Tuesday, May 22, 2012

Let there be light!

Working with a lighting specialist always fascinates me. Yon bang malaman mo ang ibat-ibang uri ng ilaw meron ngayon... iba-ibang kulay, effects at purpose na makikita sa market ngayon. May nakatrabaho na ko na lighting specialist sa mga stage, musicals and concerts (theatrical lighting), meron naman na roads, buildings, landscapes and home lighting. Lahat sila iisa ang layunin, ang makapagbigay ng liwanag at saya. 

 Katulad ng mga ilaw na ito na nakapagbigay liwanag at saya sa akin:

1. Sound activated light. Para akong bata na sinusubukan ito. Palakpak lang magbabago na kulay nitong ilaw na ito. Minsan pag napadaan ako kung saan naka install itong ilaw, kakanta ako ng malakas. Lakas lang ng trip ko... Ang tuwa ko lang! 

2. Rope Light. Naalala ko pa, (di ko lang mahanap ang photo) may nilagyan akong worker sa Casa nitong ilaw na ito, nagmukha syang kalaban ni Iron Man sa Iron Man 2. (Pinaglaruan daw ba hehe)

3. Robo Light. Ito yong mga ilaw na gumagalaw... DMX controlled light. Pwedeng synchronized with sounds. Madalas mong makita ito sa mga concert stage lighting. Sa Casa project namin, nakatuwaan ko lang na gamitin ang isang OPM song habang tina-try namin ang isang Robo lighting... everyone in the room looked at me na parang nagtatanong kung anong klaseng kanta ba yon... patay malisya lang, bakit ba... Pinoy ako eh!  

At ang ganda ng mga ilaw na ito ay higit na lumulutang pagsapit ng dilim...

Light and darkness... lagi silang magkasama... they compliment each other. Without darkness, you cannot appreciate light. And the absence of one another, the other becomes meaningless. 

Ito ang pakaka balanse ng buhay. Laging may katapat ang bawat bagay dito sa mundo... kung papaanong merong puti at itim, gabi at umaga, langit at lupa. Ang lahat ng ito ay ginawa upang balansehin ang mundong ating ginagalawan. 


Dilim at liwanag... isang pagsasalarawan...

Iilawan kita... maubusan ka man ng liwanag, hayaan mong magsilbing ako ang iyong gabay.


Ilaw na ligaw... sa kawalan at kadiliman, ang isang munting liwanag ay napakahalaga. 

Ilaw ng pagbabago...  hayaang maranasan ito.

Sa paglubog ng araw...  Dilim ang maghahari... magtatago ang araw upang magbigay daan sa gabi... ngunit asahan ang muling pagsikat nito.... isang cycle na naman ang dumaan!

Lampara... 

At para sa mga nangangapa sa dilim... hindi habang panahon ay hatinggabi... asahan mong...

 "May Liwanag ang buhay."

Sunday, May 20, 2012

1000DC

1000DC... yan ang pangalan ng digital camera na gamit ko. I bought it in Dubai, UAE year 2009. The first gadget I owned. What leads me to buy this not so slick type of Point and shoot Digital Camera? Eto po ang kwento:

Without any idea kung anong bibilhin ko that time, masasabi kong lost ako. Ang dala ko lang is the urge and determination  to buy a camera of my own and the money of course. But when I arrived at the store, mas lalo akong naguluhan sa dami ng pagpipilian. Iba't-ibang brand ng camera ang tumambad sa kin doon. What the heck! Kung sa gadget lang din, Dubai is a haven.  

Like most of us will do... Pinoy style... iko't-ikot muna, tingin-tingin. Tinatandaan ang price difference at brand. At the back of my mind... I was doing a comparison. Pero di rin nagtagal kasi sa dami, wala na kong matandaan. Since wala naman akong alam sa mga brands ng camera, I settled for the most popular or should I say common brand? Sony lang ang alam ko at madalas kong makita sa iba. 

So nag settle ako sa booth ng Sony Cyber-shot. Tingin-tingin uli at talaga namang ang daming pagpipilian. From slim to conventional type na design. Again di ko pa rin alam ang bibilhin ko. Buti na lang si kabayan, which I will commend for his being a good salesperson give me some scenario. And it helps kung ano ba talaga ang suited na gadget para sa kin.

Tinanong nya ako ano daw ang preferences ko, like gusto ko daw ba eh slim type sony cybershot which is in or would I rather go for a package loaded with better features pero hindi maganda ang housing. Gusto ko sana eh both options pero sa mundong ito, you can't have it all. Darating sa punto na you have to choose between beauty and functions. At pag andon ka na sa oras ng pamimili, kailangan mong timbangin kung ano ang mas mahalaga. 

