Thursday, April 19, 2012

44th FLOOR



“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.” Terence Fisher





My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: 


Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”



Warning: This story is not for the faint-hearted.


Halos mabunggo ko na ang mga naglalakad sa bangketa sa aking pagmamadali. Lakad, takbo, ngunit hindi na yata ako aabot. Hayy… late na naman ako sa trabaho. Lunes na Monday pa naman! “Bakit kasi di ka nagising ng maaga?”… ang sisi ko sa sarili ko. Medyo natigilan ako… Weird! Hindi naman ako dati ganito… yong tipong kinakausap ang sarili. May mga gabing di rin ako makatulog at tila may bumabagabag sa aking kung ano na di ko mawari. Ito rin ang dahilan ng naglalakihan kong eye-bags at syempre, ang dumadalas kong tardiness. Napaisip ako sandali… bumagal ang aking paglalakad at binalikan ang mga pangyayari noong nakaraang lingo… Saan nga ba nag-umpisa ang aking pagkabalisa?


Friday night a week ago (Ang mga oras na naitala ay hindi eksaktong tumutugma sa aktwal na pangyayari… ito ay isang representation lamang ng pagkakasunod-sunod ng mga tagpong inyong matutunghayan) 



10pm…


Uy Bryan… di ka pa uuwi? 10pm na ah… OT ka ba? 

Yup, mauna na kayo, dami kong kailangang tapusin eh… kailangan na to bukas for presentation. Paki- lock na lang ng front door. Thanks!

Ok, see you tomorrow bro! Ingat ka, may nagpapakita raw ditong multo! Hala ka!!!

Hahaha… sira-ulo! Ako pa tinakot mo! Sige na, ingats! At binalot ng katahimikan ang opisinang aking pinagsisilbihan ng halos limang taon na rin.


10:30pm...


Beep…beep…beeeppp…. Great! Ngayon pa nagloko ‘tong printer na to. Kung kailan ka naman nagmamadali! Com’on mammon! Gumana ka please, please pretty please! 

Dead! Sira na talaga to… Pano yan, kailangan ko ng hard copies ng presentation tomorrow. 

Napaupo na lang ako sa harap ng PC ko, hoping I can see inside the monitor the solution to my problem. Habang nakatitig ako sa monitor na naka sleep mode, nakikita ko ang sarili kong reflection. Sinipat-sipat ko mukha ko sa monitor…ang gwapo ko talaga… ng biglang may dumaan sa may likuran ko na tila isang anino, kitang kita ko sa monitor kaya bigla akong napalingon. Ang tinumbok ng anino ay ang conference room ng opisina namin. Dali-dali akong tumayo. Ah siguro may nakalimutan lang isa sa mga officemates ko, o baka naman pinag ti-tripan ako ng mga lokong to at nanakot lang. 

Ngunit walang tao sa loob ng conference room. Front door check… naka-lock naman. Namamalikmata lang siguro ako… antok lang to. Naghihikab akong bumalik sa aking pwesto…

Sa pagbalik ko sa station ko, I saw my printer blinking! Ayos, gumagana na uli printer. Agad-agad kong inayos ang pagkakalagay ng papel sa tray para di kainin. Madalas kasi napapasok lahat ng papel sa loob dahil may katakawan lang tong printer na to. At nagsimula ng mag-print ang mga files na naka queue. 

Ngunit ng nasa kalagitnaan na, nakarinig naman ako ng tunog ng nag-pi-print sa kabilang station. Tunog ng dot matrix na printer, malamang sa accounting, pero teka lang, wala ng tao doon. Pano mangyayaring may nag-pi-print pa? Accounting station check… walang tao… at patay ang mga Pc at tanging isang printer lang ang naiwang naka on… ang nakapagtataka lang, laser printer at hindi dot matrix ang naiwang bukas na printer. Ipinagkibit balikat ko lamang yon at bumalik sa aking ginagawa.

11:00 pm…

Sa wakas, malapit ng matapos…last set of files na ang nakasalang… Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan… Wee wee mode muna. Papunta sa CR, kailangan ko pang lumabas ng opisina, at dumaan sa maiksing corridor to the lobby ng 44th Floor, turn right, left, right at andon ka na sa CR. 

Pagbukas ko ng pinto, may isang bote ng mineral water na nakapatong sa sink countertop at marahang umiikot na tila isang carousel. Natigilan ako sa may pinto… di ko alam kung papasok pa ba ako… pero naiihi na talaga ako. Cubicle Check… Sinilip ko ang dalawang cubicle ngunit parehong walang laman. At sa ganitong oras, malamang ako na lang tao sa floor na ito. I discounted the fact that someone was playing a joke on me. At ang bote ng mineral water ay marahang nahulog mula sa countertop at gumulong sa aking paanan. Mga ilang minuto rin na pinakiramdaman ko kung may susunod pang mangyayari, ngunit wala. Medyo sinipa-sipa ko ang basyo ng bote, bago ko pinulot. Empty plastic Bottle check… nagbabakasakaling may tali ngunit wala. Ok, fine. Shoot sa basurahan ang bote at ako’y jumingle na. 

