Wednesday, April 11, 2012

Entry Sa Bagsik ng Panitik Contest


MALIGNO
PANITIKAN
LARAWAN
KULISAP
GALUNGGONG
HINUHA
SILID-AKLATAN
KAGAWARAN
SARANGGOLA
BAYANI

(Marahang lalakad patungo sa gitna ng entablado habang nakatungo, unti-unting magtataas ng paningin, sa gitna ng mga manonood, tingin sa kaliwa, sa kanan at balik sa gitna)(Saka tatawa ng malakas)(Objective: Mahawa ang audience sa tawang ito)

Hahahaha! Tawanan? Halakhak? Tama ba ang naririnig ko? Hahahaha! Malalakas na tawanan! Hahaha! Hindi ako dinadaya ng aking pandinig… tama ang aking HINUHA… mga batang nagtatawanan… masasayang tawanan… doon! Sa dako pa roon! Sa malayong DAMUHAN! Nakakahawa… hahaha… nakakatawa… nakakahawa… Santong kabayo, natatawa ako! Hihihi….. hahahaha!

(Biglang hihinto sa pagtawa, lilibutin ng tingin ang mga taong nakikitawa sa kanya at galit na ituturo ang mga manonood)

Tigil! Bakit ka tumatawa? Huwag kang tumawa! Ako lang ang may karapatang tumawa! Akong lang! Ako lang! Ako lang sabi! Ako lang… ako lang… huhuhu…  Ako lang… ako lang… huhuhu… (Challenge: ang pagpapalit ng emosyon – tawa, galit at luha, tatlong paraan ng pagpapakita ng ibat-ibang uri ng emosyon)

Tandang –tanda ko pa… Oo, natatandaan ko, Masaya ako noon… hikbi… Masaya din naman ako ngayon ah? Hikbi… hindi ba halata? (Magpapahid ng luha habang humihikbi, sabay ngingiti) Ayan, nakangiti na ko…  dahil Masaya ako, Masaya akong naglalaro noon…, hawak ang pisi ng SARANGGOLA ko. (Lalakad, tatakbo na tila nagpapalipad ng saranggola)  Bilis! Takbo pa… kailangang hindi umalagwa ang saranggola ko… hangin asan ka? Umihip ka… Umihip ka ng ubod lakas! (Sa tagpong ito mag iipon ng lakas para isigaw sa hangin ang nais sabihin, palakas ng palakas na animo hinahamon ang di nakikitang pwersa) Ibuhos mo ang iyong lakas! Hanggang matangay mo ako sa dako pa roon…! Sa dako pa roon na hindi ako masasaktan… ! malulungkot…! kahit saan!… kahit sa  dako ng mundo ng mga MALIGNO! Ilayo mo ako dito… tangayin mo ako… doon sa kawalan… wag lang dito sa DAMUHAN!!!!

(Dahan-dahang hihinto na parang nakikiramdam sa paligid, mapapalitan ang aura, ang pagbabalik tanaw sa simula)(Ang bahaging ito ay isang pakikipag-usap sa sarili, bilang magka-ibang karakter)

Akala ko maglalaro lang tayo eh! Di ba tinawag mo ko?? Oo, habang nagbabasa ako ng PANITIKAN sa isang SILID-AKLATAN!

Psst! Psst! Psst!.... Bata!  Halika dito!

Ayoko po, paborito ko binabasa ko!  

Psst! Laro tayo! Halika sabi ditto!!!!

Ayoko po maglaro!

Anong ayoko!!! Halika ritong bata ka!!!!!

Huwag po! Huwag po! Huwag poooooo! Kuya wag po!!! (nakaluhod na tila may sumasabunot sa kanyang buhok)

Tigil! Tumigil ka! Tumigil ka sabi! Huwag kang umiyak!! Kundi tatamaan ka sa kin!! Isa!! Tigil sabi! Tigil!!!! (May kinakaladkad, at may hinahawing parang mga talahib patungo sa damuhan)

Ayoko! Bitawan mo ako! Ayoko!! Ayoko  sabi! Ayoko… wag po.. wag po … wag… wa… w…. (Manlalaban habang umiiyak, hanggang unti-unting nawawalan ng lakas at naigugupo… at ang pag-iyak ay napalitan ng hibik ng paghihirap at mapahandusay na walang malay)

(Tatayo…Lilibutin ng mapanuring tingin ang mga manonood) (Ang tuno ng pananalita ay isang nanunumbat)

Bakit mo nagawa sa kin to? Bakit?! Bakit?! Oo! Ikaw! Ikaw nga! Lilingon ka pa! At Ikaw! Bakit mo ako nilapastangan? LARAWAN ka ng isang MALIGNO na dumaan sa buhay ko! Ang kasamaan mo ay sagad sa buto! Mapagsamantala! Ginamit mo ang kahinaan ko… wala kang awa… ipinaranas mo sa kin ang walang kasing lupit na paghihirap… at anong kapalit? Isang kilong GALUNGGONG?! Putang Ina naman! Dinurog mo akong parang KULISAP, tapos ito lang?! Ito lang ba? Ito lang ba ang kapalit ng iyong kababuyan? Saksi ko ang damuhan na ito!! Ang damuhang ito!!! Ang damuhang ito!!! (Mapapaluhod, habang animo’y nagbubunot ng damo,  itataas at itinatapon ang bawat hibla ng damo sa kawalan)

