Tuesday, February 7, 2012

Kape... Coffee... Cafe...

Mahilig ka ba sa kape? Hindi yong nagpupunta ka lang sa starbucks para makaipon ng stickers para sa bagong planner. Coffee drinker, coffee addict, pampatulog ang kape or whatever term you called for such individual, yan ang tinutukoy ko. Isa ako sa mga taong madalas tumambay sa coffee shop, not only because of the free internet but because I love drinking coffee. Hindi naman ako yong tipo na expert na pagdating sa kape. Alam ko lang na masarap ang kape pag freshly brewed! Sa amoy pa lang, mapapa wow ka na. 

What makes a good or best coffee nga ba? Is it the brand? The name of the coffee shop? The add on or flavors? The taste? The aftertaste? The presentation ba? Maaaring iba-iba, depende sa drinker's preferences but all of these plays a role in chosing the best coffee, consciously  or sub-consciously. 

Gaya kanina, afterlunch... an urge to drink coffee, I found myself sitting in Cafe Vergnano, an Italian Coffee. Small but fancy cafe but what's interesting about this coffee shop is the year it started... 1882. Quite old yeah?  

And when they served the cappuccino I ordered... ang tagal kong tinitigan at di ko mainom agad... because of the presentation na talaga namang todo effort. Nakakahinayang inumin kasi masisira yong design on top.  




At habang pinag-iisipan ko kung iinumin ko na ba kape ko, eh nilantakan ko muna ang isang cheesecake hehehe (pang-inggit)



Ang sarap ka partner nito sa kape... sabi nga, gaano man daw ka pait ang kape... isang kagat mo lang ng cookies, yon ang nagpapasarap and that completes your coffee experience. 

Eh di ko na matiis ang cappuccino ko kaya gumawa ako ng sarili kong design...
 Abstract nga lang.

Now, I can say these...
"Smells good... Looks good...Taste even better..."


19 comments:

  1. nakakahinayang inumin yung kapeng yan. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayang nga hahaha...parang ayaw mo nang inumin pag ganito kape mo

      Delete
  2. Bakit mo sinira design, ganda pa naman, sayang! :(

    ReplyDelete
  3. ano ba yung design? kwago?

    kala ko eggpie! haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi yon kwago! Hahaha

      Palibhasa peyborit mo ang eggpie! Di ba?

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...