Wednesday, May 16, 2012

Kwentong Elevator!


Dahil sa may hang-over pa ko ng 44th Floor, I decided to post these collections... Don't worry, hindi ito paranormal activities. Hindi naman puro katatakutan ang nagaganap sa building na ito. Meron din naman na nakakatacute at nakakatuwang pangyayari na aking naranasan. I'm sure most of us eh may nakakatawa, at nakakaasar na karanasan sa mga elevators. 

At hindi lang yan...Since usong-uso ngayon ang magbilang, like 20 things I like about you, 13 places I want to  visit, etc... eto naman ang version ko:


Para sa mga magtatanong kung bakit hagdan ang photo na ginamit ko eh wentong elevator to, ganyan po talaga ang buhay, minsan contrast ang nakikita mo sa totoong nangyayari. kaya hayaan nyo na... Contrast is good to balance the normal... ano daw?
7 Epic Experiences inside the elevator (and counting):

1. Habang papasara ang pinto ng elevator, nakita ko na naman ang matanda at ang bata na naghihin... teka, teka, sabi nang hindi ito paranormal story eh! Kulit!

Sorry po.. ito na talaga...

1. Isa ito sa mga araw na hindi pila ang pagsakay sa elevator... hay salamat hindi siksikan. At, in fairness, gumagana lahat ng elevators. Apat kaming naghihintay, so pagbukas ng pinto ng elevator, wala lang, easy-easy lang kaming pumwesto sa loob. Since 44th Floor ako, sa bandang likod ako puwesto... habang dahan-dahang sumasara ang elevator... eto na si ate, humahangos, nagmamadali at gustong makaaabot sa elevator na sinakyan namin... 

PARA! PARA! Sasakay ako! Nagkatinginan ang dalawa pang sakay ng elevator sa aking harapan at nagtawanan... parang jeep lang ah!

Ano nga ba dapat? Stop, tigil, hinto? You tell me! 

Ayan nagtaray tuloy si ate... tsk, tsk!

2. May araw (o madalas) na isa lang gumaganang elevator, at during this time pag gusto mong bumaba, mag-aantay ka ng siyam-siyam. Ang ginagawa kasi ng mga nasa lower floor... sasakay na agad kahit going up pa ang elevator. So sa mga kagaya kong nasa 44th Floor or higher floor, di na makakasakay kasi puno na agad ng mga taga baba. Eh si ako, nakigaya... kahit paakyat pa, sumakay na ko kasi kasya pa isa... pagdating ng 46th Floor, pagbukas pa lang ng pinto ang dami ng tao na naghihintay sa elevator para bumaba. Hala, si ate nagwawala (hindi ito yong ate sa #1) nagsisigaw at nagmumura...

Mga P*#%^&*) nyo... kayo  na! Kayo na ang may ari ng elevator! G)@#*& kayo.... kayo lang ba may karapatang bumaba! Kanina pa kami dito!!!! 

Tahimik kami lahat... pagsara ng pinto ng elevator! Nagtawanan ang lahat! Kasama ako don, eh nakakatawa itsura nya eh (bad) Maya-maya nakarinig kami uli ng sigaw... si ate narinig pala kaming nagtatawanan.. 

Nagtatawanan pa kayo... T@#$%&(+_)(**&^% nyo!!!

Wala pala pumindot ng Ground Button kaya di pa bumababa elevator... Engot lang?

3. Lunch time, bababa ako para bumili ng food. Dalawang lalaki ang nakasakay ko sa elevator. Nagkukwentuhan sila about floors ng building na ito...

G1: Pre... pansin mo?

G2: Ang alin?

G1: Walang 13th Floor dito no?

G2: Ah oo, wala, bakit?

G1: Meron, ayan oh, (sabay turo sa 31st Floor)

G2: Bakit naman naging 13th Floor yan?

G1: Pagbaliktarin mo yong 3 at 1, di ba 13?

Parang gusto kong ma-ebs sa inis!

4. Peak season sa elevator, kasi siksikan kami sa dami ng sakay. Isang hip and hop passenger na may malaking headset na nakasabit sa leeg (alam ko nai-imagine nyo itsura nito) ang malakas na nakikinig ng music nya... although he was using that huge earphone... naririnig pa rin naman ang kantang pinakikinggan nya sa lakas.  Tapos sinasabayan pa nya ng kanta na akala mo nasa videoke booth sya at nag-iisa... paalala lang... andito kami, halos magkakadikit na mukha... kakanta ka pa?

Elevator to tsong, hindi videoke room... nagkamali ka yata ng pinasukan!

5. One time, isang sosyal na babae nakasabay ko sa elevator. Kami lang dalawa... hanep sa porma pre, executive ang dating... first time ko sya nakita o nakasabay, so malamang bago lang sya sa building na ito. Going down is a long way to go from 44th Floor, kasi hindi naman po bullet elevator namin, pasensya na... Na-bored yata ang babae, kaya kinuha nya cp nya sa bag nyang makinang at nagdial, may kinausap in straight english to the max... I don't know kung anong motibo nya, pero ang pagkaka-alam ko... walang signal sa loob ng elevator namin... yup, ilang taon na kong pasahero nito, ni minsan, di ko pa nagamit cp ko sa loob nito kahit text, call pa kaya?

Show Off? Flaunting? Oo na po, ikaw na magaling mag-english...

6. Maraming tupak ang elevator na ito (totoo naman eh)... at isa na rito yong error sa limit capacity na supposedly naka set. Nakalagay sa specs ng elevator is 11 pax, pero 8 pa lang kayo, mag bu-buzzer na at di sasara ang pinto... ibig sabihin, kailang magbawas ng pasahero. One time, 7 na kami at sa pagbukas sa isang floor... medyo may katabaang mama ang sasakay... halos sabay-sabay kaming nagsalita- "Full Capacity" na po... pero makulit, sumakay pa rin, thinking na maluwag pa naman... and to our surprise, hindi nag buzzer at tuloy-tuloy na bumababa ang elevator...