(Muling tatayo, Maghahanap ng pag-asa, sa masalimoot ng mundo ng Damuhan)

Asan ka na? Bakit mo ko pinabayaan? Kala ko ba sing bilis ka ng kidlat? Kala ko ba sing tigas ka ng bakal? (Pupunitin ang kamisetang suot para malantad ang logo ni Superman)
Kala ko ba BAYANI ka ng sanglibutan? Pero asan ka? Hinayaan mo akong mapahamak… ikaw na iniluklok ko sa pinakamataas na KAGAWARAN ng mga super hero ko, ang aking idolo… Asan ka? Bakit? Bakit nangyari to? Sumagot ka!!! Magpakita ka!!! Magparamdam ka!!! Sabihin mong totoo ka!!! (Habang binabayo ng dalawang kamay ang sariling dibdib na tila pinalalabas doon ang bayaning hinahanap) Totoo ka nga ba at di isang kathang isip lang sa mundo ng PANITIKAN!!!? Asan ka!! Tagapagligtas ka daw nang mga naapi?! Ngunit wala ka ng kailangan kita!!! Sinungaling ka!!! Sinungaling kayong lahat!!!!!  

Hindi ka totoo… Ayoko na… Ayoko na sayo… Ayoko na sa damuhang ito… Ilayo nyo ako dito!

Damuhan… kulay berde, Luntian… Ngunit putikan ang kinasadlakan…

Damuhan…  kulay berde, Luntian… ngunit pugad ng kawalanghiyaan…

Damuhan… kulay berde, Luntian… ngunit pula ng aking pagmasdan…

(Isang Monologo:Ang Sentimyento ni Sawing Palad)

ESKANDALO SA DAMUHAN

W * A * S * A * K

W * A * K * A * S 


Lahok para sa Bagsik ng Panitik contest ng Damuhan

47 comments:

  1. At nag-monologue daw ako habang nagbabasa, hehe. Good luck Mayong, sana manalo ka at si Gracie rin syempre, sana manalo kayong dalawa dahil pareho naman kayong magaling. Good luck!! :)

    ReplyDelete
  2. ako na lang wala pang entry, ahahaha!

    ReplyDelete
  3. @Bino, salamat din sa pa contest, first time ko sumali sa ganito

    @TPW, haha pag nanalo tong piece ko, ipa pa perform ko sayo, haha.. Sana nga manalo kami ni Gracie!

    @TR, submit ka na bilis hehe, till end of the month pa naman

    @AXL, goodluck sa ating lahat!

    ReplyDelete
  4. ibang klase naman ang isang ito.nakakatuwa at nakakadala ung bugso ng takbo ng mga titik!

    Auz!thumbz up!gudluck po!

    ReplyDelete
  5. @jay rulez, salamat po! Gudluck din po sa entry nyo!

    ReplyDelete
  6. ibang klase!ang ganda pwedeng pwede din gamitin sa school haha

    ReplyDelete
  7. @superjaid, hahaha pwede ba sa school yan? Hayaan mo pag nanalo ipagamit ko sayo haha

    ReplyDelete
  8. akala tuloy dito sa bahay namin naloloka na ko... basahin ko ba naman ng malakas with feelings. lol

    wagas! goodluck sa inyo ni gracie :)

    ReplyDelete
  9. @Balut, hahaha... Salamat! Inspirasyon ko yan si Gracie kaya ako napasali haha... Dumarami na ang mga possible performer ng monologue na ito, mag pa contest kaya ako? At kasali ka dapat Ms Balut.

    ReplyDelete
  10. Iba ka idol, kakamangha, kakaloko!
    Tila lindol niyanig buong blogesperyo!

    Hanep na paksa mo isang monologo?
    Sino nga bang mag aakala naku!
    Nagawa mo talaga yan aking idolo?
    Magloko-lokohan, mag-iyak-iyakan o kaya maggagalit-galitan?
    Crispin.. Basilio.. Sisa? Ako ba yan?

    Ah nakikibasa lang pala ako
    ngunit dama ko ang karakter na nakapaloob nito.
    Oo naiyak ako, natawa ako, nagalit ako, hay naloka ako!
    Bakit ka ganyan, ba't ang galing mo?
    Ilang minuto ding nawala ako sa sarili ko.
    Sus wala naman dudang yaka mo talaga.
    O diba sabi ko sayo walang atrasan ha?
    Pano tiba tiba tayo pagnanalo ka?
    Ayiiieee, biro lang.
    Sensya na masaya lang bugso ng damdamin kasi'y di mapigilan.