At syempre alam nyo na kung anong pinili ko... FUNCTIONS (with emphasis)!  Then he showed me the actual product. Believe me, It was not love at first sight! Nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko ba, kasi sa tingin ko parang lumang style na. But when he showed me the functionality, I was carried away. Kasi, malay ko ba kung anong pinagsasabi nya. I will not go into details of describing this gadget called Sony Cyber-Shot DSC W270. (paki google na lang hehe).

Me and my partner in crime... the one responsible for more than a hundred photo albums in my facebook  at dito sa UNPLOG

I'm not blogging about this little fella because I want to dispatch it, rather I'm writing about it dahil sa natutunan ko.

1. Hindi lahat ng maganda sa paningin ay functional. Kailangan mong kilalanin in the deeper sense, any tools or items na gusto mo. Hindi puro panglabas lang tinitingnan. Kaya ang nangyayari superficial lamang at hindi nakikilala ng husto. Don't stop on the outside appearance, go farther than that. Magtanong sa expert para sigurado.

2. Functions come first. Secondary na lang dapat yong aesthetic. Pero kung makakahanap ka na present pareho ang mga qualities na ito, jackpot ka bro. Para kang nakadali ng "beauty & brain".

3. Gadget is just a gadget. In this case a camera... it will not produce good quality photos alone, without a steady hands that will hold it and eyes that will see the right angle of its subject. Ang ibig kung sabihin, nasa humawak yan at sa nagdadala, at kailangang pagtrabahuhan at pag-aralan. And gadget ay isang instrumento lamang. Parang bola ng basketball, may kaibahan kung si Michael Jordan ang nagdadala compared sa iba. Pero kung tutuusin, parehong bola lang naman yan! Gets?

4.  Extra care ang kailangan para magtagal. Mahalin ang mga gadgets mo. Alalahanin mong mahirap kumita ng pera para pambili ng mga ito. Kung magpapahiram ka, make sure iingatan nong hihiram, the same way ng pag-iingat mo.

5. Expect that when you buy a gadget, you will need other accessories to dress it up, protect it, enhance it and restore it. Asahan na ang budget mo ay mag expand, hindi man ngayon, maybe in the near future.


Kaya naman para sayo 1000DC, ikaw pa rin ang una sa puso ko... kahit may kapalit este kapatid ka na!

Wednesday, May 16, 2012

Kwentong Elevator!


Dahil sa may hang-over pa ko ng 44th Floor, I decided to post these collections... Don't worry, hindi ito paranormal activities. Hindi naman puro katatakutan ang nagaganap sa building na ito. Meron din naman na nakakatacute at nakakatuwang pangyayari na aking naranasan. I'm sure most of us eh may nakakatawa, at nakakaasar na karanasan sa mga elevators. 

At hindi lang yan...Since usong-uso ngayon ang magbilang, like 20 things I like about you, 13 places I want to  visit, etc... eto naman ang version ko:


Para sa mga magtatanong kung bakit hagdan ang photo na ginamit ko eh wentong elevator to, ganyan po talaga ang buhay, minsan contrast ang nakikita mo sa totoong nangyayari. kaya hayaan nyo na... Contrast is good to balance the normal... ano daw?
7 Epic Experiences inside the elevator (and counting):

1. Habang papasara ang pinto ng elevator, nakita ko na naman ang matanda at ang bata na naghihin... teka, teka, sabi nang hindi ito paranormal story eh! Kulit!

Sorry po.. ito na talaga...

1. Isa ito sa mga araw na hindi pila ang pagsakay sa elevator... hay salamat hindi siksikan. At, in fairness, gumagana lahat ng elevators. Apat kaming naghihintay, so pagbukas ng pinto ng elevator, wala lang, easy-easy lang kaming pumwesto sa loob. Since 44th Floor ako, sa bandang likod ako puwesto... habang dahan-dahang sumasara ang elevator... eto na si ate, humahangos, nagmamadali at gustong makaaabot sa elevator na sinakyan namin... 

PARA! PARA! Sasakay ako! Nagkatinginan ang dalawa pang sakay ng elevator sa aking harapan at nagtawanan... parang jeep lang ah!

Ano nga ba dapat? Stop, tigil, hinto? You tell me! 

Ayan nagtaray tuloy si ate... tsk, tsk!

2. May araw (o madalas) na isa lang gumaganang elevator, at during this time pag gusto mong bumaba, mag-aantay ka ng siyam-siyam. Ang ginagawa kasi ng mga nasa lower floor... sasakay na agad kahit going up pa ang elevator. So sa mga kagaya kong nasa 44th Floor or higher floor, di na makakasakay kasi puno na agad ng mga taga baba. Eh si ako, nakigaya... kahit paakyat pa, sumakay na ko kasi kasya pa isa... pagdating ng 46th Floor, pagbukas pa lang ng pinto ang dami ng tao na naghihintay sa elevator para bumaba. Hala, si ate nagwawala (hindi ito yong ate sa #1) nagsisigaw at nagmumura...