Habang naghuhugas ng kamay, napansin ko na talagang haggard na itsura ko. Naisipan kong basain ng tubig ang aking mukha, nakalimutan ko na may ID pala akong nakasabit sa aking leeg. Ang ginawa ko, iniikot ko sya sa may likod ko habang ako’y naghihilamos. Konting basa-basa ng buhok, konting pa-pogi at ready na uli rumampa! 

Muli tiningnan ko ang bote ng mineral na nasa basurahan… wala namang kakaiba… nilagpasan ko ito at deretso na para lumabas…

Ang siste, sa aking paglabas ng CR, bigla akong nahatak pabalik. May pwersang humila sa ID ko na nasa likod ko pa pala. Nasakal ako ng konti dahil sa paghila at napaatras ng isang hakbang… Dito na ko nabahala… dahan-dahan akong pumihit para tingnan kung may tao ba sa likod ko… wala! 

Binalikan ko cubicle at baka may nagtatago lang at ako’y pinaglalaruan lamang… ngunit talagang wala… 

Sinuri kong muli ang aking dinaanan at baka nasabit lang ang aking ID, ngunit walang mapagsasabitan kung hindi sasadyaing hatakin. Ngyon… sigurado na ko, na there’s something wrong!

Whatever and whoever you are… hindi mo ko kayang takutin! Pagpapalakas loob ko sa sarili ko habang tinatahak ko ang maikling corridor pabalik.

Pagdaan ko sa lobby… Ting!!! Saktong bumukas ang elevator… ngunit walang lumabas… Sa di ko malamang dahilan, napako lang ako sa aking kinatatayuan, nakatitig sa bukas na pinto ng elevator, sa patay-sinding malamlam na ilaw, naaaninag ko ang sarili ko sa salamin sa loob… alam mo yong effect ng on and off light sa still image para magmukhang gumagalaw? Ganon ang nakikita ko sa refelction ko sa salamin. Para akong namamalikmata. Hanggang sa dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator… Ting!!! Tila hudyat para ako ay bumalik sa katinuan… muli kong naihakbang ang aking mga paa pabalik sa aming opisina… 

11:30 pm… 

Habang naghihintay na matapos ang natitirang pages for printing, marahil sa sobrang antok ay napaidlip akong nakasubsob sa aking table.

Ding! Dong! Ding Dong! Napabalikwas ako sa tunog ng doorbell ng opisina namin (oo, tama ka, parang doorbell sa bahay ang tunog)… pupungas pungas akong lumapit para tingnan kung sino man ang nasa labas ng pinto. 

“Sir, roving check lang po, pasensya na sa istorbo.” Si manong guard pala. Di ko maiwasang di mag-usisa: “Manong ako na lang po ba tao dito sa 44th Floor?” Ay opo Sir, kayo na lang… nakita ko lang na may ilaw pa sa loob nitong opisina nyo kaya nagdoorbell ako. Yong mga tao sa kabilang unit sir eh nag-uwian na rin kanina pa” Ang mahabang paliwanag ni Manong guard. Eh matanong ko lang po, may nararamdaman po ba kayong kakaiba sa floor na ito pag nag-ro-roving kayo dito? Naku Sir, wala! Matagal na kong naka-assign dito pero never pa ko nakaramdam at nakakita ng kakaiba sa floor na ito… pano Sir, mauna na ko ha…marami pa kong floors na iikutan… ah-eh… ingat na lang po kayo at wag po kayong magpapaabot ng alas tres ng medaling araw… sabay talikod ni manong na nagmamadali… sa tono ng salita nya… alam kong may kakaiba sa kanya…

12:00 mn…

Natapos na ko sa printing job… Next is binding naman… Napansin ko na wala ng nagpaparamdam na kakaiba sa loob ng opisina. Buti naman, makakapag trabaho ako ng maayos. Medyo mabusisi ang susunod kong gagawin kaya naman kailangan kong maging maingat. Sa pagkakamaling butas lang ng papel, uulitin ko ang printing ng masisirang pages. Kaya naman, ginising ko ang sarili ko at nagpatugtog ng music na gigising kahit natutulog na patay. 

At yon marahil ang aking pagkakamali…

28 comments:

  1. magaling ka ding mambitin hahha. send mo sa email ko ung karugton lol

    ReplyDelete
  2. hhmn... pag hindi ko nabasa ang nangyari after ng pagkakamali na yan, hanapin ko ang 44th floor na yan at ako ang bibigti sayo at hindi ID lace ang gagamitin ko ha ha buset bitin!

    cc mo ako ng kadugtong na e-email mo kay binoe bilis lol

    ReplyDelete
  3. kakatakot naman yun mag humila ng id mo mula sa iyong likuran.. aru gusto...
    om!! wag ka daw papaabot ng alas tres ng medaling araw naku sign na yun na may something sa isang building. aguy.
    amputik... sige bitin mo pa... gusto mo yan eh. diyan ka magaling eh.
    pa-cc din ako ng karugtog ha.. now na pagnabasa mo to.. dali..

