Tuesday, April 24, 2012

Random Food


Ang saya ng summer! Pero ang dami ko pang hindi nagagawang summer activities. Kahit ang mag swimming sa beach o kahit sa swimming pool ay di ko pa rin nagagawa...sobrang init pa naman. Sa sobrang init, di ka na pagpapawisan. Lalabas pa lang sa balat yong pawis mo, nag evaporate na! Wheww! 

 Marahil ay busy lang kaya di makagawa ng mga pang summer fun! Busy? Yup... simula ng dumating ako from Casa... di na ko napirmi sa bahay... weekdays - work, weekends - meet-up, kung sino-sino lang gusto makipagkita sa kin... old friends, new friends, virtual friends, bestfriends, classmates, schoolmates,  churchmates, officemates, etc... Ganyan talaga pag in-demand... laging busy... kahit aso ng kapitbahay, gusto makipagkilala, habulin ba naman ako! 

Anyway, pag ganitong summer, syempre pang summer din dapat food trip ko... kagaya ng mga sumusunod na makatulo laway sa sarap na pagkain. 

Babala: Ang mga larawang inyong matutunghayan ay hindi para sa mga nag-da- diet! Konting ingat po lamang!


The best pa rin ang halo-halo pag summer! Agree?




Ito ang na-miss ko... Wala nito sa Casa! Hot Tea lang meron don...



Mag pa coke ka naman! Mr. President of Happiness!



Asan yong orange, sa orange chicken?


Creepy Crepe! My all time favorite... Maraming crepe sa Casa, but here, they prepared it with passion, sa presentation pa lang, masarap na.



Alimango... sorry guys.... di pa luto! Pero masarap yan... promise! May narinig akong kwento when I was in Abu Dhabi... yong mga pinoy doon, madalas mang huli ng crabs... sabi ng mga locals... Filipinos are eating scorpions!



 Sana... yong susunod kong mga photos ay yong nasa tabing dagat ako at nag re-relax.... 

A B A N G A N





29 comments:

  1. LOL naman sa "Filipinos are eating scorpions". :))
    Buti ka pa, kahit di nakakapagswimming, nakakagala naman. I envy you. >.<
    Great Photos! Kagutooom. :D

    ReplyDelete
  2. ay like ko yung crepe! haha

    pero diet ako, sorry hehe

    :))

    ReplyDelete
  3. In demand talaga ah, ingat ka baka next time di lang aso, baka pati pusa, daga at ipis, ewwww. Hahaha. Ikaw na in demand.

    -and, hindi ako nagda-diet. Kaya pala nagyayaya kang mag-ice cream nung isang araw. Naku kung sa Pioneer ka mag-aaya at sobrang lumbay ko sa bahay kulang na lang mag-tumbling ako para may gawin papatulan ko yun haha, basta sama si Pinay Wanderer. Hehehe.

    -Tapos na magpa coke si Mr. President of Happiness. Waka ka pa siguro dito nun.

    -walang orange yung chicken mo? dapat sinabi mo sa crew, hehehe.

    - kailangan talaga may passion? hehehe.

    -promise? ano yun ang alam nila crabs ang scorpion? weird pero masarap nga yang Alimango, hello altapresyon...hehehe.

    Mag-leave ka na kasi at punta na sa dagat.

    P.S. feeling ko ako ang pinakamadaldal na nagko-comment dito, pansin ko lang. hehehe.

    ReplyDelete
  4. kagutom. lalo na yung crab sobrang sarap nyan kapag naluto. *drool* hehehe

    ReplyDelete
  5. ayun nag foodblog na siya hahaha...
    namisss ko ang pancake house dahil sa mga post mo kailan mauulit yun hahaha,
    anyway.. dahil sa post mo na ito gagawa rin ako ng ganito ako na ang ingetero hahaha...

    OT.

    san na yung part 3 ng 44flr!

    ReplyDelete
  6. Ang sasarap naman! hinanap ko din yung orange sa orange chicken nung bumili kami nyan! lol! Sa advertisement kasi nila kita mong araming orange e.

    ReplyDelete
  7. Feeling ko tumaba ako ng ilang pounds. thanks to you!.. hehe..Amg sarap nga naman ng halo-halo sa summer. Favorite ko rin ang crepe. Naku medyo pampa-taba talaga ang napipili ko. hehe..

    oo nga sa next time ang ikaw naman at ang beach ang makita namin. :)

    ReplyDelete
  8. GOOD FOOD PLUS GOOD PEOPLE ENDS UP WITH GOOD CONVERSATION...

    @Jana... go out paminsan-minsan will not hurt you... enjoy lang

    @ TR. tama na diet hehe

    @ Bino. ako na matakas hahaha... sasamahan mo kasi ako sa food trip

    @ Sey. di naman obvious hahaha... comment lang ng comment..

    @ Superjaid. marunong ka magluto ng alimango?

    @ AXL. sige lang, post ka na rin ng mga food pix mo... yong part 3 ng 44th floor malapit na hehehe

    @Anney. di ba? magkaiba sa picture... nawawala yong orange hehe

    ReplyDelete
  9. @Mayen.. ok lang yan... summer naman hehe...

    ReplyDelete
  10. wow enjoying the summer in Ph, ayos. natakam ako sa orange chicken with pansit, onli in the pilipins

    ReplyDelete
  11. @Gracie... tara kain tayo... Chowking lang yan hehe

    ReplyDelete
  12. mukha nga haha kaw ha nadenggoy mo kami kaya pala familiar saken fave kasi ni mama ko yan haha nagsusulat kana po? can't wait na sa 44th floor pls hehe

    ReplyDelete
  13. @ Gracie, naku, may issue akong malaki dyan sa 44th Floor... kumalat dito sa office, pagdating ko kanina, nalaman ko na binasa nila... worst thing is, dumami nangungulit sa akin for the finale ng kwento.... yong iba naman natakot na mag CR mag isa hahaha...tatapusin ko pa ba? wag na lang kaya hahaha

    ReplyDelete
  14. Me orange yan, di ka lang maswerte hehe. Winner ito lahat (except coke) pero ang pinaka-winner sa lahat, syempre ang scorpion, ay alimango pala. Natakam ako, favorite ko alimango eh, sana may mabili ganyan ngayon weekend. :)

    @Sey, malapit sa 44th floor yang Pioneer at ice cream na yan, pass muna ko, kayo na lang muna. ;)

    ReplyDelete
  15. @ Tal.. at bakit iniiwasan mo 44th Floor? hahaha malayo naman sa Pioneer...tanaw lang haha

    ReplyDelete
  16. sobrang nagutom ako bigla sa post mo, lauriat yung may orange chicken no, di ko pa na-try yan, naalala ko naman yung razon's halo-halo sa pic mo hay, sa palagay ko ang next mo e sa beach na, kaya congrats, kami sana malapit na rin!

    ReplyDelete
  17. @McRich, sana nga makapag beach na... Malapit na rin kayo? Sama na lang ako hehe

    ReplyDelete
  18. @Pinoy Adventurista, salamat sa pagdalaw... sama naman ako sa mga adventures mo hehe

    ReplyDelete
  19. OMG, ang sarap naman ng mga food na ito..I'm drooling talaga habang nakatingin sa mga pictures. Gusto ko yong alimango.tsalap...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...