… ok change topic tayo.

Unplog: Very common sa inyo ang lumakad ng lumakad… may hinahanap ka ba in particular  o lugar na nais puntahan?

TG: Wala naman, for us to evolve kasi, we need to walk ang roam in the streets… at para makahanap na rin ng makakain… ganon lang… Pero ang totoo nyan, kaya kami naglalakad sa lansangan, baka sakaling makita kami ng kamag-anak namin, makilala, at nagbabakasakali na kami ay kupkupin muli… Nangangarap din naman kami na may kumalinga sa min… kahit kami ganito… ang huli kong natatandaan, binihisan ako ng maayos tapos isinakay ako ng mga kamag-anak ko sa bus, ibinilin sa konduktor na ibaba ako sa lugar na malayo… malayong-malayo… kaya ako napadpad dito sa lugar nyo… naiintindihan ko kung bakit nila ako itinapon… pero dahil sa sitwasyon ko…. Di ko magawang magalit… Ang haba yata ng sagot ko, pasensya ka na…  

Unplog: Naiintindihan kita… seryoso mo naman… nga pala saan kayo madalas tumambay? Ibig kung sabihin, yong paborito mong lugar.

TG: Sa lansangan kami madalas… o masasabi ko na ito na ang mundo namin. Hindi naman kami mapupuno ng grasa kung may kumupkop lang sa amin… sa araw-araw na pamamalagi sa lansangan, na pinagsamang usok ng tambutso ng mga sasakyan, alikabok at polusyon, kaya eto kami ngayon… puro grasa sa katawan, maitim, madumi. Gustuhin man namin na mag mall, di naman kami papapasukin kaya ok na kami sa gilid-gilid at sulok kung saan may basura, at may makalkal na tira-tirang pagkain.

Unplog: Oo nga, bawal nga sa mall mga katulad nyo… Speaking of basura… Basura ba ang laman ng dala mong sako?

TG: Hindi basura ito… Ito yong huling suot ko nong tinapon nila ako… Iniingatan ko baka kasi marumihan…

Unplog: Pwedeng makita? Patingin naman…

TG: Wag! Hindi ko inilalabas to… baka may umagaw at masira at madumihan… pag nawala to, para na ring nawala yong pag-asa ko na makilala ako ng mga kamag-anak ko… Ito na lang ang natitirang pagkakakilanlan sa kin… at pag nakita ko sila, isusuot ko uli ito! Para makilala nila ako di ba? Di ba?

Unplog: Speechless…

TG: Uyyy… bakit tumahimik ka na? Tapos na ba? Wala ka nang itatanong?

Unplog: Ah eh… wala na… Wala na akong tanong.

TG: Eh di pwede na ko kumain ng ice cream? Yehey!!!!

Unplog: Oo Lupe, pwede na tayong kumain ng Ice Cream… at salamat nga pala… at pinaintindi mo sa akin kung sino ka… Salamat…

- N O T H I N G  F O L L O W S -

Sino nga ba ang tunay na baliw, yong mga taong kagaya ni Lupe, o yong mga taong husto ang pag-iisip ngunit sa pag-ibig ay kapos? Ikaw na ang humusga.


*Note: 
Ang panayam na inyong nabasa ay hango sa nakita ko sa labas ng Mega Mall na taong grasa, may dala syang papel na may nakasulat na LupePascuawantstoinviteyoutoeaticecream. 

Halika na at mag ice cream tayo... sagot ko!


DISCLAIMER: The above interview is a work of fiction and any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The interview is Rated PG. It may contain words or phrases that may be offensive to an individual or group. Parental Guidance is advised. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to this interview. Do not copy or use without written permission. Email the author at nadrev_mjr@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog entry. Thank you very much

14 comments:

  1. when i was in college, nagawa ko'ng makapanayam ng isang tao'ng grasa. pero wala kaming nakuhang matinong sagot

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga nabasa akong docu about them, may matinong sumagot, meron namang sala sa tanong ang sagot... Pero in general mahirap tlaga sila kausap

      Delete
  2. nakakaloka english ang tanong.. haha!

    ReplyDelete
  3. si madam ana ba ito ng 100 days to heaven ang taray, "kuha mo?"

    tumpak nadali mo LUPE... "TG: Hindi! Mali ka dyan… Pipigilan nila kaming makapasok sa senado, dahil takot silang may magkalkal ng kanilang BASURA"

    "di pa ko nakaka “move on.”" << parang lovelife lang an peg ni lupe.

    ang ganda ng flow ng interview na ito?

    sabi nga nila sa bawat nakikita natin a lansangan, may isang taong grasa di sa pananamit o sa itsura kung di sa gusali mismo.

    ikaw nga nila minsan mas mainam pang makausap ang mga ito kumpara sa matinong tao..

    nagtry kami mag interview ng taong grasa but mostly fail, pero itong ayos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko kilala si Ana hehe... At hindi ko rin alam yong 100 days to heaven hehe

      Delete
  4. Nagjive kayo ng taong grasa ha matinong sumagot at mas mainam sya kesa sa interviewer hahaha, taray lang. Ayan nakahanap kana ng katapat mo, si lupeng mahilig sa ice cream sa wakas may nainvite kana sa ice cream session hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh, buti pa si Lupe, sumama sa Ice cream session ko, eh yong ibang ininvite ko, hanggang ngayon tinataguan pa rin ako... #tampo_mode haha... para sa kanila nga tong post na ito pero mukhang deadma lang wahahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...