Tuesday, March 27, 2012

Au Revoir! part 1


Now that it's almost over... I can't help but feel nostalgic about it. Bakit kanyo? Di kasi ako makapaniwala na tapos na, na sa loob ng walong buwan, eto ako ngayon at pabalik na sa aking lupang sinilangan. At masasabi kong proud ako sa results. Pero bago dumating sa punto kung saan excited na ko umuwi, dumaan muna ako sa ibat-ibang challenge! At sa aking pagbabalik tanaw, isa lang ang masasabi ko....

I SURVIVED!... IN ONE PIECE... 

Ngunit ganon yata talaga. Feeling mo may bahagi ng buhay mo na maiiwan sa bawat pamamaalam. Sa banyagang lugar na ito, kung saan natuto kang makibagay sa kakaibang takbo ng buhay, malayo sa buhay at kulturang iyong nakasanayan, kahit papano naman siguro, may naibahagi ako kahit katiting lang. 

Day 1...
Your first is always be the most memorable one...

Aminin man natin o hindi, lahat ng unang karanasan ay laging tumatatak sa ating isipan at nag-iiwan ng kakaibang ala-ala, masaklap man o masaya. This is not my first here in Morocco. I've been here before, but in another city in the North (Tangier). Sa pag-apak mo pa lang sa site, at paglapag ng backpack sa magiging table ko, na nasa isang sulok ng maliit na kwarto (office caravan), naisip ko lang, na this is it!

After  long hours of planning, pakikipag buno sa drawing boards, halos humalik ka na sa screen ng PC mo at halos isang daang revisions, puyatan at halos kape na ang dumadaloy sa iyong kalamnan, finally I'm standing right in this area where we are going to build... at dito na nagsimula ang kakaibang karanasan. 

Epic Challenge...
Experience... the best teacher...

If Experience is the best teacher... sa naranasan kong ito, masasabi kong isa syang terror na teacher.

1. Safety Shoes - araw-araw kong suot, mabigat dahil bakal ang dulo, pag-uwi, paa'y pagod sa trabaho (at least Caterpillar naman)

2. Pocco Locco (a little crazy)- ang nag-iisang resto sa site... ang menu, sandwhiches at sandwhiches pa at sanwhiches pa uli... parang awa mo na, rice... I want rice.. extra rice please!

3. Petite Taxi (maliit na Taxi, yong red!) - papasok at pauwi kailangan mong mag commute... swerte na lang pag marunong mag-english ang driver...


      Driver: Parlez vous Francais? (you speak French?)
      Me: Oui (yes)
      Driver: mssrk *$%&*#((#*%*$&@($(@)@*$
      Me: English Please! (yabang kasi haha)

4. Google Translate - kung wala ka nito, paano na? Mangangamote ka sa translation! Salamat google!

5. Pulbos - isang matinding kalaban ang alikabok... araw-araw, para kang ispasol, libre pulbos.

6. Maling Akala- akala mo tapos na, hindi pa pala, kailangan mong mag revise dahil may nawawalang isang sementong poste... or may biglang pader pala na tumubo, tapos may tubo ng tubig na umusbong sa gitna, wala na, revise ka na talaga.

7. Apoy - tatlong beses na aksidente ng sunog... malamig daw kasi kaya nag bonfire lang... mateko!

8. Tubig - umuulan sa loob ng site? Indoor kaya kami, anyare?

9. Resignation - isang beses na muntik na kong bumitaw... buti na lang nakakapit pa.   

At marami pang iba na di ko na iisa-isahin... Teka, kanina pa ko nagli-litanya... ano nga ba ginagawa ko dito sa Casa? Isa-isahin po natin...

IWMY...
I Will Miss You...

1. Gloria - the penguin...
Sana ay bigyan mo ng justice ang pangalang ibinigay ko sayo...


2. Nana sa Puno...
tabi-tabi po... ma-mi-miss ko ang mukha nyong laging nakatunghay sa akin... wala na akong titingalain...
3. Crablets of Fire... mukha kasing luto na hehe
wag na wag mong ilalaglag ang shades mo... mahal yan!


4. Time Machine Ride...
Sana totoo ka na lang... so I can travel back in time
5. Angelina The Dragonese - 
buti na lang, bumuga ka na ng usok... 
6. Chef Spidey -
ready to cook!


ABANGAN ANG IBA PANG MGA KARAKTER SA PART 2


itutuloy...







15 comments:

  1. Wow. Ang dami mong legacy sa lugar na yan a.

    I know the feeling na aalis ka sa isang lugar na matagal ka naka-assign. Just when you get used to the culture and environment, it's time to go.

    Sana nga mabigyan ng justice ni Gloria the penguin yung pangalan nya. Hahaha.

    ReplyDelete
  2. @Charles, oo nga, excited na ko umuwi, pero tama ka, ma-mi-miss ko rin mga nakasanayan ko na dito, at si Gloria hahaha

    ReplyDelete
  3. ika nga nila sa lahat ng mga bagay di mo talaga makakalimutan ang simula, dahil sa simula ang nagsasabi kung anu ang mangyayari sa susunod (anu daw!)
    seriously, di ba tama naman talaga..
    at sa pbawat paalam ay may bagong masayang simula..

    ReplyDelete
  4. @Axl... tama! kung wala kang sisimulan, wala kang tatapusin, pero pag natapos mo na, it's another step closer to another beginnings... at tama ka na naman, may bago akong masayang sisimulan pag-uwi ko...abangan hahaha

    ReplyDelete
  5. Oui oui ka pa ha, ayan tuloy, sinubok nya si google ttranslate mo, hehe!!
    Pagdating dito sulitin ang rice, mag-unli rice kay Mang Inasal. :)
    Pag terror ang teacher, nagsisikap tayo una dahil sa takot pero kapag nagtagal nagiging habit na kaya nagiging mas produktibo, kaya ok na rin ang terror Morocco experience, I'm sure it helped you become a better person. :)

    ReplyDelete
  6. @TPW.. oo nga eh... lakas ng loob sumagot ng oui! hahaha... Oo nga, unli rice humanda ka sa kin haha...

    Great experienced nga to! Sobrang dami ko natutunan...

    ReplyDelete
  7. ahhhkkk.. this is the part na pinakahate ko.. remembering what i did sa isang place... nakakamiss kasi... :)

    pero isang good experiene ang makapunta sa labas ng bansa upang magtrabaho... pero pag-iniwan mo na parang masakit din :(

    ReplyDelete
  8. @ kiko... tama ka... the leaving part is hard... but at the same time, alam mo na may maiiwan kang legacy that you can be proud of...

    ReplyDelete
  9. Ang importante, magagandang alaala ang naidulot sayo at iiwanan mo, kahit na anong hirap at sakripisyo ang mabuhay at manirahan dito. Pero sabi mo nga hindi naman nagtatapos ang lahat dyan diba, may mas maganda pang bagay na dadating at sisimulan kaya go lang ng go! Ika nga, kapag may iniwanan, tiyak may babalikan. May nasimulan, may tatapusin. Tas simula na ulit ng mas bongga, diba idol?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...