Sunday, May 20, 2012

1000DC

1000DC... yan ang pangalan ng digital camera na gamit ko. I bought it in Dubai, UAE year 2009. The first gadget I owned. What leads me to buy this not so slick type of Point and shoot Digital Camera? Eto po ang kwento:

Without any idea kung anong bibilhin ko that time, masasabi kong lost ako. Ang dala ko lang is the urge and determination  to buy a camera of my own and the money of course. But when I arrived at the store, mas lalo akong naguluhan sa dami ng pagpipilian. Iba't-ibang brand ng camera ang tumambad sa kin doon. What the heck! Kung sa gadget lang din, Dubai is a haven.  

Like most of us will do... Pinoy style... iko't-ikot muna, tingin-tingin. Tinatandaan ang price difference at brand. At the back of my mind... I was doing a comparison. Pero di rin nagtagal kasi sa dami, wala na kong matandaan. Since wala naman akong alam sa mga brands ng camera, I settled for the most popular or should I say common brand? Sony lang ang alam ko at madalas kong makita sa iba. 

So nag settle ako sa booth ng Sony Cyber-shot. Tingin-tingin uli at talaga namang ang daming pagpipilian. From slim to conventional type na design. Again di ko pa rin alam ang bibilhin ko. Buti na lang si kabayan, which I will commend for his being a good salesperson give me some scenario. And it helps kung ano ba talaga ang suited na gadget para sa kin.

Tinanong nya ako ano daw ang preferences ko, like gusto ko daw ba eh slim type sony cybershot which is in or would I rather go for a package loaded with better features pero hindi maganda ang housing. Gusto ko sana eh both options pero sa mundong ito, you can't have it all. Darating sa punto na you have to choose between beauty and functions. At pag andon ka na sa oras ng pamimili, kailangan mong timbangin kung ano ang mas mahalaga. 

At syempre alam nyo na kung anong pinili ko... FUNCTIONS (with emphasis)!  Then he showed me the actual product. Believe me, It was not love at first sight! Nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko ba, kasi sa tingin ko parang lumang style na. But when he showed me the functionality, I was carried away. Kasi, malay ko ba kung anong pinagsasabi nya. I will not go into details of describing this gadget called Sony Cyber-Shot DSC W270. (paki google na lang hehe).

Me and my partner in crime... the one responsible for more than a hundred photo albums in my facebook  at dito sa UNPLOG

I'm not blogging about this little fella because I want to dispatch it, rather I'm writing about it dahil sa natutunan ko.

1. Hindi lahat ng maganda sa paningin ay functional. Kailangan mong kilalanin in the deeper sense, any tools or items na gusto mo. Hindi puro panglabas lang tinitingnan. Kaya ang nangyayari superficial lamang at hindi nakikilala ng husto. Don't stop on the outside appearance, go farther than that. Magtanong sa expert para sigurado.

2. Functions come first. Secondary na lang dapat yong aesthetic. Pero kung makakahanap ka na present pareho ang mga qualities na ito, jackpot ka bro. Para kang nakadali ng "beauty & brain".

3. Gadget is just a gadget. In this case a camera... it will not produce good quality photos alone, without a steady hands that will hold it and eyes that will see the right angle of its subject. Ang ibig kung sabihin, nasa humawak yan at sa nagdadala, at kailangang pagtrabahuhan at pag-aralan. And gadget ay isang instrumento lamang. Parang bola ng basketball, may kaibahan kung si Michael Jordan ang nagdadala compared sa iba. Pero kung tutuusin, parehong bola lang naman yan! Gets?

4.  Extra care ang kailangan para magtagal. Mahalin ang mga gadgets mo. Alalahanin mong mahirap kumita ng pera para pambili ng mga ito. Kung magpapahiram ka, make sure iingatan nong hihiram, the same way ng pag-iingat mo.

5. Expect that when you buy a gadget, you will need other accessories to dress it up, protect it, enhance it and restore it. Asahan na ang budget mo ay mag expand, hindi man ngayon, maybe in the near future.


Kaya naman para sayo 1000DC, ikaw pa rin ang una sa puso ko... kahit may kapalit este kapatid ka na!

22 comments:

  1. Cool tips! =) may kasamang aral ng buhay! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Sir Bon, ikaw ang expert sa gadget eh hehehe

      Delete
  2. Ipa-raffle na si 1000DC, may D90 na eh, hehe!!! pero para mas ok, bigay mo na lang sa 'kin, hahaaha!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... para wala yata sa mga tips ko ang ipamigay ang gadget haha

      Delete
    2. Eh di idagdag sa tips, kaya nga may edit si blogger eh, haha!!

      Delete
    3. ayaw ma edit eh... nagloloko yata si blogger haha!

      Delete
  3. ayos ang layout!

    anyway,

    astig din ng post! pero mukhang may bago ka ng gadget ngayon ;D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehemm!! Ako lang ba ang may bagong gadget??? haha

      Delete
  4. very nice tips. Kadalasan ako nabubulag sa panlabas ng gadgets. I'm not a gadget person. Siguro dahil girl ako mas gusto ko ang mukang cute, but usually pag uwi ko ang dami pa lang kulang sa functions. so natuto na din ako. :) Tsaka I totally agree sa part na nasalalay pa din sa gumagamit ang quality ng picture (pag camera ang pinag-uusapan). sadly wala ako ng eye for photography.. hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Mayen... meron kang eye for photography... ang gaganda ng shots mo eh

      Delete
  5. tumpak sa tips.. lalo na sa Functions come first nadali mo yun..

    OT, ang linis na ang bahy mo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malinis ba AXL, kasi puti ang background haha

      Delete
  6. iba na nga layout ng unplog. Ayos ang mga tips. Makakapagpahinga na rin si Mr.1000DC haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagseselos na nga si 1000DC sa bago nyang kapatid haha... on the other hand, tama ka, medyo mababawasan activity nya haha

      Delete
  7. Para namang naiiyak ka s picture mo, hehehe. Ano pangalan ng kapatid ni 1000DC. Ako matagal din akong mamili ng bibilhin ko. Kasi pag bumili naman ako pangmatagalan. Kahit sabihin kong ipa-raffle mo na si 1000Dc labag naman sa loob mo yun kasi for sure mahal na mahal mo pa rin siya. Iba pa din kasi yung gadget kung saan una kang natuto diba.

    Ganda nga pala ng bago mong layout. Easy to the eyes sabi nga nila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. teary eyed ba? haha wala pa kong maisip na pangalan ng kapatid ni 1000DC... any suggestion?

      Delete
    2. Sey, echos lang - hehehe. Ano ba pangalan ng kapatid niya? isunod mo na lang dun. Hehehe.

      "Plog" na lang kaya? hango sa blog mo. hehehe.

      Delete
    3. Plog... pwede rin hehe isang option to...

      Delete
  8. mahirap yan, magkakaselosan yang mga gadget mo hehe

    pwede mong iwana yung isa sa panga2laga ko pero yung bago lang ang pwede hahaha

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha... mahusay pumili ng aalagaan!

      Delete
  9. "Extra care ang kailangan para magtagal".

    Tama. Parang pag-ibig yan e, kung magkaka-girlfriend ka dapat bigyan ng kaukulang atensyon at pagkalinga para sa mas matibay na pundasyon ng isang relasyon. Pangmatagalan, panghabambuhay. Hindi porke't luma na, ididispatsa na. Pero kung ito'y may kapalit o may kahati na, siguro'y panahon na para timbangin ang halaga at magpasya..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cheesy!! Naks naman... pero tama ka...hindi porke't luma na eh kailangang idispatsa...

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...