Wednesday, May 9, 2012

44th Floor... E4



“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.”
Terence Fisher


My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”

Warning: This story is not for the faint-hearted.

Sa muling pagbukas ng Elevator...

4:00 am…

Ting!

Marahas na bumukas ang pinto ng elevator! Nalanghap ko ang sariwang hangin na pumasok sa loob. Kasunod noon ay ang marahang pagyugyog sa aking balikat… 

Sir! Sir! Gising! Sir! Ok ka lang ba? Tanong ni manong guard na nababahala. 

Ok lang ako manong… Nasaan na po ba akong Floor? 

Andito ka na sa Lobby… Kaya lang medyo natagalan akong buksan ang pinto ng elevator. Narinig ko ang buzzer na walang tigil kaya alam ko may tao sa loob. Ano bang nangyari Sir? Ang may kadaldalang turan nya habang ako’y tinutulungang makatayo mula sa aking kinalalagyan. 

Inalalayan nya ko patungo sa lobby at doon mas lumuwag ang aking paghinga. Mas langhap ko na ang hangin na pumapasok sa nakabukas na pinto ng building. Hindi ko na sinagot si Manong guard sa kanyang tanong. Hindi ako sigurado kung paniniwalaan nya ang aking sasabihin. Pinili ko na lang na magpaalam. 

Kasabay ng pasasalamat ay nag-umpisa na ko sa mabigat na paghakbang palabas ng building. Marahil ay hinang-hina pa ko. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan. At sa mabagal na phasing ay narating ko ang main road para mag-abang ng taxi. Usually nilalakad ko lang pauwi ng dorm, pero this time, hindi ko kaya. 

Isang puting taxi ang pumara sa harap ko. Dagli akong sumakay, pagbukas ko ng pinto ng taxi sa lugar katabi ng driver’s seat ay kasabay na bumukas ang pinto sa likod sa may passenger’s seat. Napahinto ako sa pagsakay. Naramdaman ng driver ang aking pag-aalinlangan. Sir sakay na! Medyo mahina po ang lock ng likod na pintuan nitong taxi ko. Pakisara na lang po. 

Ah ganon ba? Saba’y pakawala ng malalim na buntong hininga. Isinara ko ang likod na pinto at saka sumakay katabi ng driver. 

Di ako mapakali habang nilalakbay namin ang daan papuntang dorm. Panay ang lingon ko sa likod. Di ko mawari ngunit parang may ibang sakay sa likod ng taxi ni Manong Driver. Naalala ko ang isang modus operandi ng mga holdaper, na magtatago sa likod ng passenger’s seat at pag may sumakay sa harap eh saka aatake habang umaandar kasabwat ang taxi driver. Mabuti na ang nag-iingat. 

Ngunit sa bawat lingon ko sa likod eh wala naman akong makita. Empty seats ang likuran. Hanggang makarating na ko sa dorm eh wala namang masamang nangyari sa kin aside from the strange look na ibinigay ni Manong driver sa kin na tila sinasabing may sayad ako sa utak. 

Binaybay ko ang maiksing eskinita patungo sa aking kwarto. (Isa itong lumang paupahan na hinati-hati sa maliliit na kwarto na pang-isahan lang) Pagbukas ko ng pinto ng dorm, tumunog ang aking cellphone. Text message… ganitong oras, sino naman magti-text sa kin? Not unless emergency sa pamilya. 

Nang buksan ko ang message galing ito sa isang Unknown number… at isang quotable quotes ang laman… 

“If you do not stand firm in your faith, you will not stand at all.” Isaiah 7:9b Believe until your belief system can produce something you need in this life. 

Habang binabasa ko ito, alam ko na may tao sa likod ko, yong parang nakikibasa sa binabasa mo, na nakatayo sa iyong likuran. Ramdam ko ang mainit na hininga nito na dumadampi sa aking batok. Dagli akong nagbaling ng tingin ngunit wala akong nakitang tao maliban sa bukas na pinto ng aking kwarto. Sumilip ako sa labas ngunit wala akong inabutan ni isang nilalang sa labas ng dorm. Marahan kong isinara ang pinto at napasandal. Ang dami ng nangyari sa kin mula pa kanina sa 44th Floor. Iwinaksi ko ang isiping nadala ko hanggang dito sa dorm ang kakaibang karanasan ko doon. 

