Thursday, March 1, 2012

Kahit Sa Panaginip Lang...

I had a dream last night... I saw my late father standing in front of a door, in a very familiar house. Patiently waiting for someone, and this is the first dream i had away from home. Seven months na ko dito sa Casablanca, Morocco, at ito ang unang panaginip na dumalaw sa pagtulog ko. Hindi ako yong tao na madalas managinip nor the type of person that usually interpret dreams into something else or consult experts to unlock the meaning of it. But this time it's different, it's my father, the late Mario Verdan Sn. Parang na home-sick ako bigla which is very unusual kasi sanay ako na magpalutang-lutang... wherever life takes me. From the time I wake up, till working hours and back to our accommodation, till present time as per this writing, suddenly I feel like going home. And suddenly I miss my father.     

My younger days was filled with fun and laughter because of him. Natatandaan ko pa na bago kami matulog na magkakapatid ay madalas na makakarinig kami ng mga kwento mula sa kanya. Nakaupo kami ng pabilog habang matamang nakikinig at nanonood sa bawat kumpas at galaw ng kanyang mga kamay na nagbibigay kulay at buhay sa bawat salitang binibigkas nya. Pero bago nya umpisahan ang bawat kwento, manunukso muna yan... at ito ang isa sa madalas na pambitin nya sa amin. 
"Noong unang panahon.............................. meron daw, panda gaw-gaw, panghalo, sa nilugaw." At lahat kami ay aangal at magrereklamo na ituloy na nya ang kwento. 

Marahil hindi pa nakakarating sa baryo namin ang mga fairy tales books, o wala lang talagang pambili dahil sa kahirapan ng buhay pero ang mga kwento nya ay higit pa sa mababasa mo sa libro. Sa kanya ko unang narinig ang ibat-ibang alamat at bugtong na hindi ko alam. Mga kwentong katatakutan, na mauuwi sa pag-iyak ng isa sa amin dahil sa takot at mga kwentong nakapagbibigay ng aral. I wonder how he manage to make up all those stories. Pero nagawa nya kahit wala siyang mataas na pinag-aralan. 

Pag wala kaming ulam, kanin lang, asin at mantika ng niyog, napapasarap nya. Alam nyo ba kung pano nya ginagawa? He will make rice balls out of it. Bibilugin nya ang kanin gamit ang kanyang mga kamay na pagod sa pag-aaro ng bukid at isa-isang ilalagay sa mga plato namin. At mag-uunahan na kami, na igawa pa nya ng mas marami at ang isang salat na pagkain sa aming harapan ay daig pa ang handa sa piyestahan. (Now I realize how hard would that be for a parent like them, my itay and inay, to see us na yon lang ang kaya nilang ilagay sa hapag kainan. Now i know their heart is crying during those times) Now I also realize what I'm missing... my family back home, ang inay at ang mga kapatid ko. 

Para po sa inyo Itay, hayaan nyong ako naman ang magkwento. At ito ang kwento nating dalawa....

"In our Dreams"

When I was a kid, I dreamed that I was climbing a not so steep hill with my father. He was a few steps in front of me. With my little hands, I tried so hard to grab everything that I can just to cope with the pace of my father. Bruises and blisters I didn't mind just to be able to get closer to him.  But every pace I make, the more my father seems to go farther and farther away... I keep calling him but he will just wave his hands to me in a gesture to climb towards him. Every time I'll fall and stumble, suddenly his almost there in front of me... within reach... but the moment I stand up and start climbing again... there he goes... drifting and drifting farther away from me... These scenario goes on and on in circles... like a short movie film, set to a constant replay...searching for an ending that's never going to happen...

I can't remember how it ends and how I manage to wake up. That time... I don't even care what's the meaning of that dream or try to understand it with my childlike mind. But I do vividly remember is what happens next, the day after that dream.

It was a small group of people gathered in a nipa hut with a bottle of "Lambanog" at the center (Lambanog is a local wine in quezon province). It was a local tradition that after a hard days work, it has to be followed by a drinking session. It is a tradition that originated in the famous "Bayanihan Tradition" where people in a certain localities will help hand in hand who's in need. Our version is what we called "Turnohan". A group of workers will help the host do a certain task, mostly tendering the fields or clearing the land. Hosting is done in turn until everyone in the group becomes host. That day, my father was a host and at that moment... he was telling a story.

It was my dream! How come he knows what i dreamed last night? I didn't tell anyone about my dream. But my father tells the story of my dream in details... until it became clear to me that he was telling the story of his dream not mine.

My dream... his dream... we have the same dream that night. He was there in my dream... i was there in his... I don't know how that would be possible. The only thing I know, that moment was special & magical... 


Parang isa sa mga kwentong kababalaghan na madalas naming marinig sa kanya, ang kaibahan lang ito ay sa totoong buhay at isa ito sa mga ala-alang aking dadalhin hanggang sa kabilang buhay... hanggang sa muli nating pagkikita.

-Wakas-


Author's note:
Itay, I miss you po...sana nakasama ka namin ng mas matagal.... Pero masaya ako ngayon dahil nakasama kitang muli, Kahit sa panaginip lang.