Mga P*#%^&*) nyo... kayo  na! Kayo na ang may ari ng elevator! G)@#*& kayo.... kayo lang ba may karapatang bumaba! Kanina pa kami dito!!!! 

Tahimik kami lahat... pagsara ng pinto ng elevator! Nagtawanan ang lahat! Kasama ako don, eh nakakatawa itsura nya eh (bad) Maya-maya nakarinig kami uli ng sigaw... si ate narinig pala kaming nagtatawanan.. 

Nagtatawanan pa kayo... T@#$%&(+_)(**&^% nyo!!!

Wala pala pumindot ng Ground Button kaya di pa bumababa elevator... Engot lang?

3. Lunch time, bababa ako para bumili ng food. Dalawang lalaki ang nakasakay ko sa elevator. Nagkukwentuhan sila about floors ng building na ito...

G1: Pre... pansin mo?

G2: Ang alin?

G1: Walang 13th Floor dito no?

G2: Ah oo, wala, bakit?

G1: Meron, ayan oh, (sabay turo sa 31st Floor)

G2: Bakit naman naging 13th Floor yan?

G1: Pagbaliktarin mo yong 3 at 1, di ba 13?

Parang gusto kong ma-ebs sa inis!

4. Peak season sa elevator, kasi siksikan kami sa dami ng sakay. Isang hip and hop passenger na may malaking headset na nakasabit sa leeg (alam ko nai-imagine nyo itsura nito) ang malakas na nakikinig ng music nya... although he was using that huge earphone... naririnig pa rin naman ang kantang pinakikinggan nya sa lakas.  Tapos sinasabayan pa nya ng kanta na akala mo nasa videoke booth sya at nag-iisa... paalala lang... andito kami, halos magkakadikit na mukha... kakanta ka pa?

Elevator to tsong, hindi videoke room... nagkamali ka yata ng pinasukan!

5. One time, isang sosyal na babae nakasabay ko sa elevator. Kami lang dalawa... hanep sa porma pre, executive ang dating... first time ko sya nakita o nakasabay, so malamang bago lang sya sa building na ito. Going down is a long way to go from 44th Floor, kasi hindi naman po bullet elevator namin, pasensya na... Na-bored yata ang babae, kaya kinuha nya cp nya sa bag nyang makinang at nagdial, may kinausap in straight english to the max... I don't know kung anong motibo nya, pero ang pagkaka-alam ko... walang signal sa loob ng elevator namin... yup, ilang taon na kong pasahero nito, ni minsan, di ko pa nagamit cp ko sa loob nito kahit text, call pa kaya?

Show Off? Flaunting? Oo na po, ikaw na magaling mag-english...

6. Maraming tupak ang elevator na ito (totoo naman eh)... at isa na rito yong error sa limit capacity na supposedly naka set. Nakalagay sa specs ng elevator is 11 pax, pero 8 pa lang kayo, mag bu-buzzer na at di sasara ang pinto... ibig sabihin, kailang magbawas ng pasahero. One time, 7 na kami at sa pagbukas sa isang floor... medyo may katabaang mama ang sasakay... halos sabay-sabay kaming nagsalita- "Full Capacity" na po... pero makulit, sumakay pa rin, thinking na maluwag pa naman... and to our surprise, hindi nag buzzer at tuloy-tuloy na bumababa ang elevator...


"Sinungaling kami ganon?"

7. (Hindi man ito totally kwentong elevator, at least sa elevator ito nagsimula) Isang applicant sa office namin ang medyo bagyo ang dating, may taglay na kayabangan na wala naman sa itsura nya. Pagkatapos ng interview nya, nakasabay namin sa elevator at medyo naka-kwentuhan na rin... Bibo ang babaeng ito kaya ang dami namin agad nalaman tungkol sa kanya, galing sya sa US at nagtrabaho don ng ilang taon, nakatira sa mamahaling subdivision sa Quezon City, graduate ng sikat na university dito sa metro, in fact, di na daw nya kailangan mag-work, etc ... at take note! Nasa baba lang daw sasakyan nya with the driver! Eh kami, di makapaniwala... kaya ang ginawa namin, naging stalker kami for a minute there.  Nagtago kami sa kanto ng building in an angle na nakikita pa namin si Ms Mayabski, check agad namin kung may magandang sasakyan na nakapark sa harap ng building wala naman... sa gilid wala rin, ah baka nasa basement parking? May katagalan ng nakatayo sa drop off point si Ms Mayabski,nagpalinga-linga pa, bago sumakay ng jeep...  

