Monday, April 9, 2012

Into The Wild!


I'm supposed to have a vacation starting monday last week (April 2 - 9, 2012), but unfortunately due to urgent matter sa Office, nabulilyaso ang aking bakasyon grande. Di bale, kukunin ko sya sa ibang araw na lang. Kukuha ako ng magandang tyempo para magbakasyon. (Parang naririnig ko boses ng boss ko... "Asa ka pa!") 

So ang mahabang bakasyon ay naputol at naging Holy week vacation na lang. Ang malayong plano ay nauwi sa malapitang destinasyon. Ang aking lupang sinilangan. (Atimonan, Quezon Province, Philippines). Sa nagbabalak pumunta sa amin, wag nyo ng tangkain. Sa mga panahong ito ay sobrang trapik dahil ang mga magagaling na kontratista ng kalsada ay kasalukuyang nagbubungkal ng mga sirang aspalto. Advise ko kayo pag tapos na ok?

Anyway, since medyo may katagalan na rin naman akong di nakakapaglagay ng mga kuha ng aking 1000Digicam, ang entry na ito ay ginawa para magka-idea kayo kung ano ang makikita sa aking lupang sinilangan. Fresh from the mountain, and the fields of nowhere.... Into the wilds daw ito!


 1. Easter Egg hunting ang highlight ng pagtatapos ng Holy Week, at hindi ko ito pinalagpas. Sa aking paghahanap ng mga nakatagong itlogs, ibang itlogs ang aking natagpuan. Itlogs ng kuhol! Madalas kaming manghuli ng kuhol noon. At ito ang isang masarap na ulam na nakaka-miss. Masarap na luto nyan ay ginatan (Ginatang kuhol). 

Pero alam nyo ba na ito ay salot sa palayan? Kinakain ng mga ito ang bagong sibol na uhay ng palay na nagiging sanhi ng di nito paglaki ng maayos. Ang resulta, pangit na ani ng palay. Lugi ang ating magbubukid. Sa kasamaang palad, ang mga kuhol na ito is hard to kill. At hanggang ngayon, the battle of the farmers vs the Kuhol continues! 

Para makatulong ka, tara ng manghuli ng kuhol at iadobo sa gata. At sabay-sabay nating isalba ang palayan. 
 2. Baby Kabayo... Isang lumang tanawin na di ko inaasahan na makikita ko uli. Madalas na ito ang aking iniiwasan noon, ang habulin ng kabayo tuwing tag-ulan. Makulit pa naman ang mga baby na ganyan. Madalas maputikan ang aking uniporme. Pero ngayon, parang ang ganda nilang pagmasdan. Ang kaibahan, hindi ko na sila iniiwasan. Ayan nga at may kodak pang kasama.






3. Mode of transport... Ganito pa rin pala ang ginagawang paraan ng pagdadala ng kalakal sa bayan. Ang ikarga sa kabayo o sa kalabaw. Dahil hindi pa naabot ng sasakyan ang lugar na ito. (Motorsiklo lamang at bisekleta ang uubra dito) Pero mukhang napasobra yata ang pasan ng kawawang nilalang na ito. Manong, pakibawasi at ng hindi mahirapan ang alaga nyo. Paki alagaan ng maayos at nangangayayat na ang isang ito. Bigyan nyo naman ng day-off. Kung ang makina nga nagpapahinga, kabayo pa kaya?
 4. Kung natatandaan nyo ang entry ko na "Of Paws and Fangs"( Pusikat ) ang isang ito ay kamag-anak ng alaga ng nanay ko. Malamang sa alamang, baka ito ay anak o apo ng mga pusikat na nailathala ko doon. 

Habang kinukunan ko ang pusakal na ito, lumapit pa talaga at sinipat ang lente ng camera ko. Since naka wide angle setting, nagmukha tuloy cartoon character ang itsura ng isang ito. Gusto ko sana i-delete to pero for some reason, I find this shot interesting. Two legged big head cat who happens to be amazed with my camera! Now I understand what's the meaning of "Curiosity kills the cat". 








