Tuesday, May 1, 2012

44th Floor... E3


“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.”




My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”

Warning: This story is not for the faint-hearted.


3:00 am…

44???

Marahan akong sumilip sa lobby ng floor… naghanap ako ng palatandaan na nasa 44th Floor nga ako…. Ngunit wala ni isa mang palatandaan, sigurado ako na hindi ito ang 44th Floor kung saan ang opisina namin… 

Tumingin uli ako sa floor indicator, 44 pa rin ang naka-ilaw! Hindi ako maaring magkamali, 5 years na akong akyat baba sa floor na ito… panigurado sira ang electrical wirings ng electronic indicator nito. Sinubukan ko uling pindutin ang closed button ng elevator pero wala pa rin… Kung lalabas naman ako at lilipat ng elevator, baka mas delikado, ang dilim sa floor na ito… kung anong level? Yan ang di ako sigurado…

Pinagpipindot ko na lang ng salitan ang closed at open button, baka sakaling nag jam lang… pero di natitinag ang pinto ng elevator. Doon ko na pinindot ang alarm button para sa guard sa lobby… pumailanlang ang tunog ng built-in alarm sa loob at labas ng elevator… 

Binasag nito ang katahimikan ng paligid… lumikha ito ng ingay na gumising sa aking kawalan ng pag-asa. Sa wakas, maririnig na ko sa baba!!! 

Inulit kong muli ang pagpindot sa alarm… sunod-sunod na pindot ang ginawa ko… hindi ko tinigilan ang alarm button, halos bumaon na ito sa ginagawa kong marahas na pagdiin dito. Tila nagbunga ang aking pagtitiyaga… gumalaw ang pinto ng elevator! May kalakasan itong sumara na nagging dahilan ng pag alimbukay ng alikabok sa loob ng elevator. At naging dahilan din na may mahigop na hangin paloob… nagkaroon ng tila maliit na ipu-ipung namuo dahil sa hangin at alikabok… Nalanghap ko ang amoy ng pinagsamang alikabok at hangin na parang galing sa loob ng lumang baul. Lumang baul? O mas tamang ikumpara sa amoy ng asupre! Napatakip ako ng ilong sa masang-sang na amoy na kumalat sa maliit na sulok ng elevator. 

Time Check… Pasado alas tres na ng madaling araw… ito kaya ang sinasabi ni manong guard na huwag magpapa-abot ng alas tres ng madaling araw dahil under maintenance ito? Patay na… ayoko makulong dito ng ilang oras…

Kapansin-pansin ang di paghinto ng maliit na ipu-ipong namuo dahil sa pagsara ng pinto… patuloy itong umiikot at tila nilalaro ang alikabok na humalo sa hangin. Sumagi sa isip ko ang nakita kong bote ng mineral water sa loob ng CR… ganitong-ganito yon... ito rin ang pakiramdam ko ng makita ko ang pag-ikot nito sa ibabaw ng lababo. Hindi kaya???

3:30am… 

Wala akong sinayang na sandali… alam kong pasado alas tres na at di ako dapat magtagal dito. Kahit nagsara na ang pinto ay di pa rin bumababa ang elevator… at ang floor indicator ay nanatiling nasa 44… 

Muli kong pinindot ang alarm… mas malakas ang naging pagtunog nito dahil sa sarado at kulob na ang elevator… wala pa ring nakakarinig sa kin sa baba… paulit-ulit kong pinatunog ang alarm hanggang sa mapansin kong wala na ang ipo-ipo at ang mga alikabok ay nasa lapag na lamang. 

Napahinto ako sa aking ginagawa… ngayon, wala na ang palatandaan ng naglalarong hangin sa loob… Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil naubos na rin ang masangsang na amoy… 

Isa na lang ang problema ko, ang marinig sa lobby ang alarm at ng makaalis na ko dito. 

Akmang hahawakan ko na uli ang alarm ng may kakaibang nangyayari sa pinto ng elevator… A portion of the stainless door is blurred as big as a tennis ball. Yon bang parang may mainit na hininga na ibinubuga sa parteng iyon ng pinto at naging sanhi upang magkaroon ng tila paglabo ng stainless door. Hinanap ko kung saan galing ang hangin… ngunit wala… palatandaan ang alikabok na di natitinag sa flooring ng elevator… 

Marahan kong itinapat ang aking kamay sa bahaging iyon ng pinto ngunit saglit lang din dahil hindi ko na naituloy ang dapat kong gawin… napaatras at napasiksik ako sa maliit na sulok dahil sa aking nasaksihan... 