Moral Lessons? Teh, nag taxi ka na lang sana... para mas sosyal ng konti ano? Next time ha! Take a cab!

Kayo, may kwentong elevator ba kayo? Share mo naman! At makikinig ako...

Wednesday, May 9, 2012

44th Floor... E4



“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.”
Terence Fisher


My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”

Warning: This story is not for the faint-hearted.

Sa muling pagbukas ng Elevator...

4:00 am…

Ting!

Marahas na bumukas ang pinto ng elevator! Nalanghap ko ang sariwang hangin na pumasok sa loob. Kasunod noon ay ang marahang pagyugyog sa aking balikat… 

Sir! Sir! Gising! Sir! Ok ka lang ba? Tanong ni manong guard na nababahala. 

Ok lang ako manong… Nasaan na po ba akong Floor? 

Andito ka na sa Lobby… Kaya lang medyo natagalan akong buksan ang pinto ng elevator. Narinig ko ang buzzer na walang tigil kaya alam ko may tao sa loob. Ano bang nangyari Sir? Ang may kadaldalang turan nya habang ako’y tinutulungang makatayo mula sa aking kinalalagyan. 

Inalalayan nya ko patungo sa lobby at doon mas lumuwag ang aking paghinga. Mas langhap ko na ang hangin na pumapasok sa nakabukas na pinto ng building. Hindi ko na sinagot si Manong guard sa kanyang tanong. Hindi ako sigurado kung paniniwalaan nya ang aking sasabihin. Pinili ko na lang na magpaalam. 

Kasabay ng pasasalamat ay nag-umpisa na ko sa mabigat na paghakbang palabas ng building. Marahil ay hinang-hina pa ko. Ramdam ko ang bigat ng aking katawan. At sa mabagal na phasing ay narating ko ang main road para mag-abang ng taxi. Usually nilalakad ko lang pauwi ng dorm, pero this time, hindi ko kaya. 

Isang puting taxi ang pumara sa harap ko. Dagli akong sumakay, pagbukas ko ng pinto ng taxi sa lugar katabi ng driver’s seat ay kasabay na bumukas ang pinto sa likod sa may passenger’s seat. Napahinto ako sa pagsakay. Naramdaman ng driver ang aking pag-aalinlangan. Sir sakay na! Medyo mahina po ang lock ng likod na pintuan nitong taxi ko. Pakisara na lang po. 

Ah ganon ba? Saba’y pakawala ng malalim na buntong hininga. Isinara ko ang likod na pinto at saka sumakay katabi ng driver. 

Di ako mapakali habang nilalakbay namin ang daan papuntang dorm. Panay ang lingon ko sa likod. Di ko mawari ngunit parang may ibang sakay sa likod ng taxi ni Manong Driver. Naalala ko ang isang modus operandi ng mga holdaper, na magtatago sa likod ng passenger’s seat at pag may sumakay sa harap eh saka aatake habang umaandar kasabwat ang taxi driver. Mabuti na ang nag-iingat. 

Ngunit sa bawat lingon ko sa likod eh wala naman akong makita. Empty seats ang likuran. Hanggang makarating na ko sa dorm eh wala namang masamang nangyari sa kin aside from the strange look na ibinigay ni Manong driver sa kin na tila sinasabing may sayad ako sa utak. 

Binaybay ko ang maiksing eskinita patungo sa aking kwarto. (Isa itong lumang paupahan na hinati-hati sa maliliit na kwarto na pang-isahan lang) Pagbukas ko ng pinto ng dorm, tumunog ang aking cellphone. Text message… ganitong oras, sino naman magti-text sa kin? Not unless emergency sa pamilya. 

Nang buksan ko ang message galing ito sa isang Unknown number… at isang quotable quotes ang laman… 

“If you do not stand firm in your faith, you will not stand at all.” Isaiah 7:9b Believe until your belief system can produce something you need in this life. 

Habang binabasa ko ito, alam ko na may tao sa likod ko, yong parang nakikibasa sa binabasa mo, na nakatayo sa iyong likuran. Ramdam ko ang mainit na hininga nito na dumadampi sa aking batok. Dagli akong nagbaling ng tingin ngunit wala akong nakitang tao maliban sa bukas na pinto ng aking kwarto. Sumilip ako sa labas ngunit wala akong inabutan ni isang nilalang sa labas ng dorm. Marahan kong isinara ang pinto at napasandal. Ang dami ng nangyari sa kin mula pa kanina sa 44th Floor. Iwinaksi ko ang isiping nadala ko hanggang dito sa dorm ang kakaibang karanasan ko doon. 