5. Anong meron? Naintriga ako sa tinititigan ng dalawang ito. Kanina pa sila sa pwesto na yan at tila may inaabangan. Patiently waiting for something to comes out of the hole. Cats is considered to be a good hunter. I still remember seeing one of our pusikat before, fights a grass snake. It's really amazing. Kung may video lang ako that time, I would have video taped it. Napatay yong ahas and since then, nawili na sa pag-aalaga ng pusa ang nanay ko. 



 6. Sariling Ani... ang saging na ito ay galing lang sa aming bakuran. Ito ang nakaka-miss sa probinsya. Ang prutas at gulay ay abot kamay lang. Sariwang ani at libre. Pawis lang ang puhunan. 

Unang kita ko palang at sa kulay nito, nakakatakam na. Nakalagay ba naman sa gitna ng lamesa ng kubo namin, eh di ano pa, kainin na. Matamis at talagang malinamnam. Gusto nyo ng saging? Dahil sa lahat ng prutas, saging lang ang may puso! 







7. Tinik... Ang lumakad ng matulin, pag natinik ay malalim. Isa ito sa kasabihang madalas na mangyari sa kin literally. Ang matinik. Ikaw ba naman ang lumaki sa bukid at madalas na nakapaa lang, ewan ko lang. 


Pero sa pag-gunita sa mahal na araw, napapanahon ang tinik na ito. Dahil isa itong simbolo ng paghihirap ni Kristo. Ang koronang tinik na ipinatong sa kanyang ulunan. Isa rin itong paalala sa atin, bilang Kristiyano, that Jesus paid the price for our sins. This is the symbol of victory, that no matter how hard our life is, there's always God who will never leave us, nor forsake us. 









8. Putikan... Nakakatawa ang kalabaw na ito... nang kodakan ko sya, bigla ba namang lumapit at pinagpag ang mga putik na nakadikit sa kanyang katawan. Napatakbo tuloy ako ng di oras hahaha. Noon, di ako takot maputikan. Isang laro namin noon ang magbatuhan ng putik pagkagaling sa eskwela. Kaya pag-uwi ng bahay, sermon ni nanay ang umaalingawngaw sa buong baranggay. Naranasan ko rin na sumakay sa kalabaw na may hilang paragos. O kahit simpleng pamamasyal lang sa bukid. For me, this is life in it's simplest form. Away from the complicated life of the city.



Hindi man ito ang ideal o yong inaasahan ko na bakasyon, masasabing kong na-enjoy ko kahit papaano ang byahe na to. Nakapag balik tanaw ako sa aking kinalakhan. Dahil naniniwala ako na "Ang hindi lumingon sa pinaggalingan, di makakarating sa paroroonan." 

Maiksi mang maituturing, pero masasabi kong quality time naman. Hindi kasi sa tagal o sandaling pamamalagi nasusukat ang tinatawag nating quality time, but how we spent it. At yon ang dapat nating gawin.  

TIME... SPEND IT WISELY!


42 comments:

  1. Una ko kaagad napansin ay ang watermarks. Sinipag ka yata maglagay ngayon? hehe.

    Alam ko yung no.1 itlogs ng kuhols, pero eek kinakain pala yan.. Winner naman yung saging lang ang may puso hehehe korek ka dyan! "Kadulce" yung tawag sa amin, fave ko yan. Pinakakwela, ang mga pusikat, ang walang kaeffort effort na nagpapatawa sa akin :D

    ReplyDelete
  2. @Gracie...Oo nga eh, sinipag ng konti hehe

    Hindi yong itlogs ang kinakain ha, antayin mo maging kuhol haha

    ReplyDelete
  3. Ay buti na lang pala at postponed ang pinagbanderahan namin, matrapik pala sa lugar nyo ngayon. :(

    Parang ang sarap ng saging ah, ganda ng kulay. :)

    ReplyDelete
  4. trekking your blog!!! ang cute ng pusa! hehe

    happy easter!
    ..TREK..

