Sunday, June 3, 2012

Blanko!


May mga araw na nakatitig lang ako sa laptop ko… nakabukas ang Microsoft Word sa format na “New Blog Post”. At sa tuwing magbubukas ng “New Document”, ang bumubulaga sa akin ay ang puting espasyo na ito, walang laman, malinis at nag-aabang na marumihan.


Madalas na ganito ang scenario namin ng laptop ko, lalo na kapag sabaw ang laman nitong aking U-tak. Hindi lamang ako, marahil pati ang laptop ko ay nababagot na sa paghihintay ng kung ano ang maititipa ng aking mga daliri. Hindi naman ako isang manunulat pero bakit ang sarap sa pakiramdam kapag naisulat mo na ang mga nais mong sabihin at iparating. Para kang nabunutan ng tinik sa lalamunan o nabawasan ang mabigat na pasanin sa yong balikat. Gaya nga ng sabi ko, madalas na nakatitig lang ako sa puting espasyo na ito. Ganito ka rin ba o ako lang ang may problema, kung problema nga bang maituturing ito.

Hindi ko alam kung nakasanayan ko lang o sadyang mayroong angking pang-akit na katangian ang espasyo sa aking harapan. Sa bawat minutong pagtitig ko dito ay tila hinahatak ako ng aking imahinasyon. Dinadala ako sa napakalalim at napakalawak na dimension kung saan ang bawat isipin mo ay pwedeng mangyari.  “This is an infinite space where you can create your own world.”

Blanko na maituturing… blanko sa paningin ngunit ang puting espasyo na ito, para sa katulad kung mahilig magsulat ng kung ano-ano, ay isang napakalaking universe! Maraming pwedeng gawin ang aking isipan, maraming pwedeng likhain ang aking imahinasyon, maraming pwedeng umusbong na ideolohiya sa utak kong minsan lang gumana at ang lahat ng yan ay pwede kong buuin sa puting espasyo na ito.

Di ba ang lahat naman ay nag-umpisa sa wala? Sa kawalan at kadiliman, God created everything… and from there on, ang procesong ito ng paglikha ay ating ginagawa. Mula sa imahinasyon, uusbong ang isang invention. Pero bago ang lahat, sa blankong papel magsisimula ang paglikha. Oo nga’t computerized na ang ating mga gamit ngayon, katulad halimbawa ng laptop ko na aking tinitipa sa kasalukuyang ito, pero di rin maisasantabi kung ilang revisions na ba ang ating nagagawa sa mga likhang akda. Ang kaibahan lang ng makinilya noon sa ngayon, ay hindi napupuno ng mga nilamukos na papel ang iyong basurahan. 

Balikan natin ang puting espasyo na ito… May napapansin ka ba? Di ba hindi lang blankong espasyo ito? May isang elemento dito na naninirahan… napapansin mo ba? Ang patay sinding galaw nya, ang walang kapagurang “blinking motion” na nililikha nya. At sa isang pindot lang ng iyong mga daliri ay napapasunod, napapagalaw  at naipaparating mo ang iyong mga saloobin.    

Nakakaaliw pagmasdan ang monotonous na galaw nito… animo naghihintay at nag-aabang ng pagtipa ng aking mga daliri sa keyboard… Minsan nga naiisip ko na para na kong tanga na nakatitig lang at binibilang ang patay sinding galaw nito. Paano ba naman, tila ako nananadya na paghintayin sya, bago dumaloy kung ano man ang laman ng kapiranggot kong utak sa araw na iyon. Tila sya isang trabahador na walang reklamo kahit anong iutos mo… bura, ulit, bura, up, down, left, right… walang sawa nyang ginagawa. At dito lang yan sa puting espasyo na kanyang mundo… at sya ang dahilan kung bakit naisulat ko ito.

Blankong espasyo, walang reklamong tinatanggap ang ating mga hinaing, saloobin, kae-palan, ka cornihan, listahan, drowing, pananaw, panuntunan sa buhay at marami pang iba. At ang lahat ng yan ay ina-absorb nya na parang sponge.

I was watching a movie the other day, I don't know kung sa HBO bang channel. The movie was “Finding Forrester.” Matagal na tong movie na to about a black teenager trying to find his place in this world thru writing. Facing a lot of trouble at school and his neighborhood, he eventually came across a very difficult man in isolation, which happens to be Forrester, a well known writer of his time. So to make the story short, Forrester mentor the kid and teach him how to write and polish the gift that kid posses.

Speaking of writing and this is what strikes me most are the two important elements of writing I learned from the movie.

1. Write what’s inside your heart. Just write, without minding any technicalities of writing. Hit the keys of that mechanical typewriter and pour into that blank space the content of your heart. HIT THE KEYBOARD HARD! With passion, and that’s the heart of your composition.

2. Write intelligently. Now, came back to what you have written, use your mind and intelligently, arranged and polished every details… giving your composition a solid structure.

Sana lang magawa ko ang pattern na ito… at mag-uumpisa ako sa blankong espasyo na ito! Blanko man na maituturing… dito nagsisimula ang magagandang Obra ng Panitikan… hindi man ako makagawa ng isang likha na hahangaan ng mundo, at least, ito ang laman ng puso ko…

Now… let’s do this exercise…

Relax… Close your eyes… take a deep breath… and EMPTY YOUR MIND!

Ngayon… handa ka na uling magbukas ng panibagong “Blanko”

Hanggang sa muli…

Next < New Documents opened>
   
      

14 comments:

  1. akala ko 'relax, close your eyes, take a deep breath, and...IMAGINE YOU'RE IN 44TH FLOOR!', hehe.

    May times talaga na blangko utak natin, kaya dapat wag ipilit. Ako, nagi-skip ng schedule kapag blangko utak, sayang lang ang pagod eh, kaya di ko pinipilit. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Relaxing nga siguro if you're in the 44th Floor haha

      Delete
  2. Replies
    1. salamat sa pag follow... at nakarelate ka talaga hehe

      Delete
  3. nice! :) magagamit ko dn 'to sa pagcocompose ng kanta. hehe! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige lang hehe, tapos i-post mo sa blog mo para sumikat ka haha

      Delete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...