4:30 am… 

Habang nakahiga sa pang isahang kama na gawa sa kahoy na nilagyan ng foam, bumabalik-balik sa aking gunita ang mga nangyari kanina… ang opisina namin, ang bote ng mineral water, ang bata at ang matanda… ang elevator… ang taxi na sinakyan ko kanina… paulit-ulit, pabalik-balik… hanggang para akong ihinuhulog sa malalim na balon na walang katapusan…. 

Present time… 

Brrrrrrr! Brrrrrr! Brrrrrrrr! 

Naputol ang aking pagbabalik ala-ala sa mga nangyari sa kin sa 44th Floor dahil sa tunog ng drill machine na bumubutas sa kalsada. Nakatalikod ang mamang ito ngunit parang pamilyar sa kin ang kanyang pigura. Ang uniporme ng mama na may tatak na “Maintenance”. 

Dahil sa mali-late na ko pagpasok sa office, ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad ng may pagmamadali. Sa kasamaang palad, nabunggo ako ng isang bata na aking kasalubong. Napakapit sya sa aking pantalon para di madapa sabay takbo ng bata… hahabulin ko sana ngunit mabilis itong nakalayo… nakita ko na lang na lumapit ito sa mamang nagbubutas ng kalsada at naupo sa gilid ng bangketa. Pamilyar na naman ang scenario na ito, sa isip-isip ko. Wala na kong panahon, kaya nagmamadali na kong naglakad muli ng mapansin kong may dumi ang aking pantalon… shucks! Papagpagan ko na sana ngunit napansin ko na malinaw na nakabakat ang kamay ng batang aking nakabungguan kani-kanina lang… “de ja vu” ba ito? Wag naman sana… 

Sa wakas, narating ko rin ang lumang building kung saan ako nagta-trabaho. Pag-pasok ko pa lang, hinarang na ako ni Manong guard. 

Boss, saang floor ka? Sa 44th Floor Manong, bago ba kayo dito? ang aking inis na sagot dahil late na nga ako. 

Pasensya na pero kailangan ko ang ID nyo. Pakisabit na lang or else mag-log-in kayo sa lobby. Pag mamalasin ka nga naman. Hindi ko makita ang aking ID… di ko matandaan kung nakalimutan ko sa dorm. 

Wala akong nagawa kundi ang makipila sa linya ng mga bisita ng building at kumuha ng visitor’s pass. “Bryan Travis E. Meneses!” Ang malakas na pagbasa sa pangalan ko ng babae sa counter. 

Ganda ng pangalan nyo Sir, pang artista! Ang pambobola pa na wika nito sa kin, ngunit di ko pinansin. Wala akong panahon makipag kwentuhan dahil sa late na nga ako. Narinig ko pa na bumulong ang babae “ Cute nga suplado naman” 

Pagkatapos kong mag-log, bumulaga naman sa kin ang mahabang pila, Anak ng teteng! Not now! Nasa harapan ko ang mahabang pila sa elevator. Maluluma ang pila sa sinehan kung saan ang bida ay si John Lloyd Cruz. Patay ako nito… ang dami ko nang backlogs at halos tambak na ang mga design requirements na kailangan kong tapusin. Punong-puno ang cork board ko ng mga notes at reminders na patong-patong na sa dami. Hayy… ngayon pa natraffic sa elevator. 

Dumarami na ang mga naririnig kong reklamo at deretsahang panlalait sa building management. Umiinit na ang ulo ng mga nakapila, idag-dag pa ang init ng panahon na di kinaya ng lumang aircon. 

What to do? Eh di maghintay… at habang nasa pila, inilabas ko ang aking ipod para makinig ng mga bagong download ko na music. Putakte naman, di ko mahagilap sa aking bag ang headset. What to do again? Maghintay uli… Eh kung mag hagdanan ka kaya? Suhestiyon ko sa sarili ko… 44th Floor yon! Ok ka lang? Heto na nman ang pagkausap ko sa sarili ko… maya-maya nakuha ang atensyon ko ng dalawang empleyadong nagku-kwentuhan sa aking harapan. 

E1: Hay naku… malamang iisa na naman ang gumaganang elevator ngayon kaya ang haba ng pila… 

E2: Sinabi mo pa, at dinig ko kanina eh may natrap na naman sa elevator kaninang madaling araw. 

E1: Na naman? Madalas mangyari yan… luma na kasi… tapos tayo namang mga tenants ng building mag-sa-suffer, bakit di kaya ipaayos? 

E2: Ewan ko lang ha, pero marami akong naririnig na usap-usapan. Kahit ako ramdam ko rin na may kakaiba sa building na ito. 