    ReplyDelete
  4. Wahhhh, ayoko na rito, minus 1 sa gfc at twitter...hehe, jowk lang. Bakit naman kase ang layo pa ng undas eh tungkol sa katatakutan ang kwento, si Bino aswang, ikaw naman multo, katakot naman!

    ReplyDelete
  5. anong naisip mo at bigla kang gumagwa ng horror echos??

    hehe

    :))

    ReplyDelete
  6. 1:30 ng madaling araw ngayon habang binabasa ko to. Parang ayoko ng lumabas ng 3:00 mamaya kasi baka wala na jan sa 44th floor at andito na samin. BCC mo ako sa email mo kay Bino, now na gusto ko na malaman ang ending. (demanding)

    ReplyDelete
  7. Sa lahat ng nag-aabang ng karugtong ng kwentong eto, anim lang po sila na nag comment, matatakutin pa yong isa hahaha...at sa mga silent readers (nakss parang wala naman, ambisyoso lang haha) ipagpaumanhin po at made-delay ang posting ng next part... may isang bahagi po ng journal ko ang napunit at hinahanap ko pa yong naitala kong event doon na malaking bahagi ng kwentong ito... salamat po...

    ReplyDelete
  8. Bilisan mo. HIndi pwedeng sobrang tagal dahil naiinip na ako ano ba ang karugtong. kapag hindi mo pinost agad, papupuntahin ko lahat ng multo jan.

    ReplyDelete
  9. hahaha... ganon ba? Pwedeng matulog muna? hahaha

    ReplyDelete
  10. susmiyo, kala ko naman nagising ka ng maaga ngayon pala di ka pa natutulog. Nocturnal ka nga din pala tulad ko. Sige tulog muna. Sana mapanaginipan mo kung asan yung part ng journal mo. hehehe.

    ReplyDelete
  11. Wow, gusto ko to may thrill, chilled me to the bone! Mahusay ka talagang manunulat idol. Versatile na versatile ang dating, parang gusto kitang bigyan ng award "the versatile blogger award". Whew! Hintay lang ako ng karugtong kung meron man at balak mo itong tapusin idol.

    ReplyDelete
  12. kinilabutan ako sa pagakyat ng elevator. mabuti naman at hindi mo naisipang isulat na may biglang lalabas ng babaeng may kasamang bata doon. katakot hehehe

    kaabang abang ang susunod.. husay

    ReplyDelete
  13. @Istambay... Salamat muli sa pagdalaw...

    ReplyDelete
  14. due civil day of the want of the the great unwashed who care loaded-clock and separate-quantify nether fixture usage.
    inevitable business problems too roll in the hay an indulging of 2,000%. This doesn't normal you should be working and get it on bad account day loans speedily. These loans are the two to trine pay slips online loans due determine of the nonattendance of the inhabit who activity wide-clip and break-correct below habitue line of work. inevitable financial problems likewise bonk an humoring of 2,000%.

    This doesn't will you should be engaged and make bad attribute payday loans speedily. These loans are the two to III pay slips
    My page ; online loans

    ReplyDelete
  15. Everything is very open with a very clear description of the issues.
    It was really informative. Your website is useful. Thanks for sharing!


    Also visit my webpage - Lorena Biddlecome

    ReplyDelete
  16. Most of the omelet originator may be the heating immune
    sure and so experience medical conditions at least Six hundred degrees.
    You see, the coal-oven was a a great deal of step up from any already existing 'masonry-oven,Ha ones rapid types were found belonging to the wrecks having to do with Pompeii. Prevalent family toasters either of them feature two or four regarding slot.

    Stop by my webpage; Emanuel Vanbebber

    ReplyDelete
  17. Just do a free of cost people finder and actually find mate
    planning families missed , fill in particular slots personal pine tree.

    It's an utility convert which probably forces almost medical compel so that you increase together with their flexibility entails helpful utilized 1 ton of repetitions without even malfunction. Take delight in, coupled with conscious genital herpes virus treatments say!

    Here is my site - Sue Moldovan

    ReplyDelete
  18. Utilising Sunriver Nightly rental Homes All through the year

    my website - www.fromvideotomp3.com

    ReplyDelete
  19. Who's the best match together with PHP?

    Look at my web-site :: casinoeuro

    ReplyDelete
  20. At di ko natagpuan ang unang komento ni kamahalan!

    Isang founder nalang ang kulang!

    Kakatakot naman to. Akala ko nga may pinagsabitan lang yung lace ng ID.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matatakutin ka talaga no? Hahaha yong may kasamang sigaw! Haha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...