    ReplyDelete
  5. 1. Kinakain pala yung itlog ng kuhol. Yan yung kulay pink diba. Marami nga niyan sa palayan. Tara iadobo na yan ng makatikim ng ibang putahe.

    2. Kahit baby pa yung kabayo nag laki niya no.

    3. Kawawa naman yung kabayo, daming karga. Masaya kasi anjan pa rin yung makalumang kultura ng pagdadala ng kalakal pero sana wag over-loading, hehehe.

    4. I must agree, kakaiba ang shot na yan. buti na lang tinago mo.

    5. Baka naglalaro yang 2 pusang yan or pinagkukwentuhan ka nila. hehe. Ang nanay ko din mas gusto mag-alaga ng pusa kesa aso. Malinis kasi ang mga pusang bahay, tapos marunong sila maghukay pag alam mo na "poop".

    6. Tama, saging lang ang may puso at tanghali lang ang tapat, hehehe, (corny ko). Masarap talaga yan kasi panigurado hinog sa puno.

    7. Tinik ba yan ng puno ng kalamansi? may naalala lang kasi ako sa tinik na yan,.hehe. Pero the best ang interpretation mo.

    8. Ang sarap siguro jan sa bukid no. Nakakamis nga yung pagsakay sa paragos na hinihila ng kalabaw. Samin mejo mas malaki sa paragos pero di ko alam ano tawag dun. Madalas ginagamit namin yun dati sa piknik sa bundok.

    Ako pag sobrang stress na nauwi talaga ako sa amin. Kahit makita ko lang mga tao nawawala yung kung ano mang nararamdaman ko, ewan ko ba weird no. TIME ...yes SPEND IT WISELY.

    ReplyDelete
  6. @TPW; yup, sobrang trapik... buti na lang nga di kayo natuloy. Pero during holy week naman, stop yong work nila, kaso ngayon for sure balik operation bungkal na naman sila.

    @ Icedgurl...salamat sa pagbisita sa blog ko, I will visit yours in a while.

    @Sey... salamat sa comments... inisa-isa mo talaga, hehe sarap naman... kailan na EB natin?

    ReplyDelete
  7. Sorry naman napahaba muntik na akong makabuo ng isang post, hahaha. Kelan nga ba? Kelan sila pwede? Ako basta Sunday.

    ReplyDelete
  8. @Sey, nag-aaya kasi si AXL sa Aliwan Festival this saturday ng gabi... pero I think di tayo makapag-usap ng masinsinan doon hahaha... sige, schedule natin ng sunday

    @T.R- cute ba pussy cat? haha
    di ako maka pasok sa blog mo, bakit kaya? Must be my internet connection problem...

    ReplyDelete
  9. Vеry nice artіcle, just what I ωаnted to find.


    Also visit mу ωeb blοg :: silver sandals for wedding

    ReplyDelete
  10. If you arе going for finеst contents likе I ԁо,
    just visit this web sitе every day
    sіncе it provіdes feature contents, thankѕ

    my weblog pro fryer

    ReplyDelete
  11. Нey! I сoulԁ hаve ѕworn I've been to this site before but after reading through some of the post I realized it's new tο me.
    Anyways, I'm definitely glad I found it and I'll bе book-marking and checking
    bacκ often!

    mу website ... home bread maker

    ReplyDelete
  12. ӏ waѕ suggestеd this web site by my cousin.

    I'm not sure whether this post is written by him as no one else know such detailed about my trouble. You are amazing! Thanks!

    Visit my web blog - halogen ovens are they safe

    ReplyDelete
  13. Ι used to be recommended this wеbѕite through my cousin.
    I'm now not sure whether or not this put up is written by way of him as no one else recognize such special about my trouble. You are incredible! Thank you!

    Have a look at my site ... outdoor deep fryer

    ReplyDelete
  14. Nice poѕt. I waѕ cheсking constantly this blog and I am impressed!
    Vеry usеful infο pаrticularly the last paгt :) I caге for such
    info a lot. I was seeking this cеrtain infο for a long time.
    Thank you and best of luck.