E1: Wag ka ngang nagpapaniwala sa mga kwentong barbero… di totoo yan… 

E2: Hindi, marami ang nagpapatunay. Madalas daw na nangyayari sa madaling araw. Itanong mo sa mga taga call center sa 46th Floor. Halos ayaw na nila bumaba at gumamit ng elevator between 3am at 4am, panigurado daw may kakaibang mangyayari… 

E1: Ano naman daw yon? 

E2: Sus, kunyari ka pa, interesado ka rin pala malaman kwento no? Ganito yon, nag-umpisa daw ang lahat simula nong nakaraang lingo… 

E1: ano nga? Ituloy mo na… anong nangyari nong nakaraang lingo? 

E2: Ang hina mo naman sa balita. Yong nawawalang empleyado apat na buwan na nakaraan na hanggang ngayon missing in action pa rin. I mean di parin nakikita hanggang ngayon. Pinaghahanap pa rin ng pamilya nya. Wala namang trace na dinukot o pi├▒atay… parang naglaho na lang na parang bula. 

E1: Tapos? Anong kinalaman non sa mga kababalaghan nagaganap dito sa building? 

E2: Ayon sa mga pang-gabi na nagta-trabaho dito, nakita nila yong nawawalang employee dito mismo sa building, ang kaso dagli ring nawawala. Nagsimula daw yon nong nakaraang lingo lang. At madalas daw huminto sa 31st floor ang mga elevators. Eh alam naman nating lahat na walang tenants doon at ang dilim dilim ng floor na yon. Para ka daw hinahatak paloob pag naabutan mong huminto doon ang elevator. 

E1: eh anong meron sa 31st floor?Humihinto lang naman eh baka nagkataon lang. 

E2: Ito yong catch doon eh, madalas daw makita doon yong nawawalang empleyado dito. Ang sabi nga ng ilan, baka patay na raw yon at nag-mu-multo dito sa building pero ayaw paniwalaan ng pamilya. 

E1: Ewan ko lang, hanggat di ko nararanasan, di pa rin ako maniniwala 

E2: Bahala ka, just in case lang na makasalubong mo yon ditto… ayun yong ID nya sa bulletin board ng lobby… isinabit don ng taga admin… para makilala mo hehe 

E1: ayoko nga.. di bale na lang… 

E2: Weh! Takot ka lang eh hahaha 

At nagsimula ng umandar ang pila… 

Hindi lang pala ako ang nakakaranas ng kakaiba sa building na ito. At least hindi ako nag-iisa at hindi ako nasisiraan ng bait. Maya-maya lang ay unti-unti ng nauubos tao sa pila dahil dalawa na ang umaandar na elevator. Saktong sa kin naputol ang linya… ngayon nasa harap ako ng tatlong elevator. Isa ang nakabukas, ang gitnang elevator at inaayos ng technician… Sa mga kalat sa loob, natuon ang pansin ko sa ID na nasa lapag… na curious ako na lumapit. Baka ito yong ID na pinag-uusapan nong dalawa kanina. 

Dahan-dahan akong pumasok ng di namamalayan ng technician na busy sa pagkalikot sa mga buttons ng elevator. Pinulot ko ang ID at binasa ang nakasulat dito… 

“Bryan Travis E. Meneses” 

Nagulat ako ng biglang magsara ang pinto ng elevator… at naramdaman ko na lang na umaakyat na kami… nilingon ko ang technician na nag-aayos… nakatalikod sa kin at noon ko lang napagmasdan ang suot nitong overall… may tatak na “Maintenance”…. na naman???

Muli akong naalarma… napasiksik sa kabilang sulok ng elevator palayo sa mamang kasama ko ngayon… 

Dahan-dahang lumingon sa king kinatatayuan at nasilayan ko ang mukha ng matandang hapis na hapis at malalim ang matang nakatitig sa kin… 

Ngumiti ang matanda… Isang pilit na ngiti at nagsalita… 

44TH FLOOR???

*wakas*

Ako Si Bryan... empleyado sa 44th Floor... Ikaw, saang Floor ka?

Sunday, May 6, 2012

44th Floor...The View

Sa mga nag-aabang ng 44th Floor Story... pasensya na... medyo delayed po ang posting ng next episode. Magbibigay daan po ang Unplog sa issue na nangyari sa NAIA Terminal 3... The Raymart-Tulfo-Claudine brawl... Para di po madivert attention ng media sa 44th Floor, hindi ko po muna i-post ang next episode (joke po yan! Filingero lang. lol)

Ito po ang totoong dahilan hehe...

Please bear with me dahil nagliwaliw po ako kahapon sa Cavite... (guilty!) At kanina ay nag general cleaning ng aking kwarto na inaahas na yata sa gulo, tapos nanood ng "The Cabin in the Woods"... hehehe (that is not acceptable)

Anyway, this is still about the 44th Floor... and I hope you'll enjoy the view...