25 comments:

  1. Oh, I felt like crying! Last Tuesday night, I watched a late-night tv documentary about senior citizens and I suddenly remember my father, I realized na he's old na nga pala and shouldn't be working but still he is. And then here's your story, about na naman sa tatay. I guess I should really go home, parang pinapauwi ako ng mga stories about fathers ah. ;)

    Nakakalungkot ang story mo pero it seems you're okay now, I'm sure your father's proud of what you are and what you have achieved, asan man sya. Uwi ka na para makasama mo naman mother mo, tutal naman hindi ka na makakapanlibre sa fastest roller coaster eh, hehe! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. PS na naman ulit: si Mayong ba ang cute na bata sa pic? :D

      At bakit alang comment box sa 'about me', may violent reaction pa naman ako...hahahah!

      Delete
    2. Yes, I'm okay now... gusto ko na ngang umuwi... but it seems extended pa stay ko dahil di pa tapos project namin dito... hayyy I want to go home really... kasi sasamahan mo pa ko sa spelunking hahaha...kala mo ha!

      Delete
    3. PS na naman? lol... oo si mayong yan... cute sya dyan... ngayon mukhang ewan na!

      That's the purpose kaya ala comment box yong about me haha

      Delete
    4. Hi Mayong! Naniwala ka naman, jowk lang kaya yun, typo error, nakakata-cute talaga ang tamang word...hehehe!

      Delete
    5. ok lang yan... at least jowks are half-meant hehe... kaya naniniwala pa rin ako haha... (kapalan na to)

      Delete
  2. I'm almost crying because you're story somewhat resembles mine but instead na mantika at asin mantika at toyo namin sakin. Hahaha and I also lost my father na. I'm also having vivid dreams about him pero kapag may problems naman ako.

    I'm sure you're father is really proud of you, watching you from up there. Just continue loving your family and continue the good things you are doing and you'll make him prouder.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Try ko version mo ng mantika at toyo, just to make a comparison haha

      Mas ok sana if he's still around... but then again, who am I to question God's plan.

      Delete
  3. I also lost my dad in an early age, what hurts was it was before High school graduation, i still miss him, especially now that college graduation is fast approaching, I'm happy to have my mom with me but it would be great if the three of us are together on that special day,

    kudos to you my friend, :))

    ReplyDelete
  4. Thank you my friend... and congratulations! Yahooo ga-graduate ka na! Treat naman dyan haha

    ReplyDelete
  5. I think that we're all written in the stars, and perhaps this dream was a symbol that your father is watching over you still :) He must be very proud of you! This reminded me of my father's dream about his grandfather. My dad said that he was walking aimlessly in their province, and there were a lot of people standing in line going to the "bahay-kubo". His grandfather was there and he was shocked to see him, so they shook hands and asked how each other were doing. My father asked why they were going to that "bahay-kubo" and Grandfather merely shrugged. He tried to persuade my dad to accompany him, but for some odd reason, my dad felt like he shouldn't. So he declined - and after that, he woke up. He freaked out a lot because he had a feeling that if he had went with his grandfather, he perhaps might never find his way back to us. Okay, this isn't really a tear-jerker like your story here but... haha, dreams about fathers reminded me of this and I just wanted to share it, haha!

    I hope you're feeling better now :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm better now, thank you for the concern... and marami din akong naririnig na kwento, the same as what you shared, na pag nanaginip ka daw ng ganito, wag kang sasama or else di ka na magigising... it's like sinusundo ka na, something like that.

      Delete
  6. may worth pala ang backreading hehehe ayan na-trace ko sweetness nyo ni Glen hahahaha tsugs tsugs tsugs! Eto kasing si Glen ayaw sabihin anong title ng entry mo yung nagcomment sya abt sa age nya kaya eto ako naghahalungkat. helf!

    ReplyDelete
  7. What a touching story you've got here.. Kapag magulang na talaga pinag-uusapan nakayuko na ako, nakatalikod, nagpapahid ng luha sa aking mga mata. Maswerte ako meron pa akong tatay at nanay, kaya lang malayo sila. Napakahirap palang mawalay sa kanila ng napakatagal. Gaya mo si tatay ang idol ko, sa kwentuhan, madiskarte sa buhay at - sa hapagkainan na mantika ng niyog at asin din ang ulam; creative sya na ang imposible nagagawa nya. Kung di nagagalit si nanay, si tatay ang favorite ko nung bata pa ako, tatay's girl kasi.. teka haba na nito, igawa ko nalang kaya ng post ito sa blog ko? nainspire mo kasi ako entry mo na to sensya na idol.

    ReplyDelete
  8. @ Gracie, ok lang yang mahabang comments... sige gawa ka ng version mo... aabangan ko yan!

    ReplyDelete
  9. @ Gracie ulit... sino si Glen? hahaha pasensya na

    ReplyDelete
  10. If Delhi, Mumbai and Bangalore are high in the grade of
    business and commerce then Kolkata is much superior in catering
    the quality education in India. The word, all
    that is said and taught belongs to Him. Later, in the medieval period astrolabes were specifically used as a navigating device to find the location of
    Kaaba in Mecca.

    Look at my site :: islamic resources

    ReplyDelete
  11. This will make it less likely for you to leave the change in your car, or somewhere in your home.
    If you are looking for work that is flexible, professional, and legit, we have an option for you.
    If you leave it anywhere beside your container, it will more than likely be spent or
    lost.

    Feel free to visit my weblog; how to make money online

    ReplyDelete
  12. "Mga kwentong katatakutan, na mauuwi sa pag-iyak ng isa sa amin dahil sa takot..."

    Ikaw yung umiiyak! hahaha!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...