4:30 am… 

Habang nakahiga sa pang isahang kama na gawa sa kahoy na nilagyan ng foam, bumabalik-balik sa aking gunita ang mga nangyari kanina… ang opisina namin, ang bote ng mineral water, ang bata at ang matanda… ang elevator… ang taxi na sinakyan ko kanina… paulit-ulit, pabalik-balik… hanggang para akong ihinuhulog sa malalim na balon na walang katapusan…. 

Present time… 

Brrrrrrr! Brrrrrr! Brrrrrrrr! 

Naputol ang aking pagbabalik ala-ala sa mga nangyari sa kin sa 44th Floor dahil sa tunog ng drill machine na bumubutas sa kalsada. Nakatalikod ang mamang ito ngunit parang pamilyar sa kin ang kanyang pigura. Ang uniporme ng mama na may tatak na “Maintenance”. 

Dahil sa mali-late na ko pagpasok sa office, ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng may pagmamadali. Sa kasamaang palad, nabunggo ako ng isang bata na aking kasalubong. Napakapit sya sa aking pantalon para di madapa sabay takbo ng bata… hahabulin ko sana ngunit mabilis itong nakalayo… nakita ko na lang na lumapit ito sa mamang nagbubutas ng kalsada at naupo sa gilid ng bangketa. Pamilyar na naman ang scenario na ito, sa isip-isip ko. Wala na kong panahon, kaya nagmamadali na kong naglakad muli ng mapansin kong may dumi ang aking pantalon… shucks! Papagpagan ko na sana ngunit napansin ko na malinaw na nakabakat ang kamay ng batang aking nakabungguan kani-kanina lang… “de ja vu” ba ito? Wag naman sana… 

Sa wakas, narating ko rin ang lumang building kung saan ako nagta-trabaho. Pag-pasok ko pa lang, hinarang na ako ni Manong guard. 

Boss, saang floor ka? Sa 44th Floor Manong, bago ba kayo dito? ang aking inis na sagot dahil late na nga ako. 

Pasensya na pero kailangan ko ang ID nyo. Pakisabit na lang or else mag-log-in kayo sa lobby. Pag mamalasin ka nga naman. Hindi ko makita ang aking ID… di ko matandaan kung nakalimutan ko sa dorm. 

Wala akong nagawa kundi ang makipila sa linya ng mga bisita ng building at kumuha ng visitor’s pass. “Bryan Travis E. Meneses!” Ang malakas na pagbasa sa pangalan ko ng babae sa counter. 

Ganda ng pangalan nyo Sir, pang artista! Ang pambobola pa na wika nito sa kin, ngunit di ko pinansin. Wala akong panahon makipag kwentuhan dahil sa late na nga ako. Narinig ko pa na bumulong ang babae “ Cute nga suplado naman” 

Pagkatapos kong mag-log, bumulaga naman sa kin ang mahabang pila, Anak ng teteng! Not now! Nasa harapan ko ang mahabang pila sa elevator. Maluluma ang pila sa sinehan kung saan ang bida ay si John Lloyd Cruz. Patay ako nito… ang dami ko nang backlogs at halos tambak na ang mga design requirements na kailangan kong tapusin. Punong-puno ang cork board ko ng mga notes at reminders na patong-patong na sa dami. Hayy… ngayon pa natraffic sa elevator. 

Dumarami na ang mga naririnig kong reklamo at deretsahang panlalait sa building management. Umiinit na ang ulo ng mga nakapila, idag-dag pa ang init ng panahon na di kinaya ng lumang aircon. 

What to do? Eh di maghintay… at habang nasa pila, inilabas ko ang aking ipod para makinig ng mga bagong download ko na music. Putakte naman, di ko mahagilap sa aking bag ang headset. What to do again? Maghintay uli… Eh kung mag hagdanan ka kaya? Suhestiyon ko sa sarili ko… 44th Floor yon! Ok ka lang? Heto na nman ang pagkausap ko sa sarili ko… maya-maya nakuha ang atensyon ko ng dalawang empleyadong nagku-kwentuhan sa aking harapan. 

