Tuesday, May 22, 2012

Let there be light!

Working with a lighting specialist always fascinates me. Yon bang malaman mo ang ibat-ibang uri ng ilaw meron ngayon... iba-ibang kulay, effects at purpose na makikita sa market ngayon. May nakatrabaho na ko na lighting specialist sa mga stage, musicals and concerts (theatrical lighting), meron naman na roads, buildings, landscapes and home lighting. Lahat sila iisa ang layunin, ang makapagbigay ng liwanag at saya. 

 Katulad ng mga ilaw na ito na nakapagbigay liwanag at saya sa akin:

1. Sound activated light. Para akong bata na sinusubukan ito. Palakpak lang magbabago na kulay nitong ilaw na ito. Minsan pag napadaan ako kung saan naka install itong ilaw, kakanta ako ng malakas. Lakas lang ng trip ko... Ang tuwa ko lang! 

2. Rope Light. Naalala ko pa, (di ko lang mahanap ang photo) may nilagyan akong worker sa Casa nitong ilaw na ito, nagmukha syang kalaban ni Iron Man sa Iron Man 2. (Pinaglaruan daw ba hehe)

3. Robo Light. Ito yong mga ilaw na gumagalaw... DMX controlled light. Pwedeng synchronized with sounds. Madalas mong makita ito sa mga concert stage lighting. Sa Casa project namin, nakatuwaan ko lang na gamitin ang isang OPM song habang tina-try namin ang isang Robo lighting... everyone in the room looked at me na parang nagtatanong kung anong klaseng kanta ba yon... patay malisya lang, bakit ba... Pinoy ako eh!  

At ang ganda ng mga ilaw na ito ay higit na lumulutang pagsapit ng dilim...

Light and darkness... lagi silang magkasama... they compliment each other. Without darkness, you cannot appreciate light. And the absence of one another, the other becomes meaningless. 

Ito ang pakaka balanse ng buhay. Laging may katapat ang bawat bagay dito sa mundo... kung papaanong merong puti at itim, gabi at umaga, langit at lupa. Ang lahat ng ito ay ginawa upang balansehin ang mundong ating ginagalawan. 


Dilim at liwanag... isang pagsasalarawan...

Iilawan kita... maubusan ka man ng liwanag, hayaan mong magsilbing ako ang iyong gabay.


Ilaw na ligaw... sa kawalan at kadiliman, ang isang munting liwanag ay napakahalaga. 

Ilaw ng pagbabago...  hayaang maranasan ito.

Sa paglubog ng araw...  Dilim ang maghahari... magtatago ang araw upang magbigay daan sa gabi... ngunit asahan ang muling pagsikat nito.... isang cycle na naman ang dumaan!

Lampara... 

At para sa mga nangangapa sa dilim... hindi habang panahon ay hatinggabi... asahan mong...

 "May Liwanag ang buhay."

33 comments:

  1. at ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa mga ito. napakainformative.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga sir, nakakatuwang malaman ang mga ganitong teknolohiya

      Delete
  2. - Yan siguro yung napanood ko sa isang movie dati na boses lang ng may-ari ng bahay bumubukas ang ilaw. Galing

    Parang Ying Yang, good and bad, holy and evil, black and white, boys and girls, coffee and creamer, at marami pang iba. You cannot appreciate one without the other. Napakanta tuloy ako ng "May Liwanag ang buhay" (Meralco tune). Naalala ko sa post mong ito yung post mo tungkol sa mga ibon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sample nga ng kanta mo "May Liwanag ang buhay" hehe

      Delete
  3. Una kong napansin ang bagong desinyo ng iyong blog - malinis at maaliwalas, tipong minimalism. Angkop ang bago mong akda tungkol sa liwanag dahil pumaibabaw ang ganda ng iyong mga kuha at anggulo nito. Very enlightening itong sinulat mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Minalas e, nagka-virus PC ko ayun tumirik kaya di gaano makapag-online.

      Delete
    2. at least PC mo lang nagka virus, hindi ikaw, mahirap magkasakit... ingat parati

      Delete
  4. Sa meralco may liwanag ang buhay haha. Ayos ang mga kuha. Gusto ko magkaroon ng ilaw na kapag pumasok na ako sa kwarto kusang umiilaw hindi na kailangan pindutin haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. with motion sensor na ilaw kailangan mo Inong... irequest mo sa Meralco haha

      Delete
  5. Magaling ka maglaro laro ng ilaw hehe

    Nice :-)

    ReplyDelete
  6. haha natawa ako sa comment ni inong #ha, salamats dito nag informative blog ka na rin ha, ayos...

    ReplyDelete
    Replies
    1. dami mong tawa Axl ha, lagot ka kay Inong #HA

      Delete
  7. Akala ko papost ng MERALCO :) hanep ah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, sisingilin ko ba sir ang meralco?

      Delete
  8. gusto ko yung pinakahuling litrato (lampara). ganda ng symmetry and nagdagdag buhay yung rays nung liwanag... magaling! :)

    Ang Litratisting Bulag

    ReplyDelete
  9. naks! natututunan mo na ng maigi ang iyong bagong laruan, magaling pagpatuloy mo lang yan hehehe

    :))

    ReplyDelete
  10. Katuwa naman ang caption ng unang larawan, may pinaglalaanan? Hehe..,

    Pero sa lahat ng larawan ng liwanag, ang sunset ang pinakagusto ko, hays, sana makakuha din ako ng ganyan. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Punta na sa tabing dagat sa hapon hehe

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...