    Look intо my website :: childrens silver shoes

    ReplyDelete
  15. Hello there! This post could not be written any
    bеtter! Reading this pοst reminds me of my old room mаte!
    He alwауs kеpt tаlkіng about thiѕ.
    I will forward this article to him. Faіrly certain he wіll hаνe a good read.
    Thankѕ for shагing!

    my web blog: electric turkey deep fryer

    ReplyDelete
  16. Wonderful itеms from you, man. I've have in mind your stuff prior to and you're simply too wonԁerful.
    ӏ aсtuallу like what you have bought right here, гeаlly like what you're stating and the way in which through which you assert it. You are making it enjoyable and you continue to care for to keep it wise. I can not wait to read much more from you. This is actually a terrific web site.

    Feel free to visit my web page :: steam cleaner reviews

    ReplyDelete
  17. What's up friends, fastidious article and nice urging commented at this place, I am truly enjoying by these.

    Stop by my blog ... tgi fridays vouchers

    ReplyDelete
  18. I thinκ everything wrote made a tоn of sensе.

    Hоweveг, what about this? suрpoѕe you
    typed a catchier tіtle? Ι aіn't saying your information is not solid., but suppose you added something to maybe get folk'ѕ attentіon?
    I mean "Into The Wild!" is a little plain. You ѕhοuld pеek at Yahоo's home page and see how they write article headlines to get people interested. You might add a video or a related picture or two to get readers excited about everything'vе written.

    Just my opіnіon, it might mаke your blog a little livеlier.


    My wеblog - which slow cooker

    ReplyDelete
  19. Aw, this ωas an incгеdibly good post. Spending some time
    anԁ actual effort to generаte a gooԁ article… but what
    cаn I sаy… Ι heѕitate a whole lot and neѵer
    seem to get anything donе.

    Hеrе is my ρage - ice cream Maker

    ReplyDelete
  20. Aw, this was an extremely nіce poѕt.

    Takіng а few minutеѕ аnd aсtual effort to produce
    a good artіcle… but ωhat cаn I
    ѕay… І hesitate a ωhole lot and never seem to get nearlу anythіng done.


    my page - cuisinart deep fryer

    ReplyDelete
  21. Pleasе let me knοw if уou're looking for a writer for your weblog. You have some really good posts and I feel I would be a good asset. If you ever want to take some of the load off, I'd гeally lіke to wrіte some content for уouг blog in eхchange foг a linκ
    bacκ to minе. Plеase blаst
    mе an email if interested. Chеers!

    Here іs mу ωeb site: wet dry epilator

    ReplyDelete
  22. Ηello, I еnjoу гeаding аll of your аrticle poѕt.
    ӏ ωаnted to write a little comment to suppoгt yοu.


    Mу blog post: small deep fat fryers

    ReplyDelete
  23. I pay a quick visit daily a few blοgs and information sites to read articles
    oг reѵiews, exсеpt thіs website giѵeѕ feature based pοsts.


    My homepage ... steam floor mop

    ReplyDelete
  24. Genuіnely when someοne doesn't know afterward its up to other people that they will help, so here it takes place.

    Feel free to visit my page ... individual false eyelashes

    ReplyDelete
  25. Touche. Grеat arguments. Κeep up the amаzing spіrit.


    Μy page - How To Cook With A Halogen Oven

    ReplyDelete
  26. andaming anoymous na naman!

    Anong lasa ng ginataang kuhol? Kuhol?

    kakatuwa naman tong, nakakagood vibes!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sosyal mo naman! Di ka kumakain ng kuhol? Haha

      Sya! Pakakainin kita ng kuhol pag pumunta ka sa Quezon!

      Delete
  27. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete
  28. This site truly has all the information and facts I needed concerning this subject and didn’t know who to ask
    http://mchaabaty.com/pictures/
    http://mchaabaty.com/luxurious/
    http://mchaabaty.com/red-bricks/
    https://decor-ksa.com/

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...