    Ano sabi mo, si Gracie iyong inspirasyon?
    Kelan pa? Nyahaha tingnan natin kung di ka mangunsumisyon.
    Wala syang pangalan, ikaw meron.
    Sya'y b... teka teka walang kumparahan!
    Akda mo to, ba't ako nasali dito?
    Sino ba nagpasimuno?
    Kaw glen o balut noh?
    Pasensya kana ha, mukhang nabayaran yata sila hahaha pisyow!

    ReplyDelete
  11. @Gracie... hahaha.. natuwa naman ako dito sa comment mo! Ito ang panalo! Pwedeng ihabol sa Bagsik ng Panitik contest... idagdag lang mga salita na dapat kaakibat ng entry na to! Galing-galing mo talaga, anong walang pangalan? Meron kang pangalan haha... ako wala, nakikihiram lang kay Super Mario

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. dinilete ko yung unang comment daming typo eh. (nag-explain talaga)

    Kung nag-aaral pa ako hihiramin ko ang piece mong to ilalaban ko sa school. At may checklist talaga sa taas, hehehe. Kawawang mga judges mahihirapan sila at buti na lang walang botohan kundi mahihirapan akong bumoto. Good luck, at pag nanalo ka dito, magpa-giveaway ka ah. Alam mo na kung ano gusto namin. hehehehe, (di talaga maka-move on)

    ReplyDelete
  14. @ McRich... salamat dre...

    @ Sey, hehe, tinamad ako ayusin kaya napasama yong checklist, style na rin yan, in raw format haha (palusot)

    alam ko na yong pa contest ko, pag nanalo tong entry ko, magpapa monologue ako at yong gusto nyo ang pa-premyo hahaha... pag nanalo lang naman, which is suntok sa buwan haha

    ReplyDelete
  15. DM ko nga si Bino, hahaha. Nothing is impossible, pag ikaw ang nanalo kakaririn ko ang monologue na yan. hehehe.

    ReplyDelete
  16. @ Sey, hahaha naku eh di magkalaban kayo ni AXL nyan hahaha

    ReplyDelete
  17. mabait naman si Axk kaya magpaparaya yun, hehehe

    ReplyDelete
  18. @Sey, di rin siguro hahaha... itanong natin kay AXL haha

    ReplyDelete
  19. walang idea si Axl sa contest kaya ako lang ang sasali, hahaha.

    ReplyDelete
  20. @Sey... ayan na si Axl hahaha...

    ReplyDelete
  21. @Axl, may pacontest na kasi si Mar, kaso wala ka nun kaya ako na ang panalo. Yehes!!! Hehehe

    ReplyDelete
  22. @Sey, haha, sasali yan si axl, nabasa mo ba tweet nya?

    ReplyDelete
  23. HIndi ko pa nabasa, walang twitter ngayon. Ano sabi niya? hahaha

    ReplyDelete
  24. Sabi nya, gagalingan daw nya, o laban ka? Hahaha

    ReplyDelete
  25. hahaha, vlog version ba ang contest na to. Laban kung laban, hahaha.

    ReplyDelete
  26. @Sey, oo VLOG, hahaha.. kakaiba di ba? baka ito na ang start ng aking bagong career, amg mag VLOG hahaha

    ReplyDelete
  27. at gawing daw bang pahabaan ng comment dito hahahah...
    VBLOG om.... panu yun di ako nagpapakita sa blog.... hahahha
    pude naman sinu dub di ba hahahaha...

    ReplyDelete
  28. @axl haha yon lang, pwede naman dub lang pero minus points yon haha...

    ReplyDelete
  29. tumatakbo sa aking isip ang larawan ng taong nag momonologue sa ibabaw ng entablado. Isang baliw na nagsasalita sa harap ng maraming tao.

    mahusay naman ito. magaling sir :)

    magandang araw po sa inyo :)

    ReplyDelete
  30. @ ISTAMBAY, salamat po sa appreciation...

    ReplyDelete
  31. Ang Daing tawa pero bawak tumawa ng marami kaya isang magpupugay na #HA para kay Super Mario Palusot HA. Mahusay, pwede nating ipadala sa Department of Education at gawing pyesa sa mga susunod na laban. Good Luck sir, yung hatian wag kalimutan. #HA

    ReplyDelete
  32. @Inong. Ang dami ngang tawa dito... dapat #HA lang... basta yong hatian, di ko nakakalimutan... ewan ko lang sayo, wag mo rin kalimutan #HA

    ReplyDelete
  33. Nagbasa. Humusga. Nag-monologue. Nadala. Good luck sa entry.

    (Pero, sana hindi si superman ang bayani niya... hmn, sino bang hero ang pinakasikat sa panitikang Pinoy? Wala lang. Pasensya na sa pangengeelam. Bilib ako sa entry na 'to.)

    ReplyDelete
  34. So eto na pala yon. Irereenact ko sana. kaso naulan. gusto ko sa labas e. Hahaha!

    Andito na si superjaid, miss B and si jayrulez!:)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas okay nga pag naulan eh! Mas kapanipaniwala hahaha

      At bat naman nag a-attendance ka? hahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...