Warning: Just don't look too closely!

ENJOY:











'till next episode...

Friday, May 4, 2012

Backpack Series: Planet Shakers





Planet Shakers Concert
April 21, 2012
Araneta Coliseum

First time na makasama ko ang aking bagong backpack sa isang concert. And my backpack never fails to serves its purpose pagdating sa mga ganitong lakad. Ipad - check! 1000DGcam - check! Battery pack -check! Charger - check! Extra Memory card - check! And our tickets - isang malaking check! Yan ang karga ni pareng backpack papuntang Araneta Coliseum. And we are blessed to have a seats on the VIP. Row O seat 1 & 2. (I was with my nephew)

Since the first concert of Planet Shakers happens here in Manila, in 2009, I was able to make it a yearly event. This is my third to be exact. 2010 was with Hillsongs I think.

Unusual ang haba ng pila sa Araneta coz the other gate was under constructions or renovation yata. So nagtyaga kaming pumila together with other Christians from different parts of Manila and other nearby provinces. Puro kami mga kabataan na nakapila. What do you expect? This group (Planet Shakers) is an Australian Rock and Worship Christian Band. Gone are the days that only adults and matured Christians are active in praise and worship. This is the new generation of Christian youth that someday will become leaders of their respective churches. Some are still not into this kind of worship, rather they prefer a more conservative way. Well, I respect both sides, as long as both ways are for God's Glory.  

To learn more about the band, below are the links, so feel free to visit their sites:
PS Website
PS Blog

The concert was a double treat actually, because another equally talented Christian Group was with them. Israel Houghton and New Breed.

Israel Houghton (pronounced, hoh’-tin) (born May 19, 1971) is an American Christian singer and worship leader, mostly known for his cross-cultural style of Christian music that fuses elements from gospel, jazz and rock. Houghton is usually credited as Israel & New Breed and currently signed to Integrity Music. Houghton is a worship leader at Joel Osteen's Lakewood Church in Houston, Texas. "All Around" is on the Digital Praise PC game Guitar Praise.

To learn more about the band, below are the links, so feel free to visit their sites:
Israel Houghton | New Breed Website
Israel Houghton | New Breed Blog

To have a glimpse of the concert, below are the photos I managed to take, while singing, jumping and shouting in praise and worhip.



















It was a BLAST!!!! Twice the FUN, twice the BLESSINGS... See you again next year!!!!


Tuesday, May 1, 2012

44th Floor... E3


“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.”




My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”

Warning: This story is not for the faint-hearted.


3:00 am…

44???

Marahan akong sumilip sa lobby ng floor… naghanap ako ng palatandaan na nasa 44th Floor nga ako…. Ngunit wala ni isa mang palatandaan, sigurado ako na hindi ito ang 44th Floor kung saan ang opisina namin… 

Tumingin uli ako sa floor indicator, 44 pa rin ang naka-ilaw! Hindi ako maaring magkamali, 5 years na akong akyat baba sa floor na ito… panigurado sira ang electrical wirings ng electronic indicator nito. Sinubukan ko uling pindutin ang closed button ng elevator pero wala pa rin… Kung lalabas naman ako at lilipat ng elevator, baka mas delikado, ang dilim sa floor na ito… kung anong level? Yan ang di ako sigurado…

Pinagpipindot ko na lang ng salitan ang closed at open button, baka sakaling nag jam lang… pero di natitinag ang pinto ng elevator. Doon ko na pinindot ang alarm button para sa guard sa lobby… pumailanlang ang tunog ng built-in alarm sa loob at labas ng elevator… 

Binasag nito ang katahimikan ng paligid… lumikha ito ng ingay na gumising sa aking kawalan ng pag-asa. Sa wakas, maririnig na ko sa baba!!! 

Inulit kong muli ang pagpindot sa alarm… sunod-sunod na pindot ang ginawa ko… hindi ko tinigilan ang alarm button, halos bumaon na ito sa ginagawa kong marahas na pagdiin dito. Tila nagbunga ang aking pagtitiyaga… gumalaw ang pinto ng elevator! May kalakasan itong sumara na nagging dahilan ng pag alimbukay ng alikabok sa loob ng elevator. At naging dahilan din na may mahigop na hangin paloob… nagkaroon ng tila maliit na ipu-ipung namuo dahil sa hangin at alikabok… Nalanghap ko ang amoy ng pinagsamang alikabok at hangin na parang galing sa loob ng lumang baul. Lumang baul? O mas tamang ikumpara sa amoy ng asupre! Napatakip ako ng ilong sa masang-sang na amoy na kumalat sa maliit na sulok ng elevator. 

