Saturday, April 16, 2011

Backpack Series: Episode 1

Ang bigat ng backpack ko!
By "Mark"

Yes po, mabigat ang backpack ko! Pero lagi kong dala kasi importante laman non... kaya gaano man sya kabigat... dala dala ko sya kahit saan... Ewan ko ba, dati naman maliit na messenger bag lang dala ko... pero habang tumatagal dumarami at lumalaki ang mga bagay na sa alam ko'y kailangan kong dalhin. Kung baga sa wikang English "accumulating". Baka magising na lang ako isang araw na isang maleta na dala-dala ko... exaggerated naman yon! Hindi yon eh... eto yong punto ko....

Ganon din sa buhay natin... may mga mabibigat tayong dinadala na di natin maiwan for a certain reason. Experiences in life, family, friends, work, etc... Lahat ng yan eh nag aacumulate at padami ng padami. May napanood akong movie na di ko matandaan ang title... he was talking about the backpack principle. He asks his audience to imagine putting all the things that are important to them in a backpack and carry it. What's the point? Di ko rin matandaan hehehe...Basta ganon yon, naiipon at naiipon... pabigat ng pabigat at kinakaya nating dalhin.

Alam nyo ba kung bakit "Dead Sea" ang tawag sa Dead Sea? Sounds kinda creepy, doesn't it? Kasi wala itong outlet streams. It is completely landlocked and it gets saltier with increasing depth. Di ito dumadaloy at ang tubig nito ay walang ibang pupuntahan... so lahat eh sinasalo nya, tanggap lang sya ng tanggap. hindi sya naglalabas. Dahil sa "salt" (FYI- The Dead Sea has some of the most saline water on earth; as much as 35% of the water is dissolved salts! That's almost six times as salty as the ocean!) Walang isdang nabubuhay dito or any kind of swimming, squirming creatures living in or near the water. Yon yon!

Kaya kung ikaw eh kuba na sa kakabuhat sa mabigat na pasanin mo sa buhay, aba eh baka katulad ka na ng Dead Sea. Tanggap ka lang ng tanggap at lahat eh knakaya mo. Hindi mo maiwan ang mga bagay na nakakapag pabigat sayo. Ang tanong... BUHAY KA PA BA?

Hindi na bago ang mga pangungusap na ganito. Actually gasgas na at lumang luma ang mga ganitong tirada ng mga payo. Yon ang masaklap, at ito ay isang lumang konsepto na rin... WE NEVER LEARN!

Bakit kaya? Parang backpack ko ba yan na importante ang laman? Kung hindi naman, e baka pwede mga tsong at tsang, mga tol at teh... na i unload na lang natin and free ourselves from the heavy burden. HOW?????

Check this out and chillax!

Matthew 11:28
 28"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.

Try mo and you will soar like an eagle... maniwala ka man sa kin o hindi...wala namn mawawala sayo. Pag nagawa mo... treat kita sa Bo's coffee hehehe at makikita mo laman ng backpack ko!

JESUS LOVES YOU!

God Bless everyone!

Ako po sumulat ng Note na ito... but to those who are wondering why "Mark" ang nakalagay sa ilalim ng title, kasi po pag tinatanong ako sa coffee shop kung ano pangalan ko, I will just simply say "Mar", but... lagi na lang na "MARK" ang nakasulat sa cup ko. Kaya Mark na lang din... k lang naman diperensya hehehe.

2 comments:

  1. Unload ba sabi mo? Pwede makilagay sa backpack mo para gumaan backpack ko? Ayan ha, nag-unload na ko, libre mo na 'ko ng coffee pero gusto ko starbucks. Hehe...choosy me! ;)

    ReplyDelete
  2. starbucks lang pala eh,sure! hehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...