Kitang-kita ko sa malabong repleksyon ng stainless finish ng pinto ang matandang naglilinis ng bintana… parehong suot, ang kupas na overall na faded dark blue at panloob na naninilaw na puting t-shirt, may punit at buta-butas at ang halos maburang tatak… M A I N T E N A N C E… hawak nya sa kanyang kaliwang kamay ay panglinis ng bintana at sa kanang kamay (maniniwala ka ba?)… akay nya ang batang nakita ko sa loob ng opisina namin… larawan ng pasaherong nag-aantay ng pag-bukas ng pinto… 

Dagli akong napalingon sa gawing likuran, ngunit sariling replekson ko ang nakita ko sa salaming bahagi ng elevator… 

Hindi ako makakilos sa aking kinalalagyan… unti-unting nagbagsakan ang butil-butil na pawis sa aking mukha… nag-uunahan… di ko alam ang aking gagawin… nanatiling nakadilat ang aking mata… ayaw kong pumikit! Ano man ang mangyari, gusto kong makita kung ano man ang susunod na magaganap… at least dilat ako at ma-anticipate ko kung ano man ang maaaring gawin ng kasama ko sa loob ng elevator na ito. 

Ngunit alam ko na di ako makakatagal... unti-unti na kong nakakaramdam ng paninikip ng aking paghinga... pinag halo-halong pressure, kaba, takot at pagod.... alam ko, susumpungin na naman ako... Lord, not now! Ang nausal ko ng pabulong... ngunit para sa kin, isa itong napakalakas na sigaw... sa ganitong isolated na lugar, madalas akong sumpungin ng aking hika... 

Kinapa ko sa messenger bag ang aking inhaler... wala! Nagpanic na ko ng tuluyan... malamang naiwan ko sa table ko sa aking pagmamadali... wala na kong magawa hanggang sa nanghihinang napaupo ako sa aking kinalalagyan... Sa aking natitirang lakas, pinindot kong muli ang alarm... paulit-ulit... walang tigil... hanggang sa maramdaman kong umalog ang elevator... at kasunod noon ay ang dahan-dahang pagbaba nito...

Kinakapos na ko ng paghinga, at sa huling sandali bago ako mawalan ng malay at bago tuluyang pumikit ang aking mata, nakita ko pa rin ang matanda at ang batang magkahawak kamay... naghihintay... 

Naghihintay sa paghinto ng Elevator... Naghihintay sa akin... Naghihintay sayo... sa may lobby, sa muling pagbukas ng pintuan ng Elevator...

4:00 am...

17 comments:

  1. patay na nga kaya talaga ung maintenance at ung bata at multo na lamang talaga sila? , bakit sa 44th floor nagaganap ang mga di maipaliwanag ng siyensya gayo'ng kadalasan ay sa 13th floor ito nangyayari.

    ReplyDelete
  2. @ Bino... abangan ang huling kabanata... promise... last na yong susunod!

    ReplyDelete
  3. Nanindig naman balahibo kong kakaunti sa maintenance at batang naghihintay ng pagbukas ng elevator. Parang nai-imagine ko kasi eh.

    Kelan ang huling installment? Bilis!

    ReplyDelete
  4. so ibigsabihin nito may last part pa anuver! akala ko last na to... kaya pala ganun... anu ba yung gusali hinyo dati? bakit may ganyan..

    ReplyDelete
  5. totoo ba talaga yan, katakot naman.Naninindig yong balahobo ko habang bumabasa sa post mo at around 10 ng gabi..huhuhuhu

    ReplyDelete
  6. hongtagal nemen ng susunod na kabanata! hehe

    :))

    ReplyDelete
  7. Huwat?! Vuket?! Aw sorry akala ko na kay idol Mac ako haha. In firmary, di ako natakot, well.. nabitin lang. Sige bitinin mo pa kami, puntahan ka namin sa 44th floor ng makapagwelga.

    ReplyDelete
  8. @Sey, lakas pala imagination mo, ayan na yata sa elevator nyo hehe

    @@AXL, ewan ko dito sa gusali na to , bakit may ganito...

    @Mhie, ok lang yang 10 ng gabi wag lang 3am hehe

    @Leah, yup horror hehe

    @TR.. wait lang master hehe

    @Gracie, nakakatuwa naman lenguahe mo, saan ba natututunan yan?

    ReplyDelete
  9. time check 1:08am grabe naman dapat umaga ko to binasa. katakot kinilabutan ako.

    ReplyDelete
  10. 1:32 AM
    ilang oras bago mag alas tres kahit walang elevator dito sa bahay at mas lalong walang 44th floor mukhang nagdadalawang isip akong lumabas ng kwarto.

    ReplyDelete
  11. @superjaid... Sa gabi talaga dapat binabasa to hehe

    @Inong... Labas ka daw... May bisita ka from 44th Floor!

    ReplyDelete
  12. Kala ko hanggang epi 2 lng to. yun meron pa pala. katakot ah. binuksan ko na ang ilaw. whahaha :P

    ReplyDelete
  13. ..... anong bat may ganyan? haha demanding tong ithdang to. hahaha!


    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha sinong tinutukoy mo? hahaha Galit ka? haha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...