Time Check… Pasado alas tres na ng madaling araw… ito kaya ang sinasabi ni manong guard na huwag magpapa-abot ng alas tres ng madaling araw dahil under maintenance ito? Patay na… ayoko makulong dito ng ilang oras…

Kapansin-pansin ang di paghinto ng maliit na ipu-ipong namuo dahil sa pagsara ng pinto… patuloy itong umiikot at tila nilalaro ang alikabok na humalo sa hangin. Sumagi sa isip ko ang nakita kong bote ng mineral water sa loob ng CR… ganitong-ganito yon... ito rin ang pakiramdam ko ng makita ko ang pag-ikot nito sa ibabaw ng lababo. Hindi kaya???

3:30am… 

Wala akong sinayang na sandali… alam kong pasado alas tres na at di ako dapat magtagal dito. Kahit nagsara na ang pinto ay di pa rin bumababa ang elevator… at ang floor indicator ay nanatiling nasa 44… 

Muli kong pinindot ang alarm… mas malakas ang naging pagtunog nito dahil sa sarado at kulob na ang elevator… wala pa ring nakakarinig sa kin sa baba… paulit-ulit kong pinatunog ang alarm hanggang sa mapansin kong wala na ang ipo-ipo at ang mga alikabok ay nasa lapag na lamang. 

Napahinto ako sa aking ginagawa… ngayon, wala na ang palatandaan ng naglalarong hangin sa loob… Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil naubos na rin ang masangsang na amoy… 

Isa na lang ang problema ko, ang marinig sa lobby ang alarm at ng makaalis na ko dito. 

Akmang hahawakan ko na uli ang alarm ng may kakaibang nangyayari sa pinto ng elevator… A portion of the stainless door is blurred as big as a tennis ball. Yon bang parang may mainit na hininga na ibinubuga sa parteng iyon ng pinto at naging sanhi upang magkaroon ng tila paglabo ng stainless door. Hinanap ko kung saan galing ang hangin… ngunit wala… palatandaan ang alikabok na di natitinag sa flooring ng elevator… 

Marahan kong itinapat ang aking kamay sa bahaging iyon ng pinto ngunit saglit lang din dahil hindi ko na naituloy ang dapat kong gawin… napaatras at napasiksik ako sa maliit na sulok dahil sa aking nasaksihan... 

Kitang-kita ko sa malabong repleksyon ng stainless finish ng pinto ang matandang naglilinis ng bintana… parehong suot, ang kupas na overall na faded dark blue at panloob na naninilaw na puting t-shirt, may punit at buta-butas at ang halos maburang tatak… M A I N T E N A N C E… hawak nya sa kanyang kaliwang kamay ay panglinis ng bintana at sa kanang kamay (maniniwala ka ba?)… akay nya ang batang nakita ko sa loob ng opisina namin… larawan ng pasaherong nag-aantay ng pag-bukas ng pinto… 

Dagli akong napalingon sa gawing likuran, ngunit sariling replekson ko ang nakita ko sa salaming bahagi ng elevator… 

Hindi ako makakilos sa aking kinalalagyan… unti-unting nagbagsakan ang butil-butil na pawis sa aking mukha… nag-uunahan… di ko alam ang aking gagawin… nanatiling nakadilat ang aking mata… ayaw kong pumikit! Ano man ang mangyari, gusto kong makita kung ano man ang susunod na magaganap… at least dilat ako at ma-anticipate ko kung ano man ang maaaring gawin ng kasama ko sa loob ng elevator na ito. 

Ngunit alam ko na di ako makakatagal... unti-unti na kong nakakaramdam ng paninikip ng aking paghinga... pinag halo-halong pressure, kaba, takot at pagod.... alam ko, susumpungin na naman ako... Lord, not now! Ang nausal ko ng pabulong... ngunit para sa kin, isa itong napakalakas na sigaw... sa ganitong isolated na lugar, madalas akong sumpungin ng aking hika... 

Kinapa ko sa messenger bag ang aking inhaler... wala! Nagpanic na ko ng tuluyan... malamang naiwan ko sa table ko sa aking pagmamadali... wala na kong magawa hanggang sa nanghihinang napaupo ako sa aking kinalalagyan... Sa aking natitirang lakas, pinindot kong muli ang alarm... paulit-ulit... walang tigil... hanggang sa maramdaman kong umalog ang elevator... at kasunod noon ay ang dahan-dahang pagbaba nito...

Kinakapos na ko ng paghinga, at sa huling sandali bago ako mawalan ng malay at bago tuluyang pumikit ang aking mata, nakita ko pa rin ang matanda at ang batang magkahawak kamay... naghihintay... 

Naghihintay sa paghinto ng Elevator... Naghihintay sa akin... Naghihintay sayo... sa may lobby, sa muling pagbukas ng pintuan ng Elevator...

4:00 am...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...