E1: Hay naku… malamang iisa na naman ang gumaganang elevator ngayon kaya ang haba ng pila… 

E2: Sinabi mo pa, at dinig ko kanina eh may natrap na naman sa elevator kaninang madaling araw. 

E1: Na naman? Madalas mangyari yan… luma na kasi… tapos tayo namang mga tenants ng building mag-sa-suffer, bakit di kaya ipaayos? 

E2: Ewan ko lang ha, pero marami akong naririnig na usap-usapan. Kahit ako ramdam ko rin na may kakaiba sa building na ito. 

E1: Wag ka ngang nagpapaniwala sa mga kwentong barbero… di totoo yan… 

E2: Hindi, marami ang nagpapatunay. Madalas daw na nangyayari sa madaling araw. Itanong mo sa mga taga call center sa 46th Floor. Halos ayaw na nila bumaba at gumamit ng elevator between 3am at 4am, panigurado daw may kakaibang mangyayari… 

E1: Ano naman daw yon? 

E2: Sus, kunyari ka pa, interesado ka rin pala malaman kwento no? Ganito yon, nag-umpisa daw ang lahat simula nong nakaraang lingo… 

E1: ano nga? Ituloy mo na… anong nangyari nong nakaraang lingo? 

E2: Ang hina mo naman sa balita. Yong nawawalang empleyado apat na buwan na nakaraan na hanggang ngayon missing in action pa rin. I mean di parin nakikita hanggang ngayon. Pinaghahanap pa rin ng pamilya nya. Wala namang trace na dinukot o piñatay… parang naglaho na lang na parang bula. 

E1: Tapos? Anong kinalaman non sa mga kababalaghan nagaganap dito sa building? 

E2: Ayon sa mga pang-gabi na nagta-trabaho dito, nakita nila yong nawawalang employee dito mismo sa building, ang kaso dagli ring nawawala. Nagsimula daw yon nong nakaraang lingo lang. At madalas daw huminto sa 31st floor ang mga elevators. Eh alam naman nating lahat na walang tenants doon at ang dilim dilim ng floor na yon. Para ka daw hinahatak paloob pag naabutan mong huminto doon ang elevator. 

E1: eh anong meron sa 31st floor?Humihinto lang naman eh baka nagkataon lang. 

E2: Ito yong catch doon eh, madalas daw makita doon yong nawawalang empleyado dito. Ang sabi nga ng ilan, baka patay na raw yon at nag-mu-multo dito sa building pero ayaw paniwalaan ng pamilya. 

E1: Ewan ko lang, hanggat di ko nararanasan, di pa rin ako maniniwala 

E2: Bahala ka, just in case lang na makasalubong mo yon ditto… ayun yong ID nya sa bulletin board ng lobby… isinabit don ng taga admin… para makilala mo hehe 

E1: ayoko nga.. di bale na lang… 

E2: Weh! Takot ka lang eh hahaha 

At nagsimula ng umandar ang pila… 

Hindi lang pala ako ang nakakaranas ng kakaiba sa building na ito. At least hindi ako nag-iisa at hindi ako nasisiraan ng bait. Maya-maya lang ay unti-unti ng nauubos tao sa pila dahil dalawa na ang umaandar na elevator. Saktong sa kin naputol ang linya… ngayon nasa harap ako ng tatlong elevator. Isa ang nakabukas, ang gitnang elevator at inaayos ng technician… Sa mga kalat sa loob, natuon ang pansin ko sa ID na nasa lapag… na curious ako na lumapit. Baka ito yong ID na pinag-uusapan nong dalawa kanina. 

Dahan-dahan akong pumasok ng di namamalayan ng technician na busy sa pagkalikot sa mga buttons ng elevator. Pinulot ko ang ID at binasa ang nakasulat dito… 

“Bryan Travis E. Meneses” 

Nagulat ako ng biglang magsara ang pinto ng elevator… at naramdaman ko na lang na umaakyat na kami… nilingon ko ang technician na nag-aayos… nakatalikod sa kin at noon ko lang napagmasdan ang suot nitong overall… may tatak na “Maintenance”…. na naman???