"Sinungaling kami ganon?"

7. (Hindi man ito totally kwentong elevator, at least sa elevator ito nagsimula) Isang applicant sa office namin ang medyo bagyo ang dating, may taglay na kayabangan na wala naman sa itsura nya. Pagkatapos ng interview nya, nakasabay namin sa elevator at medyo naka-kwentuhan na rin... Bibo ang babaeng ito kaya ang dami namin agad nalaman tungkol sa kanya, galing sya sa US at nagtrabaho don ng ilang taon, nakatira sa mamahaling subdivision sa Quezon City, graduate ng sikat na university dito sa metro, in fact, di na daw nya kailangan mag-work, etc ... at take note! Nasa baba lang daw sasakyan nya with the driver! Eh kami, di makapaniwala... kaya ang ginawa namin, naging stalker kami for a minute there.  Nagtago kami sa kanto ng building in an angle na nakikita pa namin si Ms Mayabski, check agad namin kung may magandang sasakyan na nakapark sa harap ng building wala naman... sa gilid wala rin, ah baka nasa basement parking? May katagalan ng nakatayo sa drop off point si Ms Mayabski,nagpalinga-linga pa, bago sumakay ng jeep...  

Moral Lessons? Teh, nag taxi ka na lang sana... para mas sosyal ng konti ano? Next time ha! Take a cab!

Kayo, may kwentong elevator ba kayo? Share mo naman! At makikinig ako...

20 comments:

  1. kwentong escalator marami ako'ng alam hehehe

    ReplyDelete
  2. Ang bilis ni Bino, base kaagad hehe. ;)

    #1 ano nga ba dapat? Nakalagay sa elevator ng office namin, car1, car2, etc. Kung car sya, ibig sabihin pwede para!? Hehe

    #2 Nagra-round trip din ako, di pa naman nakakarinig ng nagmumura. ;)

    #5 nagpapapansin sya sa 'yo, bakit naman kase di mo pinansin?! :D

    #6 wag daw kase head count ang gawin nyong basis, yun weight limit tingnan nyo, malamang puro kayo tingting kaya nagkasya pa rin yung mama. :D

    #7 kelangan talaga mang-stalk?! ang tyaga nyo, hehe!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. #1 napa-isip ka din ha, kung anong gagamitin... Para na lang din hehe

      #5 pansin na pansin nga eh hehe

      #6 i-suggest ko na maglagay ng weighing scale sa pinto ng elevator hehe

      #7 iba to... worth stalking haha

      Delete
  3. 1. Ano nga ba ang datap sabihin pag ipapahinto ang elevator. Siguro sabihin ko na lang din PARA at least mapapasaya ko yung mga nakasakay.

    2. Ganyan pala technique kaya pala pag ako bababa daming laman ng elevator pero walang nababa.

    3. Kung ako si G2 sabihin ko kilitiin niya ako para matawa ako. Hehehe. (bad)

    4. Okay na may huge earphone wag lang siya kumanta.

    5. Ang pagkakaalam ko wala talagang signal sa elevator kasi lahat ng elevator na nasakyan ko wala talagang signal. Kaya dati pag may kausap kami sa phone sabi namin tawag ulit kasi pasakay na kami elevator. Pag nakasabay mo ulit ipitin mo ah. Hehehe (bad again)

    6. baka hangin lang laman nung huling sumakay.

    7. Kakahiya naman yun. Sana nagpaka-totoo na lang siya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Dalawa na kayo ni Tal na napa-isip din haha... PARA! ok lang yan gamitin

      2. now you know... mag round trip ka hehe... akyat ka muna at sumilip ka sa 44th floor haha

      3. Di nga nakakatuwa...take note seryoso siya nong lagay na yon ha

      4. Tama!

      5. haha... sana wag ko nang makasabay

      6. pwede rin..baka nga hehe

      7. Oo nga... hindi masamang magpakatotoo

      Delete
  4. 1. taxi lang ang dating maka para wagas hahah....
    2. hahahahha magmura si ate wagas!!!
    3. corny ang joke mo boy!
    4. ayn ang hirap minsan sa may mga headset eh..
    5. ang hangin naman ng babaeng yan..
    6. haha ganyan yan minsan.
    7. wow ha,...... feeling mayaman ganyan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. tutyal mo master... ako nga jeep lang eh, ikaw taxi haha
      2. Sinabi mo pa... yong pagwawala nya ay hindi nakakatakot kundi nakakatawa haha
      3. hindi daw joke yon! Seryoso daw yon haha
      4. ok lng may headset... wag na lang kumanta lalo na nasa loob ka ng elevator
      5. oo mahangin, kinabagan nga ako eh
      6. may sumpong din ang elevator haha
      7. ang yaman nya sa yabang haha

      Delete
  5. kwentong LRT2 pwede ba yun? hahaha

    ReplyDelete
  6. Sana sinabi nya "Wet lang, wet nyo ko mga pogi", hehehe sigurado maiihi sila sa kakahalakhak :D Naexperience ko yang mga kabitteran sa elevator hihi sa ortigas kung san maraming call centre, daming nakasuot pang executive pero mga applicants din pala tas yung kadalasang stariray pasosyal at mga arogante ay di pala nakapasa sa interview kaya ganun na lamang ang kanilang ampalayaness.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... hilarious nga yon... imaginin mo na sa maliit na apat na sulok ng elevator ay madaming kwentong mapupulot hehe

      Delete
  7. hahahahaha!

    Nakakahiya si number 5 & number 7!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...