Muli akong naalarma… napasiksik sa kabilang sulok ng elevator palayo sa mamang kasama ko ngayon… 

Dahan-dahang lumingon sa king kinatatayuan at nasilayan ko ang mukha ng matandang hapis na hapis at malalim ang matang nakatitig sa kin… 

Ngumiti ang matanda… Isang pilit na ngiti at nagsalita… 

44TH FLOOR???

*wakas*

Ako Si Bryan... empleyado sa 44th Floor... Ikaw, saang Floor ka?

12 comments:

  1. Deym! Mahusay! Sobrang galeng mo idol tindig ang balahibo ko kasabay ng pagkasabik at pagkadala habang binabasa ko ang bawat salita, tila ayaw ko ng kumurap o lumunok man lang kanina, grabe totoo. Worth the wait kahit nabitin nung una hehe.

    Winning piece to! Standing ovation ako, pumapalakpak at nagpupugay para sayo!

    Suggestion ko, gawa ka pa ng maraming kahanga-hangang akda tulad nito, isang koleksyon tapos ipalathala mo dahil isa ako sa bibili ng libro mo, deal? hehe. for sure kahit magfull time ka ng magblog kikita ka talaga, congrats!

    ReplyDelete
  2. grabe ah! though medyo napredict ko na yung ending dahil dun sa usapan ng 2 empleyado pero hanga pa rin ako! kinilabutan ako. kaya ayoko'ng magbasa ng mga nakakatakot na storya eh. kaso ikaw ang nagsulat kaya no-choice hahaha. Thumbs up!

    ReplyDelete
  3. hala ka... bakit ganun... medyo scary ang last part.... gusto yung part na parang paranoid na siya sa taxi...
    tas yung usapan ng mga chismosa habang naghihintay hahaha..
    akala ko naman real na to...
    pude ka na parang horror writer eh...
    galing!!

    ReplyDelete
  4. ayos a! Ganda ng name mo jan. Haha.

    ReplyDelete
  5. @Gracie, salamat naman at pasensya sa pambibitin haha... di naman po ako writer, feeling writer lang haha at kung sakali mang mawalan ako ng trabaho, for sure dito ang tambayan ko at for sure din di ka na mabibitin non, dahil maya't maya ang posting haha... Ikaw ang magsasawa...

    @Bino, Hahaha, dahil sayo kaya napilitan akong tapusin to... ang galing mong mang persuade Sir, Idol! Salamat po ng marami...

    @AXL, mas maganda short story mo na entry sa bagsik ng panitik, horror din yon di ba? Yong Timawa! Yaiks!!

    @ Gerard... mahal kong pamangkin... mag-follow ka na sa blog ko or else di na kita bibilhan ng mga gusto mo hahaha... nanakot? Yan pa rin ba yong ginawa nating blog mo?

    ReplyDelete
  6. @Theo... No More! No More! hahaha Thank u sa pagtitiyagang magbasa

    ReplyDelete
  7. Yey, natapos din ang horror series (haha, tuwang-tuwa dahil matatakutin much, at least di na ko matatakot mag-open ng blog mo *wink* hehe) na pinakahihintay ng lahat. Magaling...magaling!! pero pwede no more na...haha, jowk lang po. :D

    ReplyDelete
  8. @Tal.. Wala ng ganon, not unless may magparamdam uli haha...

    ReplyDelete
  9. Gusto ko kitang ihagis sa bubong sa twist. Buti may conversation yung dalawang empleyado kaya hindi ako masyadong nagulat. Ito lang ang kwentong horror na hindi ako matakot. Matapang na ako hehehe. Kainis hindi ko agad nabasa. More pa. more more....

    ReplyDelete
  10. grabe ang galing ng pagkakwento mo kuya Mar! walang humpay sa pagtayo ang mga balahibo ko..naku matutulog pa naman na ko wish ko lang makatulog ako...

    ReplyDelete
  11. Ang galing nito. May twist! clap clap! Wala akong masabi kundi maganda. Ngayon ay makakatulog nako. hehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...